CHAPTER 33

69 3 0
                                    

#Drake&Aly_Quality_Time

ALY's POV

It's been 10 days mula nang makalabas si Bea sa hospital. And Drake is always there for here. Pumapasok na rin ulit sa school si Bea. At siyempre, laging nakaalalay si Drake sa kanya.

"Hindi ko alam ah, pero parang ginagawa na lang dahilan ni Bea yung sakit niya para laging kasama si Drake." si Shane.

"Oo nga. Akala ko ba Aly nililigawan ka niyan ni Drake ha?" si Lyka.

"Oo." tipid na sagot ko.

"Eh bakit pala siya ang laging kasama ni Bea at hindi ikaw. Alam mo talaga, kahit nun pa man hindi ko na feel ang babaeng yan."

"Lyka?? Hinahatid naman ako ni Drake sa bahay minsan eh."

"Minsan. Diba, minsan. Dapat nga araw araw no. Hello?? Gaya ng panliligaw ni Kent kay Chloe. Ano ba namang klaseng manliligaw yang si Drake." himaktol ni Shane.

"Ano ba kayo, maysakit nga kasi si Bea kaya minsan siya ang laging kasama ni Drake. After all, magbestfriend sila." sagot ko naman sa kanya.

"At ikaw, nagpapaka-ideal girlfriend ganun?" si Lyka.

"Hindi ko pa siya sinasagot."

"Edi ideal nililigawan. Bakit kasi hindi mo na lang sinagot agad si Drake nung nagsabi siya sayo?" sabad naman ni Chloe na kanina ay busy sa pagbabasa ng libro.

"Hay naku. Ikaw nga, hindi mo pa sinasagot si Kent eh. Ako pa kaya?" natigilan naman si Chloe sa sinabi ko. Tinawanan na lang namin siya.

"Well, magkakasama na naman pala ang mga magkakaibigan." napalingon pa kami sa nagsalita. It's Bea. Hmm, bakit kasama niya sina Ara at Jenny? Kailan pa sila naging magkakaibigan?

"Hello Bea. Kumusta ka na pala? We don't too much mula nang makabalik ka na sa school." sabi ko sa kanya.

"As if you care?" mataray nitong sabi sa akin. Napakunot noo naman ako.

"Nag-aalala naman talaga kami sayo Bea. Mabuti nga at parang okay ka na talaga." si Chloe.

"Hindi naman ikaw ang kinakausap." sabad ni Ara.

Akmang sasagot si Lyka pero pinigilan ko siya. Tinignan lang niya ako at umiling ako sa kanya.

"Ay naku, tigilan nyo nga yang masyadong pakabait emote ninyo! Alam kong nililigawan ka ni Drakey, Aly. Pero wag mong aasahan na itutuloy nya pa yun. Why?? Dahil ako naman talaga ang gusto niya." nakangising sabi niya sa akin.

"Tama Bea." si Jenny. "Di hamak naman na masmaganda ka at masmayaman kesa sa kanya."

"Ikaw ba ang kinakausap?" si Shane.

"Aba't.."

"Hay naku. Tara na nga girls." si Bea at umalis na nga sila. Nagtatawanan pa.

"Sabi ko na nga ba at may something sa babaeng yan eh. See?? See?? I told you." si Lyka na halata ang pagkainis sa boses niya.

"Hindi ko alam na may ganun pala siyang side." dagdag pa ni Chloe.

"Wag na lang nating patulan girls. Kasi kung papansinin pa natin siya, baka lalo lang niya akong igaganito. Saka, wag nyo itong ipagsasabi kahit kanino. Kahit kina Drake at iba pa." sabi ko naman sa kanila.

"Pero Aly, maskailangan ni Drake na malaman ito. Dahil ang best friend niya ay santa-santita pala."

"Wag na. Hayaan na muna natin si Bea. Hanggang salita lang naman siguro ang gagawin niya sa atin. At least, hindi siya namimisikal. Hayaan na lang natin."

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now