CHAPTER 26

68 2 0
                                    

#Aly_Meets_Bea

ALY's POV

Nagpasama si Chloe sa akin para bumili ng birthday gift daw ni Kent. Excited naman siya masyado eh parang next month pa yata yun. One week na lang ay exam na namin. Kailangan na rin pala naming magreview.

"What do you think? Ano ba magandang regalo?" tanong ni Chloe sa akin.

"Ha? Ewan ko? Ano ba hilig ni Kent? Tipong collection niya ganun. Pero sure mo na wala pa siya nun ah. Ikaw bahala ah, ikaw naman magbibigay eh. Okay na yun kay Kent."

"Hindi nga ako makapili eh."

"Hay, ewan ko ba sayo?! Excited ka naman kasi masyado girl. Parang next month pa yata ang birthday ni Kent diba. Diba nga dapat nagrereview ka na ngayon, kasi nga next week exam na natin?" sabi ko pa sa kanya.

"Aly??" maktol niya sa akin.

"Naku Chloe wag mo ako gaganyanan. Nanggigigil ako sayo ha. Dati, nagkukumahog ka na sa pagrereview, sa pagtatake notes. Taong library ka. Ngayon, niligawan ka lang naloloka na ako sayo."

"Eeh!!"

"Dalawa kayo ni Shane. Ang arte arte ha. Bilisan mo na dyan."

"Naku Aly. Ganun talaga, lahat nagbabago."

"Tsee! Ewan ko sainyo. Dumating lang si Kent sa buhay mo, nagbago na ang lahat. Ganun ba yun?"

"Alam mo, tama si Ate Ash. Ang bitter mo. Alam mo yun?" at hinampas pa ako sa braso.

"Bahala ka nga dyan. Bilisan mo na, kakain na nga lang ako ng ice cream. Mamili ka na ha." hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na nga ako.

Naglalakad na ako nang automatiko akong napahinto. Hindi ko alam gagawin ko. Tutuloy ba ako o babalik na lang kay Chloe. Kainis naman.

"Aly, Aly " si Chloe. What a relief, sumunod din pala siya sa akin. "Oh natuod ka na dyan."

Sasagot sana ako pero parang umurong ang dila ko. Pumihit na ako patalikod at hinawakan ang kamay niya.

"Aly! Chloe!" napapikit na lang ako. Huminga ng malalim saka humarap sa tumawag.

"Aly, Aly si Drake." bulong sa akin ni Chloe.

"Oo alam ko, tinawag nga tayo diba." bulong ko na lang din sa kanya.

"Kayong dalawa lang? Bakit hindi nyo sila kasama?" usisa sa amin ni Drake.

Ngumiti lang ako sa kanya at napansin ko ang kasama niya. Nakatingin lang din sa amin. Nakahawak siya sa braso ni Drake. Siya na naman ang kasama niya.

"Oo, nagpasama kasi ako kay Aly. Bibili ng pangregalo kay Kent. I mean nagtitingin pa lang kung ano ang pwede." si Chloe na ang sumagot.

"Malapit na pala birthday ni Kent no."

"Yeah."

"Aah, by the way this is my friend, Bea."

"Best friend rather." ngumiti ito sa amin.

"Yeah, best friend. And this is Chloe and Aly. Classmates ko sila at siyempre friends din."

"Hello," si Chloe. Nagwave lang ako at pilit na ngumiti.

"Hi." kumapit ito kay Drake. "Drakey, tara na. Baka mahuli tayo sa cinema eh. Bibili pa tayo ng popcorn."

Eh kung hampasin ko kaya mukha nito. Ang arte arte ha, may nalalaman pang paangkla sa braso ni Drake. Masmalala pa ito kaysa sa inarte ni Chloe ah.

I Fell In Love with my Enemy (Completed)Where stories live. Discover now