CHAPTER 13

64 3 0
                                    

#Aly's_Secret


ALY's POV

Super tuwang tuwa ako nang sabihin ni Ate Ash na magdidinner si Kuya Brix dito sa bahay. Siyempre pati si mommy excited din.

Nasa may kusina lang kami at tinutulungan namin si mommy na magprepare ng dinner.

"Hmm. Mom, paano kapag ako na ang magpapakilala ng boyfriend? Would that be okay with you?" sabi ko sa kanya.

"What?!" sabay sila ni Ate Ash.

"May boyfriend ka na ba?" si mommy.

"Wala naman po. What if lang naman." sagot ko.

"Anak, siyempre magiging excited ako. But please, not now. Hindi pa ako ready."

"Isa pa, bata ka pa. You're still 17. At ikaw ang baby bunso namin." si ate.

"Baby bunso??? I'm not a baby anymore, okay?" maktol ko sa kanila.

Natatawa na lang sila sa akin. Pati si daddy ay nakigulo na rin at pinag-aasar ako ng baby bunso. Tawanan na lang kami. How I love this family.

Nang dumating na si Kuya Brix ay pinahanda na agad ni mommy ang dinner. Sabay sabay na kaming kumain sa dining area. Medyo close na rin sina daddy at mommy kay Kuya Brix. Tuwang tuwa naman si Ate Ash.

Nagkukuwentuhan lang sila habang kumakain. Ako? Wala, may sarili akong mundo. Bahala sila dyan. Basta ako kakain. Food is life, ganun.

Later on. Nang matapos na kaming magdinner ay nagpunta kami ni ate sa may gazebo. Samantalang nag-uusap naman si daddy at Kuya Brix sa living room.

Kanina pa sila kuwentuhan ng kuwentuhan. Hindi kaya sila nauubusan? Si mommy naman ay umakyat na sa kwarto para makapagpahinga.

"Know what ate, ang swerte mo. Buti ka pa." wala sa isip ay nasabi ko.

"Oh bakit naman?"

"Kasi kahit nagboyfriend ka nang hindi nalalaman nila daddy eh okay lang sa kanila. Then, when the time na pinakilala mo na siya, okay lang din. Tanggap agad siya."

"Alam mo Aly, maswerte tayo kasi sila ang parents natin."

Napangiti lang ako. Oo, totoo yun. Sobrang bait nina daddy at mommy. Hindi kami nakaranas ng pagmamalupit gaya ng iba. They will always be the supportive parents.

"But you know what?" sabi ni ate. Napalingon naman ako sa kanya. "Nasermunan din naman ako nina daddy at mommy tungkol sa pagboboyfriend ko."

"Really?" gulat kong tanong.

"Oo naman. Siyempre pinagsabihan lang ako. But I really thank them kasi sinuportahan pa rin nila ako."

"Hmmm. Maswerte nga tayo sa kanila." napatawa na lang kami ng mahina.

"So, ikaw? Wala pa bang nanliligaw sayo?" out of nowhere ay natanong ni ate.

"Wala." tipid kong sagot.

"Why? Don't tell me wala pa ring nakakaabot ng standards mo."

"Ate?!" inirapan ko pa siya.

"Hay naku, Aly. Hanggang ngayon ba wala ka pa ring pinapayagang manligaw sayo? You're pretty inside and out. Sayang naman."

"Grabe ka talaga. Sige, pagtripan mo lang ako ate."

"Sabihin mo na kasi. Wala pa rin ba talagang pasok sa standards mo?" kulit nya talaga.

Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Napamulat na lang akong bigla nang maramdaman kong tinutusok tusok ni Ate Ash ang tagiliran ko. Nakakaloka siya. Napapakislot tuloy at medyo natatawa.

"Sabihin mo na kasi." medyo inis na rin siya. Natawa na lang ako.

"Oo na, sige na. Meron namang pasok."

"Yiee. Who's the lucky guy." eeh, lucky guy talaga?

"Bakit ba masyado kang interesado?"

"Sabihin mo na kasi! Interesado ako kasi kapatid kita. Ano ka ba?!"

"Okay, okay. He's gentleman, very approachable, palangiti. Eh, palatawa actually." pagdedescribe ko.

"Oh tapos.."

"Wala."

"Anong wala?" hinampas na ako ni ate sa braso. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa reaksyon nya. Para siyang bata.

"Kasi ate, may mahal na siyang iba. I like him, oo, crush ko ganun. Pero may girlfriend na eh."

"Girlfriend? Hmmp! Baka naman masmaganda ka pa sa kanya eh. Do I know that guy?" napaismid pa si ate.

Tumawa na lang ako ng malakas. Tinaponan naman niya ako ng masamang tingin. I can't help it. Hahaha!!!! Hinampas niya ako sa braso. Napikon na siya.

"Aray ha! Sakit nun ah." reklamo ko.

"Bakit ka ba kasi tawa ng tawa? Eh seryoso ako dito. Sino ba yang crush mo?"

"Wala na yun te. Hindi ko na siya crush. May girlfriend na nga diba. Happy na lang ako kasi mukha namang masaya siya."

"Baliw! Happy ka kasi may gf na siya? Oh come on. Sino ba kasi yan. Kanina pa kita tinatanong eh. Binibitin mo lang ako." maktol ni Ate Ash.

"Si Kuya Brix!" sagot ko agad sa kanya. Sabihin ko na nga.

"Ha?" nanlaki ang mga mata ni ate.

"Crush ko si Kuya Brix. Nung una ko palang siyang nakita sa university. Pero nung pinakilala mo na siya dito, ayun. Poof! One click, hindi ko na siya crush." nakangiti kong sabi kay ate.

"Ganun kabilis?"

"Grabe. Gusto mo ba icrush ko pa siya?"

"Loko ka." natatawang sabi niya.

"Basta ate, I'm happy for the both of you. Lalo na sayo." niyakap ko pa siya.

"Thank you bunso. Thank you kasi happy ka for me. Saka suportado mo lang ako lagi. Kahit na nga matagal tayong nagkalayo."

"Siyempre naman, love kaya kita. Kapag happy ka, mashappy ako."

Mashumigpit pa ang yakap ko sa kanya. At gumanti din naman siya. Maswerte din ako dahil naging ate ko siya.

Maya maya pa ay papalapit na sa amin si Kuya Brix. Naupo siya sa tabi ni ate.

"Mukhang ang senti nyong dalawa ah. Or you just missed each other." usisa ni Kuya Brix.

"Kung alam mo lang." si ate na nakatingin at nagwink pa sa akin.

"Oh bakit? Ano ba pinag-uusapan nyo? Share naman dyan."

"Girl talk to no. Hindi ka pwede dito." hinampas pa ni ate si Kuya Brix sa braso nito.

"Ay grabe, makaalis na nga. Baka langgamin ako dito at maihi sa kilig." maktol ko naman.

"I have to go na din. Medyo late na eh. Thanks for the dinner."

Sabay na kaming tatlong pumasok sa bahay. Pero dumiretso na ako sa kwarto ko at hinatid pa ni ate ang boyfriend niya sa may gate. Honestly, they were good together. Bagay sila actually.

Nagshower na lang muna ako. Nagbloblower na ako ng hair ko nang kumatok si ate sa may pinto. Pinagbuksan ko naman siya.

"Why?"

"Remember, akin lang si Brix." kindat niya sa akin.

"Ate??!!" sigaw ko pa sa kanya dahil tumakbo na ito palayo sa kwarto ko. Tawang tawa pa nga siya. Kaloka. Natatawa na lang akong bumalik sa pagbloblower ng buhok ko.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now