CHAPTER 16

65 3 0
                                    

#Student_Night


DRAKE's POV

Student Night.

Dumeretso na ako sa may gymnasium kung saan ginaganap ang student night. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na hindi ako pupunta pero heto ako at mukhang tanga. Tsk!

Nang makapasok na ako ng tuluyan sa loob ay bumungad sa akin ang napakaingay na kapaligiran. Sari sari na ang naririning kong ingay. Tawanan, kuwentuhan kasabay pa nun ang malakas na background music.

Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ang tatlo kong kaibigan. Hindi ko sila makita. Pero napansin kong papalapit na si Kuya Brix sa akin. Ang talas naman ng paningin nito.

"Good to see you here. Akala ko hindi ka na talaga pupunta eh." aniya.

"Nakita mo ba sila Kent, kuya?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. They're with us. Kasama namin sila sa table. Buti nga at nakita kita agad eh." inaya na niya ako na pumunta sa table na sinasabi niya.

Hindi ko naman nagustuhan ang nadatnan ko. Dahil kasama sa table sina Aylssa. Palibhasa si Chloe kasi ang date ni Kent.

Wala akong choice kundi ang lumapit at magpakita sa kanila. Kaibigan ko naman sila eh. Tuwang tuwa ang tatlo nang makita ako.

"Ayos, dumating ka din. Buti naman at nagbago ang isip mo." si Alex. Pilit lang akong ngumiti.

Napatingin ako kay Alyssa, nakatingin siya sa akin pero bumawi lang din siya ng tingin. Siya pa ang may ganang magganyan, samanatalang ako dapat ang mainis sa kanya.

"Sige, doon na lang ako sa table nina Mitch. Enjoy na lang kayo dito." sabi ko sa kanila.

Tumungo na ako sa kabilang table. Magkalapit lang naman eh. Oo, humiwalay na lang ako sa kanila. Ayaw kong kasama sa iisang table ang Alyssa na yun. Buti na lang pumayag akong maging date ni Mitch sa gabing ito. Hindi ko siya classmate pero same building lang naman kami.

KENT's POV

"Sige, doon na lang ako sa table nina Mitch. Enjoy na lang kayo dito." sabi ni Drake sa amin.

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi niyang iyon. Nagtataka kaming tatlo. Nakita kong pumunta nga siya sa table nila Mitch. Lagi naming nakikita ang Mitch na iyon dahil sa iisang building lang kami. Naalala ko pa ngang umamin iyon kay Drake. Pero hindi siya ang tipo ng kaibigan ko. Gusto niya ng simple lang.

"Ano yun?" usisa ni Alex.

"Malay ko, eh pare pareho tayong walang alam dito. Ano ba nangyayari kay Drake?" si Larry naman.

Tinanggihan niya si Mitch nang magsabi ito sa kanya. Nandun kami. Pero nakakapagtaka at siya ang date niya. Pumayag din pala siya. Bumalik na kaming tatlo sa table namin.

Nagkukuwentuhan lang kami ng mga kasama namin sa table. Katable rin namin ang kuya ni Drake. Miminsan ay napapalingon ako sa kanya at nahuhuli ko siyang tumitingin sa amin. Pero agad siyang bumabawi ng tingin. Ano bang pumasok sa ulo ni Drake at ganito ang mga gawi niya ngayon.

"Anong nangyari kay mokong?" napakislot pa ako sa gulat. Si Aly ang nagtanong. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng isasagot ko.

"Hindi ko din alam. Bakit hindi siya ang tanungin mo?" sabi ko naman sa kanya.

"At susungitan mo pa ako. Baka nakakalimutan mo, date mo si Chloe. Isang yaya ko lang dyan, uuwi kami agad agad."

"Hindi naman ako nagsusungit." ngiti ko sa kanya. "Hindi ko naman kasi alam kung bakit ganun si Drake ngayon. Mamaya tatanungin ko na lang siya, ha?" para akong temang na naglalambing.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now