CHAPTER 21

69 3 0
                                    

#Sorry


ALY's POV

Nang makaalis na sina Alex at Larry ay siya namang pag-aya ni Kent na magbilliards sila ni Kuya Brix, hindi naman tumanggi ang huli. Kaya kahit naiinis ako ay pumayag na rin ako. Kasi gusto din daw matuto ni Chloe kung paano maglaro nun. Sarap batukan ng mga to eh. Akala ko ba ako ang boss ngayon.

"Aly, labas muna kami ni Shane ah. May nakita kasi kaming bag sa banda roon. Titignan lang namin." si Lyka.

"Huh? Sama ako. Ayaw ko maiwan dito kasama yang apat na yan." nginuso ko pa yung apat na naglalaro ng billiards.

"Wag na. Mag-eenjoy ka din dyan. Babalik naman kami agad eh." hindi na ako nakasagot dahil mabilis na silang umalis.

Nakasimangot akong napatingin sa apat. Paano naman ako mag-eenjoy dito? Hindi ko naman hilig ang billiards. Isa pa, nakakainis tong mga nakikita ko.

Mapapahashtag "single is life" ako nito eh. Nakakabitter tuloy. Hmp!! Sana sumama na lang din talaga ako kina Lyka. Nakakainis naman. Mababagot ako dito eh.

"Nasaan sina Shane?" tanong ni Chloe nang makalapit na siya sa akin.

"Umalis, babalik din daw agad. Enjoy na enjoy ka eh no." sabi ko sa kanya. Maarte siyang ngumiti sa akin. Nakakaloka, sabunutan ko kaya to.

"Tara na." si Kent.

Hay sa wakas, makakaalis na din dito. Pero sila pa rin ang kasama ko. Couple date ba to? Akala ko ba bonding namin. Pumasok kami sa isang botique. Mamimili daw ng dress si ate. Babaunin daw niya sa states.

Panay lang din ang tingin ko sa mga damit. Baka may magustuhan din ako. Pero wala eh, wala din naman akong nagustuhang style. Masyadong pagirly. Bagay ang mga ito kay ate.

Maya maya pa ay nakita kong nagmamadaling lumabas sa botique sina Chloe at Kent. Napakunot noo lang naman ako. Ano bang meron at nagsisipag-alisan silang lahat. Mabilis akong lumapit kay Ate Ash.

"Saan punta nung dalawa?" usisa ko.

"Lilipat lang daw ng botique, wala daw nagustuhan si Chloe eh. Let's go." nakita kong may bitbit ng paper bags si Kuya Brix. Nakabili na pala si ate.

Naglalakad na kami nang marinig kong magpaalam si Kuya Brix. Napataas kilay na lang ako. Hindi ko masyadong naintindihan dahil mahina lang ang pag-uusap nila ni Ate Ash.

Inakay naman ako ni ate papunta sa gitna ng mall. Dalawa kasi itong mall, magkadugtong lang. Medyo padilim na rin pala. I checked may wrist watch, it's 5:30pm. Matatapos na ang buong araw ko.

Napangiti na lang ako dahil nag-enjoy ako sa araw na ito. Napansin ko mang paisa isang umaalis mga kaibigan ko pero okay lang. Nakasama ko naman sila.

DRAKE's POV

"There they are." si Kuya Brix, nasa likod ko kasi siya.

Nakita ko ngang lumabas si Ate Ash at Alyssa mula sa kabilang mall. Nag-aabang kasi kaming lahat dito sa kabila.

"Go bro! Kaya mo yan!" si Alex. Ewan pero para tuloy akong lalong kinabahan.

"Malapit na sila sa gitna Drake," si Kent naman na tinapik ang balikat ko.

Nakatingin lang ako kay Alyssa at Ate Ash. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nakita kong inakbayan ni Ate Ash si Alyssa. Yun na ang signal ko para lumapit doon.

Mabilis ako lumabas sa may halaman at dali daling lumapit sa kanila. Mabilis namang iniwan ni Ate Ash si Alyssa. Nakita niya ako kaya pumihit ito para talikuran ako. Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa kamay.

