Pagtapos namin gumala, kumain at mag-window shopping ay nag-timezone muna kami. Actually sila lang kasi wala naman akong pera pati hindi ko rin dala yung Card ko. Gustuhin ko man maglaro, hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.
“ayaw mo ba be maglaro?” tanong ni Angela
Lumapit ako sa kanya at bumulong. Nakakahiya kasi kung marinigi nila na wala akong dala ngayon, mga rich kids pa naman din tong mga kaibigan ko.
“hindi ko kasi dala pera ko eh” mahina konng bulong sa kanya
Tumango si Angela nang sinabi ko iyon. Siguro naman maiintindihan nila, kasalanan ko banghindi ko dala wallet ko, at kahit naman dalhin ko yun, wala rin namang laman yung wallet ko eh.
Nakakatawa nga kasi andami kong wallet, siguro nasa mga lima yun pero halos lahat walang laman. Isa nga lang yata ang may laman dun eh, yung binigay sa akin ni Samantha tapos barya pa yung laman.
“gusto mo maglaro?” dinig kong sabi ni Jervie.
Hindi ako makasagot kasi nahihiya ako, feeling ko mapapahiya ako kung sinabi ko sa kanya na wala akong perang dala. Baka isipin nya na nag-aaral ako sa private school pero wala naman akong dalang pera.
“uy! Kausap kaya kita” sabi ni Jervie
“huh? Ah kasi di ko dala yung Timezone Card ko kaya pass muna ko” sagot ko
“ah. Eto oh” sabi ni Jervie habang may dinudukot sa wallet niya
Nilabas niya ang isang Timezone card at inaabot sa akin. Kinuha ko iyon dahil nahihiya naman ako sa kanya. Baka sabihin, hindi naman ako maganda pero pa-chicks pa ko. Alam ko namang hindi niya yun sasabihin pero syempre nakakahiya magpakipot ng todo-todo sa kanya.
“loadan mo na lang yan” bigla niyang sabi sa akin
“hala, ayoko nga. Ayos ka ah. Card mo yan kaya ikaw magpa-load.”
BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Teen Fiction"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...