CHAPTER 18

63 3 0
                                    

#What_Happened_to_Drake


ALY's POV

Sa room, grabe lang. Walang katapusang sulat. Pero napapansin kong hindi yata nagsusulat si Drake. Napapasulyap ako sa kanya. Nakasandal lang ito sa upuan niya.

"Aly, hindi ko nakopya yung isang paragraph. Pacopy na lang ako mamaya ha. Nabura kasi agad ni ma'am eh." bulong ni Peter.

"Okay sige. Mamaya ibibigay ko sayo notes ko." sagot ko naman sa kanya.

"Ssshhh!" napalingon pa ako dahil si Drake iyon. Nakangisi pa ito sa akin.

"What was that?" napatingin naman ako sa prof namin. Sa amin siya nakatingin.

"Ahmm. Nagbubulungan po kasi sila ma'am. Nadidistract po ako." si Drake. Distract? Eh hindi nga siya nagsusulat!

"Any problem Miss Villarin and Mr. Agoncillo?"

"No ma'am. Nakikisuyo lang po si Peter. Sorry po."

"Okay, later na lang yan. Nadidistract ang iba nyong kaklase."

Tumingin ako ng masama kay Drake. Ngumisi lang siya at dumila. Nananadya na siya. Nakakainis na.

Dinner. Sa bahay na nagdinner si Kuya Brix. Siyempre kilig kilig na naman si Ate Ash. Siya na ang may lovelife. Hmp!

After nun ay nag-aya na magswimming si ate. Kaloka, kung anong naiisip. Hindi ko kinakaya mga trip nito. Natatawa naman si Kuya Brix pero pinagbigyan na niya ito. Buti na nga lang daw at may dala siyang extrang short sa kanyang kotse.

Sige harutan sila ng harutan. Parang wala silang kasama. Hello???! Nandito kaya ako. Nakakairita ang mga to eh.

Umahon ako at sinuot ang bathrobe ko. Naupo na lang ako at uminom ng juice. Nakaramdam ako ng lamig pero okay lang naman. Kumakain ako ng chips nang sabuyan ako ni ate ng tubig.

"Like what?! Ayaw ko na."

"Kj!" si ate.

Ako pa ang KJ? Eh nakakainis kaya kayong dalawa. Nakakabitter ang ganyang scenario. Maya maya pa ay umahon na silang dalawa. Nakishare na rin sila sa table. Kumakain na kami ng chips.

"Aly." si Kuya Brix.

"Yes?"

"Wala ka bang napapansin kay Drake, lately?" tanong niya.

"Meron! Maslalo siyang nagiging arogante at mapang-asar. At sobrang nakakainis yun."

"Oh, buti nga sayo inaasar ka pa eh. Samantalang ako, hindi ako papansinin kung hindi ko pa siya kakausapin."

"Bakit, may problema ba kayo ng kapatid mo babe?" si ate.

"Hindi na nga siya nagsasabi sa akin eh. Hindi ko alam kung ano ba problema niya. Pero ang alam ko lang, may dinaramdaman siya."

"You better talk to him, Kuya Brix. Baka naman may problema talaga siya." suhestiyon ko naman sa kanya. Tumango tango siya.

"Aly is right. Saka alam mo, gusto ko na rin siyang makilala. Para naman isa na din akong tutulong at kakausap sa kanya kapag may problema siya. Baka kailangan din niya ng ate."

"NO!!! Ikaw ang ate ko, at wala nang ibang mag-aate sayo." maktol ko naman sa harap nila. Napatingin lang sila sa akin.

"Hahaha!!" si Kuya Brix.

"Aly?! Magiging ate na rin ako ng brother ni Brix. Ang damot mo ha."

"Basta!"

Tawang tawa naman si Kuya Brix sa amin. Nauna na akong umakyat kay ate nun dahil hinatid pa niya sa labas ang boyfriend niya.

Sa totoo lang, masaya naman talaga ako para kay ate. Masaya siya magkasama sila ng boyfriend niya. Yun naman ang mahalaga. Ang maging masaya siya sa piling ni Kuya Brix.

ASH's POV

"NO!!! Ikaw ang ate ko, at wala nang ibang mag-aate sayo." maktol ni Aly. Napakunot noo naman akong napatingin sa kanya. Pati na rin si Brix. Ano naman kaya problema ng isang to.

"Hahaha!!" tawang tawa pa ang bf ko.

"Aly?! Magiging ate na rin ako ng brother ni Brix. Ang damot mo ha." sabi ko na lang kay Aly.

After we talked ay nagpaalam na si Brix para umuwi. Nauna na si Aly umakyat sa kwarto niya.

Nasa labas na kami para ihatid sa kanyang kotse si Brix. We hold hands, how sweet. Kinikilig talaga ako kapag magkasama kami.

"Anyway babe, gagawan natin ng paraan para maging okay na kayo ng kapatid mo ha." sabi ko as I touched his face.

"Sana nga maging okay na kami, dahil kaming dalawa lang magkasama dito. Wala naman sina daddy at mommy eh."

"Don't you worry, okay? Everything will be alright." sabi ko pa sa kanya.

"Oo babe, thank you babe. Thank you for being there for me. Masaya ako at nakakasama na kita ng ganito. Sana nga lang hindi na matapos to." he kissed my hand at tumitig lang siya sa mga mata ko.

"I will always be here for you, Brix. I love you."

"I love you more, Ash. And I want to be with you for the rest of my life."

Pinisil niya ang mga kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako. Then, all of a sudden we just look unto each other's eyes. Kusa na lang gumalaw ang mga talukap ng mga mata ko at napapikit na ako. And the next thing, I felt his warm, soft lips. And we kissed.

I just felt happiness inside and outside. The joy I hope won't lasts.

-thank you for waitinng, chingus
iloveyou all💞

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now