CHAPTER 39

53 1 2
                                    

#Fun_&_Excitement


Drake POV

Nakaset up na kami para sa pag-alis namin papuntang Batangas. Sa isang hotel ang resort na kami nagpareserved. Dalawang kwarto lang ang pinareserved namin. For boys and girls. Two days and one night lang kami kaya kailangan talaga ng kwarto.

Kumpleto kami, si kuya na ang magdadrive kaya okay lang na matulog kami saglit.

Si Larry na ang naupo sa harap. Van na nina Kent ang ginamit namin dahil sa malaki ito kumpara sa van nina Alex.

Siyempre magkatabi kami ni Alyssa and next to her is Lyka, sa likod sina Shane, Alex, Kent at Chloe.

"Kumpleto ba mga gamit nyo?" usisa sa amin ni Kuya Brix na nasa harap na ng manibela.

"Yep!" hyper na sabi ni Alex. Nakasakay na kaming lahat sa van.

"So, let's go. Kapit na kayo!" si kuya.

"Kuya Brix ha, dahan dahan lang. Kakapit talaga?" si Chloe.

"Safe drive lang tayo siyempre."

So, nagstart na ang aming byahe. Nagplay pa nga ng music. Minsan ay sumasabay kami sa kanta. Palakasan pa nga ng boses. Para kaming nasa roadtrip lang. Actually it's a trip.

Yung balak kong pag-idlip ay di ko na nagawa dahil na rin sa excitement ng mga kasama ko.

Sa loob ng ilang oras ay nakarating na kami sa mismong resort. Sinalubong kami ng ilang tauhan sa resort. Dumiretso agad sina Kuya Brix at Aly sa receptionist para ipaconfirm ang reservation namin at makuha ang susi ng mga rooms.

Naghihintay lang kami sa may lobby. Sinisipat ang buong hotel. Maluwang din naman ito. Ang sabi ay dating private resort ito ng isang mayamang politician sa Batangas.

Pero dahil nagmigrate na ang pamilya sa ibang bansa ay ginawa nang public at pinatayuan ng hotel.

Maganda ang ambiance dahil wala masyadong tinanggal na mga puno. Maspinaganda pa nga ito.

"Tara na." rinig naming sabi ni Kuya Brix sa amin. Nakangiting nakasunod si Aly sa kanya. Halos patakbo akong lumapit kay Aly.

"Talaga naman. Hindi mawawala yang si Aly, Drake!" tukso ni Alex sa amin.

"Baliw!" sigaw ko sa kanya.

"Lyk oh, si Drake."

"What?? Don't call me Lyk. Saka paki ko kung anuhin ka ni Drake. Dyan ka na nga!" si Lyka naman at nagmadali na lang ding sumunod sa amin si Lyka.

Nagtawanan naman ang iba pa. Dumiretso na kami sa mga kwarto namin. Mauuna ang kwarto namin kesa sa mga girls.

Hinintay ko pang makapasok sa kwarto si Aly bago ako tuluyang pumasok sa kwarto namin.

ALY's POV

"Kayo na ba ni Alex?" untag ni Shane kay Lyka.

"The hell!!" asik naman ng huli sa pinsan nya. "That guy? No way!"

"Naku, tigilan nyo na yan. Kailangan na nating magpahinga. Masmaganda kung maaga tayo bukas. After breakfast pasyal agad tayo sa beach." sabi ko naman sa kanila.

"Kaya nga. At mukhang excited na si Aly eh." si Chloe.

"Sira." gusto ko lang naman makapasyal agad para makasulit diba.

"Sus! Saka, kami ba talaga ang gusto mong makasama sa pamamasyal? O baka naman may iba pa." nanunuksong sabi ni Lyka. Umiling iling na lang at nangingiti.

After naming maiayos ang mga gamit namin ay lumabas na kami ng kwarto. Nagtawanan pa kami dahil nasa labas lang ng kwarto namin ang mga boys.

"Anong ginagawa nyo rito?" usisa ni Chloe.

"Siyempre hinihintay kayo, ano pa nga ba. Sabay sabay na tayong kumain." sagot ni Kent. Hinatak pa niya si Chloe at hinagkan sa noo.

"Tara na nga, daming langgam dito!" sabi naman ni Alex.

