CHAPTER 27

68 2 0
                                    

#Got_Jealous

BEA's POV

Nakapag-ayos na ako at mabilis na bumaba sa living room. Maya maya pa ay narinig ko na ang busina ng kotse sa labas. Binitbit ko na ang maliit na backpack ko at lumabas.

"Let's go?" si Drakey. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse. I smiled at him bago pa ako tuluyang nakasakay sa harap ng kotse.

Excited naman ako dahil makakasama ko na naman si Drakey. Hindi ko man siya masosolo ay okay na rin. Siyempre, need kong makisama sa kanila just for him. Nandun naman siya kaya for sure mag-eenjoy ako. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan.

"So, masaya sigurong kasama ang mga friends mo." sabi ko kay Drakey.

"Oo naman. Makakasundo mo din sila parang ako din. I assure you, you'll enjoy it."

"Okay then." masaya kong sabi.

Maya maya pa ay huminto na ang kotse niya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. He's so gentleman. Bumaba na rin ako agad. Pero para akong kinakabahan, kaya para na akong natuod.

"Come on!" si Drakey at hinatak ako sa kamay. Nagpatianod lang ako sa ginawa niya. Nililibot ko ang buong mata ko sa lahat ng madaanan namin.

Pagdating namin sa likod ng malaking bahay ay tumumbad sa amin ang pool at ang mga kaibigan ni Drakey. Mukhang nagkakasiyahan na sila. Sina Kent, Alex at Larry. Tapos yung tatlong babae. Isa sa kanila yung nakita namin sa mall nun.

Lumapit na kami sa kanila at nagbatian naman sila. Hawak pa rin ni Drakey ang kamay ko. And I love it when he do this. Nakatingin lang sila sa akin, hinatak ko ng bahagya ang kamay niya kaya siya napalingon sa akin.

"Anyway, this is Bea. Childhood bestfriend ko siya. Bea, these are Shane and Lyka, friends din namin, friends nina Chloe. Same school but different course. Nakilala mo naman na si Chloe sa mall diba." pagpapakilala ni Drakey.

"Ah yeah. Hello." kumaway na lang ako sa kanila at ngumiti ako.

"Hello, join us here." yung Chloe.

"Nasaan si Aly?" narinig kong tanong ni Drakey kina Alex.

"Susunod na lang daw siya. Tara dun," si Kent.

Sumunod naman kaming lahat sa kanya sa dulo ng pool. Sa may canope, nandun ang table na punong puno ng mga pagkain. Chips, may salad din, fruits at soda. Siyempre hindi rin nawala ang beer. Pero kunti lang. Celebration nga ang pinunta namin dito.

"Hindi pa ba tayo kakain? Swimming na muna?" usisa nung Lyka.

"Pwede na siguro tayong kumain diba." si Alex.

"Hindi pa ba nagtetext o tumatawag si Aly? Pupunta ba talaga yun? Baka naman hindi yun sisipot ah." parang may pag-aalala sa tono ng boses niya. Nakatingin lang naman ako sa kanila.

"Ayan na pala eh." rinig naming hiyaw nung Shane. Napatingin naman kami sa sinasabi niya.

Isang babae at si Kuya Brix, oh, yung Aly na sinasabi nila. Parating na nga sila. Nakasunod lang siya sa likod ni Kuya Brix.

"Akala ko ba nasa states na girlfriend ni Kuya Brix? Sino yung kasama niya?" bulong ko kay Drakey.

"Kapatid siya ng gf ni kuya. Siya yung kasama ni Chloe sa mall, remember? Close kasi sila ni kuya. Sumabaya na siguro siya kay kuya." sagot sa akin ni Drakey.

Maganda siya, medyo matangkad at makinis ang kutis. Mahaba ang itim na buhok. But deep inside me, parang hindi ko siya feel. Hmmp! Parang ang weird ng feeling.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now