CHAPTER 25

70 2 0
                                    

#Goodbye_Ash


DRAKE's POV

Mula nang mapatawad na ako ni Aly, naging okay na kami. Naging okay naman ang lahat. Nagkakasama sama din kaming lahat sa pagkain, minsan ay sa pag-uwi din. At kapag dumadalaw si Kuya Brix kina Ate Ash ay sumasama minsan ako.

Nagkakausap naman kami kahit papaano kapag nandun din ako. Pero minsan nagkukulong sa kwarto niya. Wala daw sa mood kapag ganun, ayon kay Ate Ash. Naging close na rin kami ng girlfriend ni kuya. Minsan nga ay magkakampi pa kami kapag inaasar namin si kuya.

Like now, nandito kami sa house nina Aly. Lahat kami actually. Aalis na rin kasi si Ate Ash, babalik na ng states. Pero kapag natapos na daw siya sa school dun ay babalik ito agad at dito na mag-istay for good. Ang sabi pa, lilipad daw ang buong mag-anak sa graduation ni Ate Ash. At siyempre sasama daw si kuya.

"So, paano yan? In two days, aalis na ako." aniya.

"Susunod naman ako babe eh." si kuya.

"Loko! In a year pa yung pagsunod mo. Umayos ka nga. Pasaway ka ha." natawa lang ako ng mahina. Paano nakakunot noo ang noo ni Ate Ash at para namang bata si kuya.

"Mamimiss ka namin ate. Lalo na ako." yumakap pa si Aly sa kanyang kapatid. Ganda lang nilang pagmasdan.

"Of course pati rin naman ako. Mamimiss ko kayo ng sobra. Bantayan nyo itong bf ko ha. Baka gumawa ng kalokohan yan eh."

"Babe naman, mabait kaya ako. Alam mo yan." si Kuya Brix naman.

"Kapag tulog!" sabat naman ni Joey. Sabay sabay pa kaming nagtawanan.

"Saka kapag busy siya naglalaro ng online games." dagdag pa ni Matt.

Nakakatuwa lang na naging okay na ang lahat. At kung kelan naging okay naman ay saka naman ang pag-alis ni Ate Ash. Naging malapit na rin naman ako sa kanya.

"Naging masaya ang bakasyon ko dito. Sobra. Nameet ka na ng family ko," tingin siya kay Kuya Brix. "I meet your brother," sa akin naman bumaling ang tingin ni Ate Ash. "And friends na sila ng sister ko." kay Aly naman siya tumingin.

"How about us, Ate Ash?" si Alex.

"Siyempre naman masaya ako at nakilala ko kayong lahat. Basta sa susunod na uwi ko, magrereunion tayo." natatawa niyang sabi.

"Awww. Mamimiss talaga kita ate!" tili ni Aly.

"Aly?!! Sakit sa tenga ha! Drake!!"

"Po" atomatiko akong sumagot dahil nagulat ako sa pagtawag niya sa akin.

"Ikaw na bahala ha. Bantayan mo itong baby sister ko. Sayo ko sa ihahabilin ha."

"Oo naman Ate Ash. Ako po bahala." kay Aly ako nakatingin. Iniwasan naman niya ako ng tingin.

"Wag na kayong mag-aaway ha. Wag na kayong pasaway na dalawa. Ligawan mo na kasi itong kapatid ko para hindi na siya bitter."

"Ate?!" natawa naman kaming lahat maliban kay Aly.

"Pero seriously, kung may papayagan akong manligaw sa kapatid ko? It would be Drake. Mas okay na yun kasi kilala na kita eh. Matutuwa ako kapag nangyari yun."

"Ate naman. Ano ba to, pinamimigay mo ba ako?" maktol ni Aly.

"Nope. Madadagdagan lang naman ang magmamahal sayo. May mag-aalaga din sayo at ipaparamdam na espesyal ka." hinawakan pa ni Ate Ash ang chin ni Aly. Kaya maluluhang napayakap si Aly sa kanyang ate. Ang sweet nila.

Nagkatinginan lang naman kami ni Kuya Brix at nagwink siya sa akin. Oh ano yun? Bakit siya kumindat sa akin?

"Namumula si Aly oh." si Lyka.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now