CHAPTER 7

82 3 0
                                    


#The_Meet_Up


ALY's POV

Narito kami ngayon sa gymnasium ng university, physical education kasi ngayon pero hindi naman kami sisiputin ng prof namin kaya dito na lang niya kami pinapunta kaysa daw mag-ingay kami sa classroom.

Nakaupo lang kami sa bench sa may bandang baba. Nagkukuwentuhan lang kami ni Chloe at nang dalawa pa naming kaklase. Natigilan lang kami nang dumaan sa harapan namin yung apat na mokong.

Nakatingin lang sa akin si Drake, kaya naman inirapan ko lang siya. At gumanti din siya ng make face sa akin. Aba talaga naman ang isang to.

"Hi Baby Chloe," napatingin naman kaming lahat kay Kent dahil sa tawag niya kay Chloe. Pati na rin ang mga kasama niya ay napatingin sa kanya.

"Woah!!! Ang lupit mo!" hiyaw naman ni Alex.

"Hoy, tigilan mo tong kaibigan ko ha. Hindi siya sanggol para tawagin mong baby!" sabad ko naman.

"Oh, naiinggit ka lang eh. Don't worry hindi kita tatawaging baby. Lola, baka pwede pa." saka sila nagtawanang apat, at mastawang tawa ang Drake na to.

"Anong sabi mo?!" tumayo na ako dahil sa inis. Agad naman silang nagsipulasan. "Mga mokong!" habol na sigaw ko pa sa kanila.

Napatingin naman ako kay Chloe. Hala, anong meron? Namumula siya, ano namang nangyayari sa babaeng to.

"Uy, bakit ka namumula dyan?" usisa ko sa kanya sabay kalabit.

"Siyempre, ikaw ba namang tawaging baby ng poging si Kent eh." yung isang kaklase namin ang sumagot.

"Ano? Hindi ah." si Chloe. Sinipat ko naman ang noo at leeg niya.

"Wala ka namang sinat ah. Wag mong sabihing dahil nga sa sinabi sayo ng Kent na yun ah!"

"Hindi nga." mahinhing sagot ni Chloe habang napayuko.

"Ay naku Chloe, wag mo ako pinapakitaan ng ganyan. Kilala kita. Kinilig ka dun? Okay ka lang??"

"Aly naman eh. Hindi nga." hindi ko na siya kinulit pa. Pero alam kong dahil nga yun dun. Sus.

After school ay nagkita kita kaming apat sa parking area. May sasabihin daw kasi si Lyka sa amin. Friday ngayon kaya malamang mag-aaya na namang gumala to.

"Friday, ano na nga ang plano?" si Shane. Sabi ko na nga ba at ito ang magiging usapan eh.

"Oo nga. How about bar hopping tayo?" si Lyka.

"Baliw ka ba? Hindi pa tayo pwede dun no." si Chloe. "Isa pa, hindi din naman ako pwede. Lalabas kami nina daddy mamaya. Maaga kasi siyang uuwi kaya sa labas na kami magdidinner."

"Yun naman pala eh. Hindi na tayo tuloy, kulang tayo eh." sabi ko naman.

"No, sige na kayo na lang. Don't mind me."

"Pinagsasabi mo, hindi rin naman magiging masaya kung kulang tayo eh. Some other time na lang siguro nga talaga." si Lyka. Kaya nagkasundo na nga kaming next week na lang gagala kung pwede kaming lahat.

Maaga ding dumating ang sundo ko kaya nakauwi na ako ng maaga. Nang makapasok na sa garahe ang sasakyan ay agad na akong bumaba. Napakunot noo pa ako nang marinig kong parang ang ingay sa loob ng bahay.

Pumanhik ako agad at dumiretso na sa main door namin. Nagkakagulo sina daddy, mommy at iba pa naming katulong. Ano namang meron?! Magtatanong na sana ako nang..

"Boo!"

"Sh**t!" bulalas ko.

"Ay grabe ang bad mo." sabi nang babaeng nanggulat sa akin. Si ate Ash pala. Halos mapatalon akong yumakap sa kanya dahil sa sobrang gulat at saya.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now