CHAPTER 14

58 4 0
                                    

#Date_for_StudentNight


DRAKE's POV

Excited na ang ibang students para sa gaganaping Student Night. One week na lang yun. Sabi may banda pa daw na darating. Ayos ah. Pero hindi naman ako interesadong pumunta. What's so special about it?

Pareho lang din naman yun nung tulad sa high school. Old school. Ordinary party na lang yun para sa akin.

"Bro, may date ka na ba sa student night?" tanong sa akin ni Alex.

"Tsk! Date?? Hindi naman ako pupunta. Why do I need a date?!"

"Sungit naman nito oh. Bakit naman hindi ka pupunta? Lately nagiging bugnutin ka na talaga." si Kent naman.

"Matagal nang bugnutin yan. Lumala lang ngayon." tawanan pa silang tatlo.

"Punta ka na. Magiging masaya naman yun. Oo nagsawa na tayo sa mga party, pero iba pa rin to. College days bro." si Larry.

"Pag-iisipan ko."

"Saka dapat pumunta ka kasi hindi tayo makukumpleto kapag wala ka." sabat naman ni Larry na umakbay pa sa akin.

"Pag-iisipan ko nga, diba?"

ALY's POV

"Excited na ako para sa student night, next week." masayang sambit ni Lyka.

"Ikaw lang ang excited." sagot naman ni Shane.

"Ay grave siya. Hindi ka ba pupunta? Ikaw Chloe, Aly?"

"Hindi ko alam eh." si Chloe.

"Sabagay okay naman siguro kung pupunta tayo. Masaya siguro ang student night sa college. Isa pa, para sa ating mga estudyante yun." sabi ko naman.

"Oo naman, ang importante dun yung mag-enjoy tayo eh." si Lyka.

"Basta walang kokontrang asungot at papansin na mga mokong." I rolled my eyes.

"Speaking of the devil. Look." si Lyka na nginuso pa ang mga tinutukoy.

Yung apat na mokong lang naman. Napatingin si Drake sa akin. Nagmake face lang naman ako sa kanya. Wala naman siyang reaksyon sa ginawa ko. Ano na naman ang meron.

Dinaanan lang kami nung tatlo at naupo malapit sa table namin. Nasa cafeteria lang naman kami. Nagulat na lang kami nang huminto si Kent sa table namin.

"Hi girls." nakangiting bati nito sa amin.

"Hi mo mukha mo!" pagsusungit ni Shane.

"Ang sungit naman. Yan na ba ang laging isasagot kapag may bumati sainyo?" nagwink pa ito sa amin. Duh?!

"Bakit kasi nandito ka? Nandun yung mga kasama mong asungot oh. Grupo kayo ng mga mokong eh." inis na sabi ko.

"Ouch! Ang sakit naman nun." ani Kent na napahawak pa sa dibdib. Ang arte.

"Hala!"

"Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ni Shane. Dun ay sumeryoso ang mukha ni Kent.

"Girls, pwede ko bang ipaalam sainyo si Chloe?" napakunot noo lang naman kami. "I want to be her date sa student night."

Natigilan kaming lahat. Si Chloe naman ay namumula na ang pisngi. Hala. Never na pumayag si Chloe sa mga date kapag may event sa school.

"Hoy lalaki! Kung pagtritripan mong mokong ka si Chloe ha, umayos ka!" si Lyka. Napatawa naman ng mahina ang sinabihan.

"Grabe ka naman. Chloe oh, ipagtanggol mo nga ako." baling ni Kent kay Chloe.

Lalong namula si Chloe. Napatingin kami sa kanya at umiwas lang naman ito ng tingin.

"At bakit ka naman ipagtatanggol ni Chloe?" tanong ko sa kanya.

"A-ah.. W-wala naman. Ipinapaalam ko nga siya sainyo eh. Si Chloe nga sana ang date ko para sa student night, next week." sagot nito.

"No!" si Lyka.

"Lyka." ako.

"What?!!"

"Let Chloe decide for herself. Siya naman itong niyayaya eh. So, Chloe, payag ka ba?" baling ko sa kanya.

Hindi siya makaimik. Hindi ko naman maintindihan sa isang ito. Parang sasabog na ang pisngi dahil sa pamumula nito.

"Chloe, please??" nagpuppy eyes pa nga ito. Yuck!

"O-okay." sagot ni Chloe.

"Tsk!" si Lyka.

"Bleeh!" pang-iinis ni Kent kay Lyka.

"Aba, loko to ah." biglang tumayo si Lyka kaya napaatras si Kent.

"Lyka, stop that. Hoy Kent! Umayos ka ha, date lang sa student night yan ha. Kapag ikaw may ginawang kalokohan sa kaibigan namin, yari ka sa amin. Mark my word!"

Sumeryoso naman si Kent. Pagkatapos ay ngumiti ito.

"Promise Aly, I will take care her for the rest of my life."

"Hoy, sa student night lang. Anong for the rest the of my life ka dyan. Assuming nito." inis na sabi ni Lyka.

Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni Lyka. Ngumiti lang si Kent at nagwave na ito at lumayo. Nakatingin lang ako sa gawi nila. Nakasmirk lang si Drake. Ano naman kaya ibig sabihin nun.

KENT's POV

Tumungo na ako sa table kung saan naroon ang mga kaibigan ko. Ayos yun. Magiging date ko si Chloe sa student night.

"What was that?!" usisa sa akin ng nakakunot noo na si Alex.

"Wala naman. Inaya ko lang naman si Chloe na maging date ko sa student night." kibit balikat kong sabi sa kanya.

"Seryoso?" si Larry.

"Why not? Okay naman si Chloe ah." sagot ko sa kanila.

"Eh sa dinami dami naman bakit si Chloe pa. Sa grupo pa talaga nila? Are you out of your mind?"

"Anong masama dun?"

"Si Rita. Yun na lang, mukhang malakas naman tama nun sayo eh."

"Sus, wala namang challenge yun eh. Saka ayaw ko ng ganun, bro. Kapal ng make up. Ano kaya yun. Hindi pa naman halloween no." iritable kong sabi sa kanila.

"Talaga lang ah." si Alex.

"Uy Drake, kanina ka pa tahimik dyan ah. Ano, payag ka ba na si Chloe date ni Kent sa student night? Wala ka man lang reaksyon dyan."

Napakislot naman siya, na animo'y nagulat nang tapikin siya ni Larry. Tumingin ako kung saan siya nakatingin kanina. Sa gawi nina Aly. Nagtatawanan lang naman sila. Bakit naman siya nakatingin doon. Kaya pala hindi siya nakikisabat sa amin.

"Bilisan nyo na dyan at kumain na tayo. Nagugutom na ako. Ang dami nyong dada." senenyasan na niya sina Alex at Larry na kunuha na ng pagkain.

thank you for reading. please enjoy.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now