Chapter 32 -- In her Eyes

14 0 0
                                    

JERVIE’s POV

Ganun pala yun. kaya pala ang saya niya palagi. She is already inspired by someone. Kitang-kita ko nga sa mga mata niya, halatang kilig na kilig siya sa kung sino mang lalaki yung tinutukoy niya, sinabi pa niya na gwapo yun, mabait, mayaman at matalino. Bakit? Gwapo naman rin ako, medyo matalino kahit papaano at mabait naman ako. siguro naman halos pareho lang kami ng qualiies nung lalaking iyon, so bakit hindi na lang ako.

Siguro wake up call na iyon para sa akin, dapat ko na sigurong tigilan talaga itong kalokohan na love na ito. Sa bagay, ang true love, forever, kilig moments, spaks fly, butterflies at kkung ano-ano pa, puro kalokohan lang naman yang mga yan.

Kung dati ko pa sana iyon naisip eh di sana hindi ako mukhang tanga ngayon. Nagpaka-effort pa ako na mapansin niya pero wala naman palang pag-asa. Kung dati ko pa sana na-realize yung bagay na ito.

“oo. Gwapo tapos mabait, matalino, rich kid din siya. Alam mo ba mahal na mahal ko yung taong iyon at siya lang ang gusto kong maging kasama habang buhay. Kung hidni man maging kami, hindi na ako magbo-boyfriend. Siya lang talaga”

Hindi ko makalimutan yung sinabi niya. Alam kong hindi naman ko dapat magka-ganito pero medyo masakit. Hindi lang pala medyo, masakit pala, sobrang sakit. Kung sino man yung lalaking iyon ay sana hindi niya saktan si Kim. Mahalaga para sa akin si Kim dahil mahal ko siiya, sana lang ay hindi siya mapunta sa maling lalaki.

Bakit kasi? Sino ba yun? bakit hindi na lang ako? kaya ko naman alagaan si Kim, kaya ko siyang pasayahin at higit sa lahat ay kaya ko siyang mahalin sa paraan na gusto niya.

Alam kong kakitiran ng utak at pagiging makasarili ang papairalin ko pero sana maging ayos ang lahat. Iiwas muna siguro ako ngayon kay Kim, kahit ilang araw ang siguro para mas makapag-isip ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Kahit naman kasi nasaktan ako sa nalaman ko, na meron na pala siyang mahal ayoko pa rin na maapektuhan ang pagka-kaibigan naming dalawa. Gusto ko kahit nasaktan ako ay nandiyan pa rin ako sa tabi niya sa tuwing kailangan niya ako dahil alam ko naman na kahit anong mangyari ay hindi niya ako basta-basta lang na iiwan.

**

Ilang araw na akong hindi nakikipag-daldalan kay Kim at alam kong naakaramdam na rin siya pero hindi lang siya nagtatanong. Ayoko mang umiwas sa kanya pero kailangan ko muna magpahinga para kahit masakkit man ay hindi pa rin niya mahahalata na sobrang hirap yung dinadala ko.

Sa tuwing magkakasalubong kami ay nakikita kong magkakasama silang tatlo at yung barkada nung JB. Mas nagiging masakit para sa akin dahil sa bawat oras na makikita ko sila ay kitang-kita ko sa kanyang mga ngiti at mga mata na masaya siya kahit wala ako. akala ko ako lang ang makakapag-pangiti sa kanya pero mali ako. imposible rin naman na pinepeke lang niya ang bawat ngiti niyang iyon dahil alam kong hindi siya ganung klase ng tao. Alam ko at ramdam ko na masaya na talaga siya ngayon ng wala ako sa tabi niya.

Sa bagay madalas naman talaga akong wala sa tabi niya. Literally. Nagkakatabi lang kami tuwing oras ng klase pero hhindi ko man lang siya natatanong tungkol sa mga problema niya, samantalang siya kahit hindi ko sabihin na tulungan niya ako ay agad siyang nariyan at nakikinig sa akin. Siguro pabor na din sa kanya yung pag-iwas ko dahil mababawasan yung pabigat sa kanya.

Madrama na ba masyado? Siguro ganun talaga kaag nalaman mo na yung taong mahal mo ay may mahal na iba. Nakakainis kasi ngayon na lang ulit ako nag-effort para sa isang babae at nasaktan pa ulit ako.

Carla. Ang unang babae na niligawan ko ng halos isang taon pero I’m still rejected. Ang sabi niya sa akin ay kailangan daw niyang mag-aral muna abroad kaya hindi niya muna ako pwedeng mahalin. Kailangan daw muna niyang tuparin ang mga pangarap ng magulang niya para sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang pabayaan syang umalis. That is my first heartbreak, wala man lang akong nagawa para pigilan siya. Ang sabi niya sa akin noon, babalik daw siya para sa akin, a little part of me is still hoping that she will comeback pero hindi na rin ako ganong umaasa dahil parang imposible nang mangyari iyon. It’s been six years nung umalis siya at wala man lang kaming communication sa isa’t-isa.

History repeats itself. Tulad ng dati, dahil sa kaduwagan ko ay nasaktan nanaman ako. dahil sa katangahan ko, hindi man lang ako makapag-isip ng tama para mahalin niya ako o kahit sana magustuhan lang niya. Ang ginawa ko lang ay magpaka-kuya kay Kim, ang maging kaibigan niya sa tuwing kailangan niya ng kakulitan.

Ngayon ko lang na-realize na mali pala yung ginawa ko. Kung sa simula pa lang sana ay naiparamdam ko na sa kanya na mahal ko siya siguro ay may chance pa na mahulog din siya sa akin.

Gustuhin ko man na baguhin ang lahat pero sa tingin ko ay huli na para gawin ko pa iyon. Meron na siyang mahal at hindi ako iyon. Alam kong hindi ako iyon dahil kung ako man iyon ay sasabihin niya iyon sa akin, pero hindi eh.

Si Kim ay yung taong nagsasabi ng nararamdaman niya at walang pakialam sa kung ano ang mangyayari. Vocal siya kaya alam kong madali lang sabihin kung may nararamdaman siya para sa isang tao. Malas ko kasi hindi niya ako nasabihan tungkol sa nararamdaman niya para sa akin. Ano nga ba naman ang sasabihin niya sa akin eh wala naman siyang kahit anong feelings para sa akin.

Kaibigan lang ang tingin niya sa akin at yun lang yon. Wala nang mas hihigit pa doon, kung sakaling may pagtingin pa siya para sa akin higit sa pagiging kaibigan sa tingin ko ay bilang isang kuya niya lang.

Masakit pero anong magagawa ko, paulit-ulit na bumabaon sa puso ko yung sinabi niya at ang hirap kalimutan dahil gabi-gabi kong naaalala ang lahat ng sinabi niya. Maikli pero maraming nilalaman.

**END OF JERVIE’s POV

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon