Nilingon ko si Sandro. Kunot ang noo at bahagyang galit ang mukha nito. Lumipat ang tingin ko sa banda ni Clark, nakita niya ang pagtingin ko at ngumiti lang siya at kumaway ng kaunti.
Naramdaman ko ang paghakbang ni Sandro at umambang pumasok.
"Oops! Na hatid mo na ako diba?" sabi ko sabay pigil sa kanya.
Huminga siya ng malalim at binigyan ako ng malamig na tingin. "Fine, I'm going." Walang ganang pa alam nito. Tumango at sinubukang muling tingnan siya pero hindi ko na huli ang mata niya. Tinalikuran niya ako, laglag ang balikat niya habang papalayo.
Hindi ko alam, pero parang may kumurot din sa puso ko ng nakita siyang ganun. Nagkatinginan kami habang unti-unting sumara ang elevator. Sinubukan kong ngumiti para maibsan ang hindi maintindihang pakiramdam pero parang nabigo din ako.
Wala ako sa sarili ng pumasok sa unit ko.
"Ate nag luto na ako ng dinner. Handa ko lang yung table." Bati ni Jewel. Muli kong tiningnan si Clark na nakaupo lang doon sa sofa.
"May taga hatid ka na ah!" tukso niya. Inirapan ko lang siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. Binagsak ko ang sarili sa kama.
Nakatingin lang ako sa blankong kisame at sinusubukang hulaan kung ano ang nararamdaman ko. Ngunit ilang minuto na din ang lumipas ay wala din akong nakuhang sagot.
"Naka-uwi na kaya ang lalaking yun?" tanong ko sa sarili.
Gumulong ako sa kama para abotin ang bag na nasa paanan. Kinuha ko ang cellphone at nag type ng message.
Ako:
Are you home? Text me kung naka-uwi ka na.
I click the send button.
Gusto kong pokpokin ang sarili ko ng mapagtantong mali ang ginagawa ko. I sound like a caring girlfriend. Fvck Khloe! Nasaan na yung guarded walls mo? Tuluyan na bang napasok?
Nakatulala lang ako sa cellphone. Well, wala namang masama sa text ko. Hinatid niya ako, at sinisigurado ko lang kung makakauwi siya ng maayos dahil kung may mangyari sa kanya sakin siya hahanapin dahil ako ang huling kasama niya.
"Tama!" usal ko na parang timang lang.
Wala akong natanggap na reply mula sa kanya.
Ako:
Are you home? Thank you sa paghatid.
Iniwan ko ang cellphone sa kama at nag bihis muna. Saktong pagbalik ko ay nakita ko ang pangalan niya sa screen ng Cellphone.
Sandro:
It's okay.
Parang may sariling buhay ang kamay ko na nag type ng reply ulit sa kanya.
Ako:
Nakauwi ka na?
Nahanap ko na lang ang sarili ko nag-aantay ng reply niya. Hindi na naman siya nagreply. Kinabahan na ako. May nangyari kaya? Uminom na naman kaya siya?
Ako:
Sandro!
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na mabilang kung ilang malalim na hininga na ang nahugot ko ngayong araw, kung ilang irap ang napakawalan ko. Ang daming nangyari sa araw na ito. And just earlier hinalikan niya ako at nakita pa iyon ng Mama niya.
Nag vibrate ang cellphone ko. Walang pang-alinlangan ko iyong kinuha sa gilid ko.
Sandro:
BINABASA MO ANG
CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)
FanfictionA one night mistake, Khloe Andrada woke up in unfamiliar bedroom with a man so strange to her. A man that million miles away from her. A man that is too much and near to be perfect; Sandro Marcos. They agreed in some terms before turning each others...