CHAPTER 42

69 2 0
                                    

#Christmas_Eve_Together

DRAKE's POV

Tinupad ko ang pangako ko kay Aly. Ang hindi muna sabihin sa mga kaibigan namin ang tungkol sa aming dalawa. Even with Kuya Brix, hindi namin ipinaalam.

After that, mahimbing akong natulog nun. With a smile on my face and on my heart. That is my happiest unforgettable moment for my entire life. Lalaki ako pero napakasentimental ko naman yata.

Hindi namin pinahalata sa mga kasama namin ang excitement na nararamdaman naming dalawa ni Aly after that night. Hanggang sa mag-almusal kami at maligo ulit sa dagat. Super pagpipigil talaga ako na lambingin siya. Nagkakatinginan na nga lang kami nun. Tinginan na malalagkit. Hahaha.

Pogi points daw yun sa kanya. Sinabi niya sa akin yun nang maihatid ko na siya sa bahay nila. Nagdahilan na lang ako sa mga kasama namin na humiwalay na lang kami ni Aly pagdating ng Manila. Na ako na ang maghatid mismo sa kanya.

After that day, mga one week na ang nakalipas. Mamaya na ang christmas eve. Nasabi na rin ng parents ko na kina Alyssa kami sasalubong ng pasko. And it was a great idea.

"Ready ka na ba mamaya?" usisa ko kay Aly. Kausap ko siya sa phone.

"Hindi."

"Huh?" napabalingkwas talaga ako sa pagkakahiga. "What do you mean? Ayaw mo bang magcelebrate tayo ng christmas together? Ayaw mo bang makita ako? Hindi ka ba naeexcite na makita ako?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Pero narinig ko isang tawang tawang babae sa kabilang linya.

"Love?? Pinagtatawanan mo naman ako eh."

"No! Natatawa lang kasi ako sa reactions mo. You're so exagged, you know that?"

"Love naman eh."

"Para kang bata. Siyempre excited akong makita ka, ikaw pa ba? Eh mahal na mahal kita."

Para naman akong kinilig sa sinabi niyang iyon. Masnaexcite pa ako higit pa sa iniisip ko. One week na kami, at first christmas namin to together. Hindi matatawaran ang kagalakan ko. Ang kaligayahan ko. Hinding hindi ko siya sasaktan. Mamahalin ko siya araw-araw.

Valentines, araw araw. Pasko, araw araw. New year, araw araw. Basta hindi ako mapapagod sa pagmamahal ko sa kanya.

"So, see you later Love ha. Tutulungan ko lang si mommy na magprepare ng mga food later. Mukhang marami kasi ihahanda this year." rinig kong sabi niya sa akin. Siyempre pa, darating kami eh. Para akong nagising sa mga imaginations ko. Paano kaya kung diretso pamamanhikan na. Ano ba tong mga iniisip ko. Tama yata si Aly, exagged ako mag-isip. Pero hindi ba pwedeng excited lang.

"Sige Love, I'll see you later."

"I love you Love."

"I love you more Alyssa, My Love."

ALY's POV

Three hours before christmas eve, nakahanda na ang lahat. Ready na ang dining table na punung puno ng pagkain. First time to na ganito karami ang pagkain. First time din naman kasing may bisita kami, or should I say kasama sa pagsalubong ng Pasko.

Ang Pasko na ito, ito na siguro ang pinakamasayang pasko ko. Kasama ko sina Daddy at Mommy. Pero sayang wala si Ate Ash. Unang Pasko din namin ni Drake na magkasama. At ito din yung unang pasko na muling magkasama sina daddy at ang long lost friend niya.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now