40

7.2K 170 11
                                    




Hindi na ako nag taka kung paano niya ako nahanap dito. He's a Marcos at may sarili siyang paraan.

Inangat ko ang sarili ko mula sa pool. May mga taong nakatingin hindi ko lang sigurado kung sa akin ba o sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang pinulopot ang braso sa bewang ko. tulutulo pa ang tubig sa katawan ko nang ginawa niya iyon.

"Shet naman Sandro! bitawan mo nga ako!" singhal ko sa kanya. Imbes na gawin iyon ay mas lalo lang himigpit ang hawak niya.

Sinubukan kong kalasin iyon pero hindi ako nagtagumpay. Naglakad kami na ganun ang ayos hanggang sa narating ko ang naiwang gamit sa upuang nakahilira sa gilid ng pool.

Agad kong inabot ang tuwalya at hinampas sa kanya. Lumayo siya dahil sa ginawa ko.

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo!" galit pa din ang ekspresyon niya. Ginulo niya ang buhok at bumuga ng hangin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay! Bakit ba na ngingialam siya sa mga sinusuot ko. "Anong gusto mo! Maligo akong naka terno sa pool!" nagsimula akong humakbang pabalik ng resort. Hindi na ako nag-abalang suotin ang cover up na suot kanina. Hindi naman siguro ganun ka judgemental ang mga tao dito.

"Khloe!" Napatigil na lang ako sa paglalakad ng kumulog ang boses ni Sandro. Naagaw nito ang atensyon ng iilang taong nasa palaigid ngunit hindi din nagtagal iyon.

Hinarap ko siya at pinantayan ang galit niyang ekspresyon.

"Is this your way to display yourself? You get so much attention!"

Umusok ang ilong ko sa narinig. Display myself? Ako lang ba ng nakasuot ng ganito dito? Buti nga at one piece lang ang suot ko.

Gusto mo man siyang sagutin ay hindi ko nagawa. I'm frustrated na hindi ko kayang maglabas ng galit. Masyadong mahaba ang pasensya ko na habang kaya ay pipigilan kong magalit lalo na at nasa pampublikong lugar kami.

Mariin akong pumikit at tinalikuran siya. Hindi ko na siya nilingon pero ramdam ko ang pasunod niya sa likod ko. Narinig ko pa ang pagbati ng mga taong siguro ay kilala siya.

Binilisan ko ang paglalakad para marating ang pinto ng kwarto ko. Bago ko pa ma isarado iyon ay humarang na naman siya.

"Let's talk, stop avoiding me."

"Hindi ba malinaw ang sinabi ko ng tumawag ako! mag-usap tayo pagabalik ko."

"I know, it's very clear but I can't let days pass without reconciling this with you. I don't even know kung kalian ka babalik. You didn't tell me nga kung nasaan ka. Then maabutan kita dito na ganyan pa ang ayos. Did you see how those boys stare with that piece of cloth you have.

Hinilamos ko ang mga palad. Gusto kong sumigaw sa matinding frustration! Bakit bumabalik ang issue sa suot ko! hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya ng ganun. Na dapat ako ang mas magalit sa kanya dahil pinaghintay niya ako and worst kasama niya si Tannika sa loob ng isang kwarto habang hinihintay ko siya.

Narinig ko na ang pagsira ng pinto. Tuluyan na siyang pumasok sa loob.

"I'm sorry if I kept you wait outside. Sorry if my people is not aware of our relationship. Tannika was there asking us to fix our relationship but I told her that I'm engage with you. That I'll marry you no matter what. I'm choosing you Khloe against all." He said full of conviction.

Umiling na lang ako. Hindi ko siya kinibo. Kumuha ako ng damit para makapagbihis ngunit muli akong natigil dahil niyakap sa yakap niya mula sa likod. Ang ulo niya ay nasa balikat ko at halos ramdam ko na ang hininga niya sa leeg ko.

CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon