Ngayon ang reportings namin ni Jervie kaya naman inagahan ko na ang pagpasok dahil first subject namin ito. Dito pa lang sa jeep ay kinakabahan na ako, medyo nakakatakot kasi si ma’am LitCrit. Siya yung tipo ng prof na ayaw ng malawak na explanation. Ang gusto niya ay specific pero paano maiintindihan ng mga listeners yung topic kung abstract agad yung ipapaliwanag, dapat magsimula muna sa concrete para mas madali maintindihan diba.
OK! Tama na , gumagana nanaman ang teacher’s instincts ko. Haha.
10:30 pa ang klase ko pero 9:00 ay nandio na ako sa school. Pumunta ako sa library para dagdag kaalaman para sa report ko. Syempre ayoko naman mapahiya sa prof namin lao na at ganun siya. Pati kahit naman mahal ko yun si Jervie, ayoko pa rin magpatalo sa kanya. Gusto ko magakasing galing kami o kung papalarin ay sana mas magaling ako sa kanya kahit ngayon lang. tulad nga kasi ng sabi ko noon, si Jervie ay almost perfect na, so ibig sabihin noon aygwapo, mabait at higit sa lahat ay MATALINO, samantalang ako ay average student lang, hindi matalino at hindi maganda pero mabait ako.
Si Jervie kasi ay laking Singapore. Well actually hindi naman as in sa Singapore siya pinanganak pero doon na kasi siya nag-grade 4 hanggang sa maka-graduate siya ng Senior high. Masasabi kong mayaman si Jervie dahil mahahalata mo iyon sa pananamit at kilos niya. Araw-arawin ba naman ang Starbucks, samantalang ako hanggang Nescafe stick lang. Si Jervie ay isang Christian at isa siyang worship leader kaya naman maiisip mo talaga na all-in-one na siya. Isipin mo, gwapo, mabait, matalino, mayaman at maka-Diyos, so saan ka pa? napaka-swerte talaga ng magiging girlfriend niya dahil naka-package na si Jervie and ready to go na.
Pagtapos kong mag-library, dumeretso na ako kaagad sa room. 10 minutes pa bago mag-start ang klase nami at lalo akong kinabahan dahil kahit marami na akong nabasa tungkol sa piece na ire-report ko feeling ko ay kulang pa rin iyon.
Sinubukan kong tawagan si Jervie dahil hanggang ngayon ay wala pa siya sa room namin pero kahit anong dial ko ay walang sumasagot. Halos apat na beses din akong tumawag pero puro ring lang ang narinig ko. Tinigilan ko na lang ang pagtawag at muling ni-review ang report ko.
Maya-maya lang ay dumating na si Jervie kaya naman medyo lumuwag na ang paghinga ko. Kasunod niyang dumating ay si ma’am kaya naman muling sumikip dibdib ko.
Badtrip naman talaga. Imbes na mapag-usapan pa namin ni Jervie yung tungkol sa report namin ngayon eh, pero biglang dumaying agad si ma’am. Ang duga kasi madalas 5 minutes siyang late pero bakit nang kami na yung magre-report bigla na lang ang aga niyang pumasok. May balat yata sa puwet itong si Jervie.
Sinimulan na ni Jervie ang report tungkol sa summary ng piece namin at sinundan ko naman ng analysis. Kung iisipin ay mas mahirap yung gawa ko kasi analysis ang akin. Kailangan tama yung pagkakaintindi ko sa piece. Sabi ni ma’am ay wala naman daw mali sa paggawa ng analysis, lahat daw ng analysis ay tama pero syempre diba parang science experiment din yan na kapag wala kang pinag-basehan ng gawa mo malamang 98% na magiging mali or reject ang result, samantalang 2% lang yung chance na makukuha o yung inaasahan mong result.
Habang patuly ako sa pagre-report ng analysis si Jervie at si ma’am lang ang tinitignan ko para hindi ako gaanong kabahan. Sa tuwing napapalingon ako kay Jervie ay lagi siyang nagta-thumbs up, pakiramdam ko tuloy ay tama lahat ng gawa ko. Patuloy lang ang pag-aprub at pag-ngiti niya sa akin at napansin ko naman na napapangiti din si ma’am habang nagre-report ako. ibig sabihin ba noon ay tama ang ginawa ko? Sana nga tama kasi halos tatlong linggo akong naghirap sa pag-intindi ng mga piece na ito at sobrang hirap noon.
“so what do you think the author or Robert Lee Frost wants to tell us?” tanong ni ma’am
EMERGESH!! Ito ang hirap pag English eh. Kailangan all the time ay English speaking, buti na lang at handa ako sa mga itatanong niya. Naobserbahan ko kasi na iisa lang naman yung tinatanong niya sa bawat reporters kaya naman napaghandaan ko na iyon. Akala ba niya hindi ko siya kaya? HAHA. Doon siya nagkakamali.
“this poem Stopping by the woods in a snowy evening that is written by Robert Lee Frost is about the responsibilities that we have to accomplish. He said here that everyone can rest and entertain themselves for a while but then we always have to remember our responsibilities in life. If we are already tired hen we can take a rest but if we already have enough rest then we should continue doing what we have do. We always need to remind ourselves that there are more beautiful and great things around us if we accomplished our taks rather than having a deep, long rest. That’s all ma’am”
“it seems you really understand what he wants to tell the readers. Good Ms. Cordovilla and Mr Delara ” sabi ni ma’am
Tuwang-tuwa ako ng marinig ko iyon kay ma’am dahil kahit papaano ay nagbunga ang pinaghirapan ko. Hindi man very good ang sinabi niya atleast kahit papaano ay nabigyan kami ng compliment at hindi man lang siya umangal sa report namin. Another achievement na pwede kong ipagmalaki kila mama.
“good job Kim. Akala ko ba hindi mo alam yung ire-report mo ha? Eh ang galing-galing mo nga kanina eh” sabi sa akin ni Jervie
“hala. Ikaw nga yung magaling eh.” Sagot ko naman
“ay nako. Pareho lang tayo. Inspired ka yata eh? Kanino?” tanong niya
“huh? Baliw ka?” sagot ko
“sino nga? Swerte naman niya. Tignan mo nga mukha mo sa salamin, namumula ka. kinikilig ka nanaman”
“basta Secret”
“baka naman mas gwapo pa ako dun? Gwapo ba yun?” tanong ni Jervie
“oo. Gwapo tapos mabait, matalino, rich kid din siya. Alam mo ba mahal na mahal ko yung taong iyon at siya lang ang gusto kong maging kasama habang buhay. Kung hini man maging kami, hindi na ako magbo-boyfriend. Siya lang talaga” Sagot ko
“naks naman. Sino yun? pakilala mo sakin dali.”
“ayoko nga. Bahala ka diyan” sagot ko
Ang saya ko talaga ngayong araw na ito, hindi dahil kay Jervie pero dahil sa report ko. Salamat at makakahinga na ako ng maluwag bago mag-midterm exam.
BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Teen Fiction"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...