Another day sa school at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gaanong nakaka-recover dun sa nakita ko kay Xander. Siguro masyado lang akong nag-assume na may gusto siya sa akin.
Aminado ako na ganun akong klaseng babae, na kapag may agbiro o magpaka-gentleman sa harapan ko ay iisipin ko kaagad na gusto niya ako. minsan nga kahit titigan lang ako ng isang guy iisipin ko kaagad na crush niya ako.
Assuming ako masyado at alam ko yun. siguro dahil na rin sa pagkalulong ko sa KDrama. Sa TV kasi ganun lagi yung nangyayari, magkatinginan lang tapos kinabukasan sila na kaagad.
Well, iba nga naman kasi ang movie sa reality. Pero hindi lang yun eh, siguro masakit din sa part o dahil ngayon lang hindi nagsabi si Xander sa akin ng happenings sa buhay niya.
Siguro nagseselos lang ako o naiinggit dun sa babae kasi hindi na lang ako yung girl na pinagkakatiwalaan niya at hindi na ako yung best gal friend niya dahil meron na siyang girlfriend.
**Nae-ge da-ga da-gawah salmyeoshi anajwo
Ije tal-gom tal-gomhan sarangeul marhaejwo
Ni-ga jakku jakkuman saengganna eotteo-khae
Dodaeche neon nae mameul waeh mollaWait. Ringtone ko yun ah. Sino nanaman ba tong tumatawag na ito. Hindi ba niya alm na nasa school ako?
INCOMING CALL: +639309660125
“hello?” tanong ko
“Kim, usap naman tayo” sabi ng isang lalaki
“nag-uusap na nga po tayo diba? Sino ka po ba? San mo nakuha number ko?”
“mamayang uwian, hihintayin kita sa gate?”
Pagkatapos niyang magsalita ay bigla na niyang binaba ang phone. Hindi ko alam kung sino siya pero makikipagkita ako dahil na-iintriga ako. parang pamilyar kasi yung boses, hindi ko nga lang matandaan kung kaninong boses yun.
Habang naghihintay kami sa FS prof namin napansin kong napaka-hyper nanaman ni Jervie. Paikot-ikot siya sa front pati back door . nagpapapansin at umeepal nanaman. Ewan ko ba sa lalaking yon, abnormal.
Sinusundan ko lang siya ng tingin at napapatawa na lang ako sa tuwing may napagti-tripan siya.. may pagka-childih siya kaya naman hindi mo maiiwasang matawa sa kakulitan niya.
BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Teen Fiction"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...