"Alyssa." mahinahon kong sabi.

"What do you want?!" hinawi niya ang kamay ko at mataray itong tumingin sa akin.

"Please hear me speak."

"Go ahead. I'll give you a minute."

"Alyssa please." nakatingin lang ako sa kanya.

"Okay, two."

"Kulang yun. Kulang ang oras na yun para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sayo."

Hindi siya sumagot at pumihit siya ulit patalikod sa akin.

"Aly, kahit three minutes lang. Okay na ako dun."

Humarap siya sa akin at hindi nagsasalita. Tumango lang ito sa akin. Lalo akong kinabahan dahil sa maiksi lang ang oras na binigay niya sa akin. Masasabi ko ba lahat?

"Aminado akong mayabang at arogante ako. You're right." panimula ko.

"Now you know."

"Yung sainyo ni kuya, hindi ko naman alam dahil wala naman talaga akong alam. Hindi nyo sinabi sa akin."

"You judge me Drake!" inis niyang sabi sa akin. Marami ang napatingin sa akin dahil sa taas ng boses niya.

"Oo alam ko yun. I'm really sorry Alyssa. Dapat hindi kita hinusgahan ng ganun ganun. Nagkamali ako dun, oo. Sana nagtanong na lang ako ng maayos nun. Pero inunahan ako ng inis at pagiging arogante ko. I'm so sorry."

"Yeah, that's your fault. Yung pagiging arogante mo at pagiging mayabang mo."

"Alyssa, I'm really sorry."

"You even called me cheap!!" halos magngitngit siya sa galit. Pero napakurap na lang ako nang mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.

Hindi ko na siya napigilan pa. Damn you Drake! Narinig kong tumunog ang 6pm bell. Napatingin na lang ako nang bumukas ang ilaw sa may fountain sa gitna. Maya maya pa ay lumabas na ang tubig dito na sinasabayan ng makukulay na ilaw.

Nilabas ko mula sa aking likod ang puting rosas. Hindi ito tulad ng nasa fairytales. Hindi niya ako mapatawad. Maaaring balewala sa kanya ang mga pang-aasar ko sa kanya. Pero ang tawagin siya nun ay sobrang sakit. Alam kong masakit iyon para sa tulad niyang babae.

Naramdaman ko na lang ang pagtapik at paghaplos sa likod ko. Napatingin ako at si Kuya Brix yun.

"We can't give up. Tutulungan ka namin." si Ate Ash. Kahit paano ay natutuwa ako at nandito sila. Nag-eeffort din para lang mabigyan ako ng chance ni Alyssa na makausap siya. Nginitian ko lang sila.

"Mapapatawad ka rin nun. Hindi naman matigas na tao si Aly. You saw how she enjoy the time with her friends." si Kuya Brix.

Oo. Mula pa kaninang umaga, kabadong kabado akong nag-aabang sa mall. Nang makita ko sila sa arcade, ay nag-aalangan akong ituloy ito.

Pero natutuwa akong panoorin siya. Para siyang bata, ang cute lang talaga niya. She even defeat kuya sa basketball. Masmasaya kung kami ang magkalaro.

Nung muntik na niya akong mahuli sa labas ng ice cream shop. Nakakaengganyo siyang panoorin kahit sa malayo.

Napapailing na lang ako at natatawa na rin dahil rinig na rinig ko ang pagtawa niya sa sinehan. Nasa bandang taas lang niya ako. Hindi ko na nga naintindihan yung flow ng story sa movie. Panay ang sulyap ko sa kanya.

Sa bilyaran. I saw her making face na lagi niyang ginagawa sa akin. But this time natutuwa akong pagmasdan siya habang ginagawa niya iyon. Nakita ko siya kung paano mairita sa mga kasama niyang pares. I never thought na mawawala ang pagkainis ko sa kanya.

Nagyon, parang gusto ko na siyang laging nakikita. I don't even know why pero natutuwa na ako sa kanya.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now