CHAPTER 30

86 2 0
                                    

#Bea's_Revelation


ALY's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit umayaw si Peter sa magiging date sana namin. Lumipas lang ang weekend ay nagbago na ang isip niya. Samantalang siya pa nga itong excited nung kausap namin yung prof namin.

"Eh ano daw problema?" usisa ni Lyka sa akin.

"Ewan ko nga dun eh. Umayaw na lang bigla. Backout agad, ganun." sago ko naman sa kanya.

"Nakakapagtaka naman yata yun. Eh mukhang crush ka nga nun eh, pero bakit bigla siyang umayaw? Chance na kaya niya sana yun sayo." si Shane naman.

Nasa field lang kami. Manonood kasi kami sa gagawing try out ngayon sa soccer. Sportsfest na kasi next month. Kaya ngayon palang ay kumukuha na sila ng mga player. Kaya excited naman kami dahil isa sa mga magtatry out ay si Alex. Sa kanilang apat, si Alex ang nagtry sa soccer maliban sa basketball na sinalihan niya.

"May rason siguro siya. Hindi naman yun magbaback-out nang walang dahilan no." dagdag pa ni Chloe.

"Or baka naman may pumigil sa kanya. Baka may nagsabi sa kanya na wag nang ituloy yung date." si Lyka. Napatingin kami sa kanya.

"Sino??" sabay sabay na tanong naming tatlo.

"Aba malay ko, naisip ko lang naman." nanlalaking matang sagot sa amin ni Lyka.

"Haay," deep sighed.

"Okay lang yan. Hayaan mo na, naging maganda naman kapalit eh. Dagdag points sa grade ang ipinalit ni Sir Tony diba."

"Tama!! Mas okay na yun kesa sa dates." tapik sa akin ni Shane.

Kaya binalewala na lang namin yun. Inatupag na namin ang panonood at pagchecheer kay Alex. Tuwang tuwa kami kapag nakakaagaw siya ng bola mula sa kalaban. Pero hirap na hirap ang team nila sa paggawa ng goal. Paano naman kasi, mga dating player na ang kalaban nilang team.

Maya maya pa ay dumating na sina Kent, Larry at Drake. Well, nakabuntot na naman si Bea. Lagi naman eh, hindi na nga siya nahiwalay sa tabi ni Drake. Inabutan kami ng inumin at chips nina Kent at Larry. Humiwalay naman ng upuan sina Drake at Bea. Edi wow!! Ano to, date???! Hmp!!

Nagulat na lang ako nang magtatalon si Lyka habang pumapalakpak. Nakagoal pala si Alex. Napatayo na lang kami at nagcheer pa para kay Alex. Napatingin ako sa gawi nung dalawa sa baba ng bench. Pumalakpak lang tapos balik sa pag-uusap. Ano, pagkukuwentuhan lang ba pinunta nila dito? Sana hindi na lang sila nagpunta dito.

Hindi naman nagtagal ay nagdismiss na ng try out ang coach sa soccer team. Hinintay na lang namin si Alex sa harap ng grandstand.

"So, anong result?" tanong agad ni Kent nang makalapit si Alex sa amin.

"Guys....." tumigil ito at napahawak sa tuhod niya. Pagod na pagod siya, hingal na hingal pa rin kahit pinagpahinga sila kanina.

"Ano na??" si Lyka.

"Pasok ako sa team!!!" malakas na sigaw niya.

"Woaaaahhh!!!!" malakas na hiyawan namin.

We're just so happy for Alex. We congrats him, of course. Natutuwa naman ako dahil mukhang nagkakamalapit na ang loob nila ni Lyka. Tuwang tuwa kasi ang huli.

"So, ano bro. You should treat us." si Drake. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.

"Congrats Alex. Oo nga, blow out naman dyan." dagdag pa ni Bea. I rolled my eyes.

"Sige, tara! Treat ko kayo. Mall tayo, food court na lang tayo." si Alex.

"Yown!" masayang sambit ni Larry.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now