Nagngingisian naman kaming sumunod sa kanila. Agad namang tumabi sa paglalakad si Drake sa akin. Nagkangitian lang kami at sabay na ngang bumaba at tutungo na sa restaurant sa hotel.

After naming umorder ay nagsikain na ang lahat. Pero nauna nang natapos si Kuya Brix. Kaya naman nauna na siya sa place kung saan kami unang mamasyal.

"Bilisan na nga natin ang kumain. Masyado nang excited si Kuya Brix eh. Para naman makasunod na tayo." si Shane.

"Sandali lang naman. Nagmamadali eh. Kumakain pa kasi ako eh." si Alex.

But in a few moments left, magkakasama na kaming palabas ng hotel. Sinalubong kami ni Kuya Brix at itinuro niya kung saan kami unang pupunta. Banana boat. Yeaaahhh!!!

"Natatakot ako dyan eh. Wala na bang iba?" si Lyka. Nagtawanan naman kami.

"Don't worry Lyk, I'll be here." ani Alex. Lalo pang lumakas ang tawanan.

"Tigilan mo ako Alex. Hindi ka nakakatuwa. Do we need to ride on that thing?" si Lyka. Seryoso talaga siya. Mukhang takot nga siyang sumakay roon.

"Kung ayaw mo, edi wag kang sumama. You'll miss the fun and excitement. Ano pala ang ipinunta mo dito?" si Shane. Sumama naman ang tingin ni Lyka sa kanya.

"Ssakay ba kayong lahat?"

"Of course!!" sabay sabay naming sagot sa kanya.

"Kailangan ba talagang sumigaw? Sige na, sasama na ako. Sasakay na ako sa banana boat na yan."

And by that, inabutan na kami ng life vest nang nagbabantay dun. Sinuot namin yun at nagsimulang sumakay sa banana boat. Dahil masyado kaming marami ay apat muna ang sumakay.

Nauna na sina Alex at Lyka. Shane at Larry. Inaalalayan pa ni Alex si Lyka. At tinutukso naman namin sila. Natatawa na lang kami kay Lyka na takot na takot sumampa sa banana boat.

Hagikgik naman ng hagikgik si Alex na inaasar pa siya. This outing will be perfectly fun. Knowing na magkakasama kami. The friends I never thought na magiging ganito katibay. Na magiging ganito kasaya na magkakasama.

Tuwang tuwa kami habang pinapanood ang apat sa banana boat. Rinig na rinig ang halakhak at hiyawan nila. Masnakakatawa pa dahil kitang kita ang mahigpit na pagyakap ni Lyka kay Alex mula sa likuran.

They will be good together. Sobra. Ilang minuto pa ay bumalik na sa pampang ang speedboat na humahatak sa banana boat.

Halos hindi naman umaalis sa pagkakayakap si Lyka kay Alex. Nakapikit ito at nakangiwi ang mukha.

"Ahem!! Nasa pampang na po tayo mahal na prinsesa." si Alex na natatawa.

"Oo nga. Masmarami palang langgam sa banana boat kesa dito lang sa buhanginan." dagdag pang-asar ni Kent.

Nagtawanan naman kaming lahat. Unti unting minulat ni Lyka ang mga mata niya. At napakislot nang mapagtanto kung saan o kung kanino siya nakakapit.

"Manyak!!" hampas niya sa balikat ni Alex.

"Ako pa manyak eh ikaw nga tong ang higpit higpit ng yakap sa akin. Ayaw mo pa kasing aminin na talagang gusto mo ako nun pa." nagpose pa nga ng papogi itong si Alex.

"Kadiri!" tili ni Lyka.

Hagalpak pa kami ng tawa. Nang makababa na sila ay kami naman nina Drake, Kuya Brix, Kent at Chloe ang sumakay sa banana boat.

Si Kuya Brix ang nauna at sumunod kaming apat sa kanya. Sa likod ko si Drake para daw umalalay sa akin.

"Mali yan Drake. Dapat si Aly ang sa likod mo. Para yakapin ka din niya ng mahigpit gaya ng Lyk my loves ko."

"Tsee!!" si Lyka.

Napailing na lang kaming lahat sa asaran nila. Dami nilang alam pero sa huli pustahan sila din magkakatuluyan in the end.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now