CHAPTER 15

61 3 0
                                    

#Compliment


DRAKE's POV

Talaga lang, si Chloe pa napiling yayain ni Kent na maging date sa student night. Tsk! Anong nakain nito at doon pa talaga sa grupo ng Alyssa na yun.

Nakatingin lang ako sa kanila. Nagtatawanan pa nga sila. Buti na lang at hindi kami nagkairingan ngayon ng babaeng iyon.

Nang matapos na kaming maglunch ay nagstay muna kami dito sa grounds ng school. Nagtatawanan lang tong mga kasama ko. Nakatambay kami sa isang bench. Medyo mahangin dito kaya masarap ang tumambay.

Pero humiwalay ako sa kanila. Sa bench sila pero ako naupo sa ilalim ng puno at nakasandal lang ako.

"Hoy Kent, sure ka na bang si Chloe ang idadate mo?" narinig kong sabi ni Alex.

"Oo naman, bakit? Paulit ulit ka lang eh no." sagot naman nung isa.

"Sus, yun nga ag walang challenge eh. Ang tahimik."

"Yun na nga eh, tahimik. Paano kung may tinatago din palang ingay. Ano ha?!" saka sila nagtawanan. Mga loko loko. Napailing na lang ako.

Napapikit na ako nang maramdaman kong may tumapik sa akin. Pagmulat ko ay nakalipat na pala sila sa pwesto ko. Kinunutan ko lang sila ng noo.

"Drake, wala ka ba talagang balak pumunta ha?" tanong ni Alex. Nagkibit balikat lang ako.

"Grabe bro, pwede sumagot." si Kent.

"Bakit ba kasi ako lagi ang kinukulit nyo dyan? Eh wala akong gana na magpunta sa gabing yun. Ano naman gagawin ko dun?"

"Bakit nga ba kasi?"

"Gaya ng sabi ko dati, pag-iisipan ko." sagot ko sa kanila. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

Sumunod lang naman sila sa akin. Nagsisihan pa. Kung sino ang makulit na tanong ng tanong sa akin. Napapailing na lang ako sa mga ito eh.

Habang pabalik na kami sa room ay masasalubong namin sina Alyssa at Chloe. Nang pumihit sila ay ganun din kami pero nauuna na sila sa amin. Kaya nakasunod lang kami.

"Hi Chloe," bati ni Kent. Pero hindi sumagot o pumansin si Chloe.

Siniko ni Kent si Alex at inginuso si Chloe. Mukhang alam ko na gagawin ng mga ito. Mga pasaway.

"A-araay!!!" hiyaw ni Kent. Dinagukan kasi siya ni Alex.

Mga siraulo talaga ang mga ito. At dahil sa ginawang iyon ng dalawa ay napapitlag si Chloe at dali daling lumingon kay Kent. Bakas sa mukha nito ang Pfft. Aba effective.

Nakita ko naman ang mukha ni Alyssa. Mukhang hindi natutuwa. Nakataas ang isang kilay nito at nakasimangot.

"Kailangan ko pa bang masaktan para mapansin ako?" si Kent sabay kindat kay Chloe. Namula naman yung isa.

"Hoy Kent! Hindi porket pumayag kami na maging date ka ni Chloe sa student night eh magpapapansin ka na sa kanya. Remember sa student night lang ang date na yun." mataray na sabi ni Alyssa sa kanya.

"Bakit ikaw ba ang pinagpapansinan nitong si Kent? Si Chloe no, hindi ikaw." sabat ko naman.

"Bakit ikaw ba ang kausap ko? Kailan ka pa naging attorney nitong si Kent?" naniningkit na sagot niya sa akin.

Grabe talaga ang babaeng ito. Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya. Akala mo kung sino siya.

"Ano?!" asik pa niya sa akin. "Tara na nga Chloe." hinatak na niya si Chloe at mabilis na lumayo sa amin.

"Wala ka pala bro eh." kutya pa sa akin ni Alex.

Inambaan ko siya ng suntok pero tinawanan lang ako. Natawa na rin sina Larry at Kent. Loko tong mga to ah. Napatingin ako ulit sa gawi nina Alyssa. Kainis talaga ang babaeng yun.

"Tara na nga!" tanging sabi ko sa kanila.

Nang makarating kami sa room ay maingay pa. Naupo lang ako at sumandal. Nakita ko pang nilapitan ni Kent si Chloe. Nagpapacute na naman ang kaibigan ko. Napangisi na lang ako.

"Hoy!"

"Hoy!"

"Hoy!"

"Ano ba?!" irita kong tanong sa katabi ko. Tinignan ko siya at nakatingin lang sa akin. Amo bang tingin yan.

"Eh bakit ka sumisigaw?" si Alyssa.

"Ano bang problema mo? Tawag ka ng tawag eh." tanong ko sa kanya.

"Hoy pala ang pangalan mo?" mataray niyang sabi.

"Aba't..." umayos ako ng upo.

"Wait, may sasabihin ako." putol niya sa sasabihin ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. Kakaiba talaga ang babaeng to eh. Siya pa itong makulit na magtatawag sa akin tapos ngayon tatarayan ako. Tapos puputulin pa pagsasalita ko.

"Hoy, ano ba?" anas niya.

"Ano?" naiirita ko namang tanong.

"May sasabihin nga kasi ako pero hindi ka naman nakikinig!"

"Bakit ako makikinig sayo? Close ba tayo? Sino ka ba sa akala mo ha?!" pagsusungit ko din sa kanya.

"Close? Bakit sa tingin mo gusto ko ding makipagclose sayo? No way!!" nanggigigil na ako sa isang to eh.

"Ano ba kasi yun?"

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo ha. Masyado nang nagpapapansin sa kaibigan ko." sabi niya at hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Bakit hindi ika ang magsabi sa kanya? Ako pa talaga uutusan mo?" sabi ko sa kanya at bumalik ako sa pagkakasandal ko sa upuan ko at hindi na tumingin sa kanya.

Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Tsk, mabuti naman kung ganun. Natahimik din siya. Wala siya maisagot diba.

"Alam mo, gwapo ka sana eh kaso napakaarogante mo! Hmp!"

Napalingon ako sa kanya. Tama ba yung narinig ko?

"A-anong sa-sabi mo??" tanong ko sa kanya. Grabe, bakit ba ako nautal pa.

"Hay naku, arogante ka na nga bingi ka pa. Ewan ko sayo!" tumayo siya at tumungo kina Chloe at Kent.

Ano ulit yung sinabi niya? Tama ba ako ng dinig? Nakakunot noo lang ako at iniisip kung tama nga ba ako ng dinig. Aah, paulit ulit. Napangiti na lang ako. Did she just compliment me? Pinuri niya ako. Gwapo daw ako. Haha, matagal na kaya. Buti naman at alam niya.

thank you for waiting😊😊

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now