chapter 16 -- just one look

8 0 0
                                    

PRELIM EXAM sa speech lab namin ngayon at kailangan naming gumawa ng kahit anong TV show with talent portion kaya naman lahat halos ng mga classmates ko ay kabado. Sa bagay, kahit ako medyo kinakabahan ako kasi English dapat ang gamiting language sa pakikipag-usap kaya naman kinakabahan kami. Nag-count of kami at group 3 ako at group 2 naman si Jervie.

At dahil exam na namin ito, nag-seryoso na ako ngayon kasi baka bumagsak group namin dahil sa akin. Kilala kasi ako  sa room namin na tahimik lang. well, di naman kasi ako nakikipag-usap kapag hindi ako kinakausap, hindi kasi ako feeling close.

Naisipan namin na gayahin yung format ng ShowTime, yung sa Kalokalike. Syempre tulad din ng sa ShowTime, meron din kaming tatlong contestants, then isang host at dalawang judge at isa ako sa mga contestants, ako si #2 contestant. Ang first contestant ay si Avril Lavigne Kalokalike, yung third naman ay si Rihanna at syempre dahil kilala nila ako bilang isang Kpop lover, ako na lang daw si Dara. Hindi ko ma-feel yung character ko kasi hindi ako pure BlackJack, pero dahil si Dara ang kilala dito sa Pilipinas wala akong nagawa kundi ang sumagot ng “OK”.

Draw lots ang ginawa ng prof namin at pang-number 3 kami na magpe-present, number 5 naman sila Jervie. Nae-excite ako kasi makakasayaw ulit ako (kpop dancer kasi ako), halos ilang months na rin mula nung tumigil ako sa pagsasayaw, syempre kailangan ko mag-focus sa pag-aarsl ko bago ang pagsasayaw. Hindi ko alam kung ano ba ang sasayawin ko kasi wala naman akong alam na sayaw ng 2ne1, puro kasi rap lang ni CL yung sinusubaybayan ko. Alam kong super contrast sa Dara character ko pero Mr.Mr. nalang siguro ng SNSD sasayawin kko, kabisado ko naman chorus nun pati hindi rin naman nila alam yun.

Last group na na magpe-perform bago kami at mas lalo pa akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Sanay naman akong sumayaw sa harap ng maraming tao pero bakit bigla aong kinabahan. Siguro ganun talaga kapag grades mo ang nakasalalay. Bago pa kami nagsimula, pumunta muna ako sa likod kung saan nakaupo si Jervie. Tahimik lang siyang nakaupo habang naglalaro ng phone niya, halatang walang pakialam.

“uy Kim. Ok ka lang?” tanong niya

“oo, bakit?” sagot ko

Bigla niyang hinawakan ang kamay kko at idinikit sa mukha niya. Nakaramdam na lang ako ng biglang pag-init sa mukha ko kaya naman bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

“ano ka ba Jervie, tumigil ka nga” sigaw ko

“sure kang Ok ka lang? nanginginig ka yata. Ano bang gagawin niyo?”

“wala. Maglaro ka na lang ng phone mo. wag ka na amnood” sabi ko

Pero ang totoo niyan, deep inside gusto kong manood si Jervie sa sasayawin ko mamaya. Alam kong hindi ako professional dancer pero sana makita niya at magustuhan niya yung gagawin ko.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon