Chapter 1 -- New Acquaintance

47 2 0
                                    

Malapit na matapos ang first week of school, salamat naman. Natatawa ako sa aming tatlo nia Angela pati Samantha, isang linggo pa lang ang ipinapasok namin sa school pero pakiramdamnamin pagod na pagod na kami. Second year college na kami, educ studens major in English. Akala ng marami madali lang magig educ student, akala nila madali lang ang English. Nako hindi lang nila ala kung gano kadugo mag-aral ng grammar, hindi nila alam kung gaano kahirap ma-criticize ng story , poems at novel. Kung iisipin, mas mahirap pa nga maging educ student kaysa maging engineeering.

Whole week ng schedule namin ay hlos whole day tapos may Saturday class pa kaya naman nakakapagod talaga. kulangna lang lagan din nia ng schedule ang araw ng linggo eh. pero ganun talaga, college life eh pero promise ang hirap talaga.

07:00AM ang class namin tuwing sabado kaya naman napipiltan ako gumising ng 05:00AM. isang oras ang byahe mula sa amin papuntang school. Nabigla ang katawan ko dhil sa sbrang hirap na schedule kaya naman unang sabado pa lang ng klase ay pagod at stressed na ako.

habang nasa byahe ako papuntang school, naisipan ko na umidlip muna dahil antok na antok na talaga ako, pero nang pumikit na ako ay hindi naman ako makakuha man lang ng kahit konting antok. minsan nakakainis dahil kung kelan wala kang time para matulog bigla-bigla ka na lang dadalawin ng antok, pero kapag wala ka namang dapat gawin at naisipan mong matulog bigla namang mawawala ang antok mo.

dahil hindi naman ako makatulog, tumingin na lang ako sa labas ng jeep hanggang sa makarating ako sa school. pagbaba ko, halos mahikab-hikab pa ako. hindi ko talaga maintindihan minsan ang sarili ko, inaatok tapos maya-maya hindi tapos maya-maya ulit inaantok nanaman. adik lang?

pagpasok ko sa schol dumeretso kaagad ako sa speech laboratory, speech class kasi namin ngayon at sobrang saya dahil makakaranasna kami ng aircon. paano ba naman kasi kumpeto ang bayad namin sa tuition fee and take note kasama doon ang aircon pero isang room lang namin ang may aircon kaya naman nagbubunyi kami na may aircon ang speech lab namin.

pagdating ko sa room namin, nakita kong sarado pa at nasa labas pa yung mga classmates ko. nakita ko si Angela na nakaupo malapit sa pinto asama ang boyfriend niyang si Jerson. hindi na ako nagtataka, lagi silang magkasama a halos hindi na sila mapaghiwalay. para silang papel na naka-glue sa isa't-isa pero mnan naiinggit din ako sa kanila kasi ang tagal ko nang walang boyfriend kay naman ayun naiinggit ako.

"ano ba yan Anj, aga-aga jowa agad inaatupag?" biro ko sa kanila

"kaya nga eh" pabirong sagot ni Jerson

"aysus Jerson, sapakin kaya kita dyan." sagot ko

"be, tara dali, may tatanongako sa'yo" sab ni Angela

agad akong lumapit sa kinauupuan nilang dalawa at sinalampak ang aking bag sa tabi ni Jerson. nag-indian sit ako sa harap ni Angela at nagtanong.

"ano yun ganda?" saib ko

"alam kong maganda ako be, wag mo na ipamukha. nahihiya ako eh" saot ni Angela

"hala, tumigi ka nga" sabat ni Jerson

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon