CHAPTER 24

69 3 0
                                    

#Forgiven


ALY's POV

Nag-uusap lang kami ni Peter nang lumapit si Drake sa amin. Nakatayo ito sa may gilid ko. Hindi ko naman siya pinapansin. Kainis.

"Aly, bakit ka umalis kanina?" tanong niya sa akin. Sinulyapan ko lang siya pero nakita ko sa mga mata niya ang pagtatanong, pag-aalala na hindi ko maintindihan. Binawi ko ang aking tingin at hindi sumagot sa kanya.

Iniisip ko yung nangyari kanina. Sino ang babaeng iyon? Sino ang babaeng yumakap kay Drake? Bigla na lang darating, mag-iinterrupt sa aming pag-uusap. At anong tawag niya kay Drake, Drakey?? Close ba sila masyado at may ganun siyang pagtawag kay Drake?

GROUNDS. Dito na kami tumambay after namin kumain ng lunch. Nagbabasa lang ako ng notes ko nang dumating si Alex.

"Saan ka galing?" rinig kong tanong ni Kent.

"Sa may gate. Hinatid namin ni Drake si Bea." napaangat ako ng tingin at tumingin sa kanila.

"Sinong Bea? Girlfriend mo?" tanong naman ni Chloe kay Alex.

"Si Bea?" si Kent. Mukhang kilala nila ang babaeng iyon. Sino ba kasi ang isang iyon. Napapakunot noo na lang ako.

"Yah, sino ba yung Bea na sinasabi nyo?"

"Ah si Bea. Hindi ko siya girlfriend. Baka si Drake pwede pa." sabay tawa ni Alex.

Si Drake? Ah, kaya siguro siya niyakap ng babaeng iyon. Tumikhim na lang ako at bumalik sa pagbabasa. Pero hindi ko maintindihan, nawawala ako sa focus.

"Ah girlfriend siya ni Drake? Anong ginagawa niya dito? Hindi naman yata dito nag-aaral yun ah." si Chloe. Bakit ba magtatanong pa siya ng ganung bagay.

"Sa amerika kasi yun nag-aaral. Umuwi lang naman dito." si Kent. Naiirita na ako sa mga naririnig ko.

"Si Bea kasi---"

"Ahm guys," putol ko sa sasabihin pa ni Alex. Puro na lang pangalan niya ang naririnig ko.

"Oh bakit?" si Chloe.

"Punta muna akong library ha. May hahanapin lang akong libro. Sa room na lang tayo magkita mamaya."

Tumayo na ako at hindi ko na hinintay na magsalita pa sila. Dumiretso na ako sa library. Masmaigi na dito na lang ako magbabasa. Matatahimik ako rito.

Naupo na ako agad sa at binuklat ang libro ko. Pero bakit ganun, gang dito ba naman? Para kong paulit ulit na naririnig ang mga pinag-uusapan nila kanina. Nadidistract yata ako. Grabe naman.

Nasapo ko na lang ang ulo ko at nabitawan ko sa isang kamay ang librong hawak ko. Napansin ko na lang na may nakaupo na pala sa tapat ko. Unti unti kong iniangat ang ulo ko. Nagulat man ako ay napaismid na lang ako nang makilala ko kung sino iyon. Paano siya napunta dito.

Tumayo ako agad at binitbit ang bag ko. Sumunod siya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. At umangat ang tingin ko sa mukha niya.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Please stay." aniya. Ewan ko parang may kung anong dumurog sa puso ko.

"Bakit ba?" pagbabalewala ko sa naramdaman kong iyon.

"Please?"

Aah!! Kainis!! Bakit kailangan niyang magpuppy eyes. Ano ba to. Tapos yung boses niya ang lamig. Ano ba?!! Hinihypnotize ba niya ako? Kusa na lang kumilos ang katawan ko at bumalik sa pagkakaupo. What the hell Alyssa. Galit ka diba. Inis ka diba.

"Thank you Aly. Gusto ko lang naman makausap ka ng maayos."

"Para saan pa?" mataray kong tanong sa kanya.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now