CHAPTER 37

68 3 0
                                    

#A_Plan_For_Christmas


ALY's POV

Nagpatuloy pa rin ang pagkikita at paglabas namin ni Drake. Naging madalas ang pagbisita sa akin ni Drake sa bahay. At tuwang tuwa naman sina mommy at daddy. Minsan pa nga ay sa bahay na rin siya nagdidinner.

Sa ilang beses niyang pagdalaw sa akin ay sumasama minsan si Kuya Brix, dahil sa request na rin ni mommy. Well, I guess, kasal na lang ang kulang kina Kuya Brix at Ate Ash. Pero gaya nga ng sabi ng parents namin. Kailangang makapagtapos muna sila ng school at magkaroon ng stable job saka pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Nag-usap usap ang buong tropa na magkaroon ng swimming kina Kent. Masmaluwang daw kasi ang pool nila. Hahaha. Kumpleto kami, pero si Kuya Brix ay susunod na lang daw. Hindi na rin niyaya ni Drake si Bea. Nagdahilan na nga lang daw ito para hindi na niya malaman na may lakad kaming lahat.

"Bakit ba kasi ganun na si Bea, Drake? Para na kasing hindi tama mga ginagawa niya eh." si Kent.

"Hindi ko rin maintindihan bro. Hindi naman siya dating ganun eh." sagot niya.

"Kasi nga deadma mo na ang beauty niya. Nabaling na ang atensyon mo kay Aly." sabad ni Lyka. Napatingin naman kaming lahat.

"Lyka?" ako.

"Bakit, totoo naman eh. Naiinsecure kasi si Bea sayo. Kasi nga, nililigawan ka ni Drake. At saka siya, best friend lang siya."

"Tama nga si Lyka. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun maramdaman niya eh. Kasi, kahit ako nung una hindi makapaniwala na gugustuhin at mamahalin ko si Aly ng ganito." sabay titig sa akin.

"Ayiiieeeee!!!!" hiyawan lahat ng mga kasama namin.

Actually, kinilig din naman ako. Oo na. Balak ko na rin naman siyang sagutin. Pero kapag nagtanong siya ulit siyempre. Kahit papaano naman diba, Dalagang Pilipina pa rin ako.

"Nagblublush ka Aly!!!" hiyaw ni Shane. Ito, dating masungit pero ngayon nakikisali na rin sa asaran.

Dahil sa sinabi niya ay napahawak ako sa aking pisngi. Mga loko talaga sila. Nagblublush nga ba ako?

"Joke!!!!" sabay sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at napasimangot sa kanya.

"Pinagkakaisahan nyo ako! Grabe!!" himaktol ko sa kanila. Nagtawanan lang naman sila. But in the end, nakitawa na rin ako.

Nagkatinginan kami ni Drake. We smiled at each other sweetly. Alam naman naming pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa. Ayaw ko lang magmadali talaga. Pero kapag tinanong niya ako ulit, I would say yes. Yiieee. Kinikilig ako, sheyt!

Maya maya pa ay narinig ko ang phone ko. Tumatawag si Ate Ash. Videocall, actually. Masaya ko itong sinagot. Sumenyas ako sa kanilang at naintindihan naman nila agad. Kaya lumapit silang lahat sa akin.

"Hi Ate Ash!!" hiyawan nilang lahat. Nagulat man si ate at tuwang tuwa din itong bumati.

"Kumusta na kayong lahat? Miss ko na kayo ah." si ate.

"Miss ka na rin ate." si Chloe.

"Oo nga. Kung pede lang na puntahan ka na namin dyan eh." sabad naman ni Alex.

"Hahaha. Weeh, hindi nga. Huwag ka nga Alex. Hindi naman mangyayari yun eh." natatawang sabi ni Ate Ash. Kaya nagsitawanan na rin kami.

"Kumusta ka naman dyan Ate Ash?" si Kent.

"Okay lang naman. Super tuyo na utak sa mga research works at thesis ko. Siyanga pala. Mukhang kumpleto kayo ah. Anong meron?"

