CHAPTER 1

331 5 0
                                    


#The_Encounter


ALY's POV

Wow! As in wow! Nakakaexcite ang maging isang college student lalo na kapag ganito kalaki at super gandang university at hindi naman basta basta ang standard ng college dito ha. Anyway, I'm just waiting for my friends. Yakap yakap ko lang ang mga books ko then all of a sudden....

"Sh*t.!!" napatili talaga ako sa sobrang gulat at nakaramdam ng sakit sa kaliwang braso ko. All my books were dropped. What the hell!? Napatingin ako ng masama sa taong tatanga tangang bumunggo sa akin.

"Ano ba kasing tinatanga tanga mo dyan?!" anas sa akin ng damuhong to. Siya pa talaga ang may ganang magtaas ng boses samantalang siya itong tatanga tanga. Like who are you??!

When I start to open my mouth ay bigla na lang din siyang umalis sa harapan ko at tumakbong sumunod sa mga kasama niya. Wow ha, grabe. Hindi man lang ako tinulungan samantalang binunggo niya ako. Hindi man lang nagsorry. Gosh! Medyo naramdaman ko ulit ang sakit sa kaliwa kong braso. Sakit naman kasi ng mabunggo no.

Hinarap ko na lang ang mga books ko para isa isahing pulutin at ayusin. Biglang may sapatos na huminto sa harapan ko, este may taong huminto sa harapan ko. Sapatos lang naman kasi nakita ko. Unti unti kong inangat ang tingin ko para malaman kung sino yun, pero yumuko siya sa akin.

"Okay ka lang ba miss?" shocks, ang lambing ng boses niya. At ang gwapo pa niya. This is college indeed!!!!

"Uhmm, I-I'm okay. Thanks." nautal ako, nautal ako! Shocks, keep calm Aly.

"Welcome." kumaway siya at lumayo na rin sa akin at sumunod sa mga kasama niya. My goodness, anong name niya? Anong course niya, address kaya? Or even his blood type or birthday. Ay ano ba tong mga iniisip ko.

"Alyssa Villarin!!" I heard my name. Lumingon ako and I knew it, nandito na mga hinihintay ko.

"After 50 years, dumating din kayo. Kanina pa ako. Dami na ngang nangyari sa akin." lumapit na ako sa kanila.

"Sus, 50 years agad?" si Lyka.

"Okay sige, 49 years." umismid pa ako sa kanya.

"Uy, ganda dito ha. So, ano pa hinihintay natin? Let's go!" halatang excited si Shane.

Chloe and I will take BS Tourism, while Lyka and Shane, BS in Psychology. Akmang akma yun kay Shane dahil nakakaloka ang katalinuhan niya. Plus, super galing sa counseling at pagbabasa minsan ng pag-uugali ng mga nakapaligid sa kanya. Pero kay Lyka, parang hindi bagay sa style at attitude niya. Minsan kasi maingay siya at magulo.

Magkaiba kami ng building so ayun naghiwalay kaming apat. Umakyat na kami ni Chloe sa second floor kung saan naroon ang room namin. Even thought na malayong malayo ito sa highschool namin. Pero parang may pagkakahalintulad din pala. Pumasok kami sa room at pareho ng scenario nung nasa highschool kami. Group of girls, group of boys. Nagkibit balikat na lang kami ni Chloe.

I'm about to take my seat nang may humarang sa akin. Dali-dali itong naupo sa chair kung saan uupo sana ako. And the nerve!!

"Ikaw?!" napataas ang boses namin pareho.

"Well, well, well. Si stupid girl pala nandito." aniya sa akin. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Lakas ng loob niya ha.

Binagsak ko sa desk ang mga hawak kong books at napameywang sa harap niya. Alam kong nagulat ang lahat kaya alam kong nakatingin na sila sa amin. This is my chance.

"How dare you calling me stupid?! Sino ba ang bumangga sa ating dalawa? You're not looking kaya. Isa pa, arogante ka pa! Ikaw pa ang mayabang. You don't even say sorry to me!! And now, uupo na nga lang ako kung hindi ka ba naman bastos at inunahan mo pa talaga ako? Bakit sayo ba ang chair na yan ha?!" nakakahighblood na to eh.

"Eh hindi ka ba stupid? Daanan kasi yun, hindi tambayan. Siguro naman kung nasa tabi ka kanina baka hindi ka nabunggo." sagot niya sa akin at hindi siya natinag sa pagkakaupo.

"Eh kung tumitingin ka din naman kasi sa dinaraanan mo? You don't even say sorry to me."

Sumama ang tingin niya sa akin. Akmang tatayo na sana siya nang dumating na ang professor namin kaya hindi na niya iyon tinuloy. Kaya napahanap na lang ako ng ibang seat. Wala naman nang bakante kaya pinaupo na ako ng professor namin sa mismong tabi ng nakakainis na lalaking ito. Dito sana kasi yung isang kasama niya pero lumipat lang eh. Kainis.

Little discussion lang ang nangyari at nag-explain lang ang professor sa mga rules niya regarding sa academics. Boring din pala ang first day sa college. Pero yung ibang classmates namin na-eexcite naman. Siguro ay hindi lang talaga maganda ang araw ko.

"Hi." napalingon ako sa kanan ko sa taong bumati sa akin. Napangiti ako sa kanya.

"I'm Peter, you?" aniya sa akin. I was about to answer when this arrogant boy just butt in.

"Such a waste of time, bro." ang sabi niya. Kaya napaayos ng upo itong si Peter. Tinignan ko ng masama ang nasa kaliwa ko. Pakialamero din pala ang nakakainis na to.

"What?!" usisa niya sa akin. Inirapan ko na lang siya.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now