CHAPTER 29

61 4 0
                                    

#Drake's_Got_Jealous

DRAKE's POV

Hindi ko naman maintindihan sa prof namin ng PE, akala mo may christmas party o may team building ngayon. Puro games ang ginagawa niya sa amin. Sabi niya, for development as being a leader at team effort at kung ano ano pang sinabi.

Last game na daw ito. Pinakuha niya kami ng partner, siyempre si Bea ang partner ko. I saw Kent take Chloe as his partner, siyempre naman. Pero napakunot noo ako nang magpartner sina Peter at Aly. Kailan pa naging close ang dalawang iyon? Like whaat??

"Drake!!" para naman akong nahimasmasan nang tawagin ako ni Bea. Nakatapak na siya sa newspaper. Tumingin ako sa paligid at ganun din ang ginawa nila. Kaya mabilis na ako lumapit kay Bea.

"I'm sorry." bulong ko sa kanya.

"Are you okay?"

"Yeah, of course."

Nagpatuloy kami sa paglalaro ng newspaper dance. Lahat sila nagkakatuwaan. Lahat sila nagtatawanan at nagkakantyawan. Pero hindi ko maiwasan na laging mapasulyap kina Aly at Peter. Tuwang tuwa pa nga silang dalawa. Kailan pa sila naging close? Saka okay lang kay Aly na buhatin siya ni Peter. At yung isa tuwang tuwa naman.

Tatlong pair na lang ang natira. Ako at si Bea, Kent at Chloe and last sina Aly at Peter. Magkakalapit na kami ng puwesto. Naghihiyawan na sila nang iannounce ng prof namin na kung sino man ang mananalo sa game na to ay may prize.

"Okay, okay. May free date ang mananalo sa game na to. And it's on me!" dahil dun ay maslumakas pa ang hiyawan. Naririndi na ako ah. Tuwang tuwa naman sina Kent at Peter. Masgugustuhin ko na lang manalo sina Kent.

"We have to win." napalingon ako kay Bea.

"We don't need that. Pede naman tayong lumabas kahit kelan natin gusto no." sagot ko sa kanya.

Nagsimula na ang music. Hindi ko mapigilang mapasulyap kina Peter at Aly. Minsan ay napapatingin naman si Aly sa akin. Pero hindi ko alam, automatiko akong napapaiwas ng tingin.

Huminto ang music, the hell!! Hinatak ako ni Bea at sumakay sa likod ko. Dahil sa gulat ko ay hindi ako makapagbalance ng maayos. At dahil dun ay nabitawan ko si Bea at tuluyan na kaming na-out sa game.

Lumingon ako sa dalawa pang pares. Nakita kong buhat ni Kent si Chloe sa kanyang likod. Samantalang buhat ni Peter si Aly sa harapan niya na animo'y parang bagong kasal. Lakas ng apog ni loko ah para buhatin si Aly ng ganun??? Tuwang tuwa pa siya, samantalang parang nahihiya si Aly. Itulak ko kaya sila.

Napaismid na lang ako ng mabitawan na ni Kent si Chloe. Hina naman ng isang ito. Dahil dun ay nagsigawan ang lahat. Meaning sina Peter at Aly ang nanalo, dahil hanggang ngayon buhat buhat pa rin ni Peter si Aly. Ano, sila ang magdadate ganun??

"Wow, galing naman nila." anas ni Bea sa tabi ko. Hindi naman ako umimik.

Nakita ko na lang na kinakausap na ng prof namin sina Peter at Aly. Seryoso nga talaga sila?? Damn! Maya-maya pa ay dismissal na. Magdadate ba talaga sila?

Binitbit ko na ang bag ko at nagsimulang lumakad palayo doon. Narinig kong tinatawag ako ni Kent pero hindi ko na pinansin pa.

"Drakey! Drakey!" naramdaman ko na lang si Bea sa aking likod. "What's the matter?"

Hindi ako umiimik. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bigla na lang ay hinatak niya ako sa aking braso. Natigilan ako.

"Ano ba?!" napataas tono akong humarap sa kanya.

"I'm sorry. Nag-aalala lang naman ako sayo eh." napayuko siya.

Shit Drake! Ano ba tong ginagawa ko. Pati si Bea nadadamay sa kung ano man itong nangyayari sa akin. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Umangat ang mukha niya sa akin.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now