Parang napako ako sa kinatatayuan. Bakit siya nandito? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng tao siya pa ang napunta dito? Napilitan lang kaya siya? Hindi rin ba niya inaasahan na magkikita kami dito? Wala kasi sa mukha niya ang pagkagulat. Habang ako naman dito ay naamag na ata.
"Sandro!" nabuhay lang ulit ako ng marinig ang malakas na tawag ni Lean sa pangalan niya. He smiled at him at bumaling akin. Napirmi ang mata niya sa akin.
"Its nice to have you here." Si Leandro ulit ang nagsalita. "How's everybody? Kamusta ang pagiging Congressman?"
"Everybody's great." His eyes is still fix on mine. "Well, I can feel a lot of pressure but it's fine."
Hindi niya inaalis ang mata sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng naramdaman ko ang kamay ni Leandro na humawak sa bewang ko. Bumaba ang tingin niya doon at muling akong tiningnan sa mata sabay ng kaunting pag taas ng kilay.
"By the way this is Khloe Andrada. Mom's assistant chief of staff. Siya ang in-charge pag wala si Tita Tricia." Pagpapakilala ni Leandro sa akin.
Sandro smirked after hearing Lean's introduction for me. "Really? You're mom has a good taste in picking her staff."komento pa niya. "Or did you personally chose her?" he added.
Tumawa din si Leandro, akala niya siguro nag papatawa lang itong si Sandro. Sa bagay hindi naman niya alam kung ano ang nakaraan namin nitong lalaking kaharap ko. Lean might take is as a joke but for me it's like he's mocking on something.
Tinapik ni Leandro ang balika ni Sandro, hindi pa rin inaalis nito ang kamay sa bewang ko. Gusto ko sanang alisin pero hindi ako makagalaw.
"Let's go." It was Cong. Legarda's voice. Nagyaya ito, para makapag-umpisa na ang ground breaking. Ginaya ako ni Lean para maunang maglakad. Habang nakasunod naman si Sandro sa likod namin which makes me more uncomfortable, parang dapat kailangan kong mag ingat sa bawat hakbang ko dahil isang maling galaw ko lang maari akong ma hulog o madapa.
I hate it!
Naupo sa harap ang mga bisita habang ako naman ay naupo sa likod ni Cong. Loren Legarda para ibagay ang kailangan niya kung sakali, kasama ko rin doon ang ibang staff niya na mula Maynila. Hindi man kami gaanong nag-uusap pero pamilyar sila akin.
Sandro is right after Cong. Loren at sa left side naman si Leandro. Ang ibang mga bisita ay mula sa din sa Maynila, may iilang local na opisyal at ang iba naman ay mga businessman na nag bigay ng tulong para maisagawa ang project na ito.
Nag simula ang programa at halos tahimik lang na nakikinig ang lahat. Habang ako naman ay wala sa sarili at natutulala na paring ewan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
"Are you okay?" medyo napatalon pa ako sa upuan ng marinig ang tanong ni Lean. Nilingon niya ako at bahagyang nakakuha naman iyon ng atensyon mula sa ibang panauhin. Napalingon din si Sandro ng marinig ang kaibigan.
Hindi ko alam kung saan ako unang titingin kay Sandro ba o kay Leandro. Kinalabit naman ni Cong. ang anak kaya nawala ang atensyon ni Lean sa akin.
"Listen to the speaker." Dinig ko pang bulong ni Cong. Loren sa kanya. Tumango naman si Leandro habang naiwang nakatingin sa akin si Sandro halos mag pantay ang mgakilay nito.
Inirapan ko lang siya dahil mas lalo akong naiilang sa ginagawa niyang pagtitig.
Congresswoman gives her speech and thank all the people behind this project. After, she called Sandro to also give his speech. Sila ang nag donate ng isang classroom na itatayo. And he's here to represent it.
BINABASA MO ANG
CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)
FanfictionA one night mistake, Khloe Andrada woke up in unfamiliar bedroom with a man so strange to her. A man that million miles away from her. A man that is too much and near to be perfect; Sandro Marcos. They agreed in some terms before turning each others...