"Wala naman ate. Siyempre christmas vacation na eh. Swimming lang kami." ako na ang sumagot.

"Ang galing naman. Buti pa kayo dyan. Anyway, saan si Drake? Hindi ko yata naririnig boses niya."

"Here Ate Ash!" lumapit pa ng bahagya si Drake para makita siya ni ate. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa.

Naggive way si Chloe na siyang katabi ko. Pinaupo niya si Drake sa tabi ko. Hindi ko naman maintindihan pero kinikilig talaga ako.

"Wow, magkatabi na kayo. Bagay talaga kayo no." su ate. Kaya nagtawanan ang mga kasama namin.

"Oo nga Ate Ash eh. Ito kasing si Aly, ayaw pang sagutin si Drake." sabad ni Lyka. Lalo pa silang nagtawanan pati na rin si Ate Ash.

Grabe para kaming ginigisang dalawa. Nagkakatinginan lang naman kami ni Drake at nagngingitian. Bahala kayo dyan. Basta kaming dalawa ay okay naman.

Nagpatuloy pa ang pagkukuwentuhan namin hanggang dumating si Kuya Brix. Kaya pinasa ko na sa kanya ang phone ko at sila na ang nag-usap ni ate. Samantalang nagsitalon na ang iba sa pool.

Nakaupo lang kami ni Chloe sa may gilid ng pool. Habang nakatampisaw ang mga paa sa tubig. Pinapanood lang namin silang naghaharutan sa tubig.

"Bakit hindi mo pa sinasagot si Drake?" si Chloe.

"My gosh, paulit ulit na lang yang tanong nyo sa akin. Ayaw nga naming magmadali diba." sagot ko naman.

"Walang improvement or development dyan sa sagot mo sa akin. Paulit ulit lang din ang sagot mo. Total nagkakaintindihan naman kayo bakit hindi nyo na lang ilevel up ang kung anong meron man kayo."

Actually napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Totoo naman ang sinabi niya sa akin. Nagkakaintindihan naman talaga kami ni Drake eh. Siguro nga oras na para ilevel up talaga ang relasyon namin bilang ganito.

Matapos ang swimming namin ay hinatid ako nina Kuya Brix at Drake sa bahay. Nagtataka man ako dahil dalawa pa talaga silang naghatid sa akin.

Dahil dun ay pinatuloy sila ni mommy sa loob. Nagkape at nagkuwentuhan sandali. Umakyat muna ako sa kwarto ko para makapagbihis.

BRIX's POV

Pag-akyat ni Aly sa kanyang kwarto ay naiwan pa rin kami nina Drake at ng parents niya sa living room. Nang may maalala ako.

"Siyanga pala tito. Dumating na sina daddy last week pa. Ngayon ko lang po naalala." untag ko kay Tito.

"Really? Dumating na si Gabriel? Can I have his number please?"

"Yes tito." at binigay ko nga sa kanya.

"Actually tito nabanggit na namin ito kay daddy. Natuwa nga po siya nang malaman na nakilala namin kayo. Kapag hindi po sila busy maaaring dalawin nila kayo." sabad ni Drake.

"Wow, maganda yan ah. Why not we celebrate christmas together?" si Tita.

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabing iyon ng mommy nina Aly at Ash. Kung iisipin mo, magandang idea yun. Magiging masaya sina daddy kung makakasama niya ulit ang dati niyang bestfriend.

"That would be great. Sige, kakausapin ko si Gabriel para maiset na natin yan. Banggitin nyo na rin sa daddy nyo. Dito na lang kayo magchristmas sa amin."

"Magiging masaya po yan. Sobra." si Drake.

Napangisi naman ako ng bahagya dahil alam kong magiging masaya talaga ito para kay Drake dahil makakasama niya si Aly sa pasko. Pero paano naman ako. Eh kung lumipad kaya akong New York. Papayagan kaya ako nina daddy at mommy.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now