6

7.7K 196 4
                                    


KHLOE

"Maybe you can put it there... Tapos yung carpet will be there kung saan ilalagay yung crib."

Napakamot na lang ako ng ulo sabay himas ng naumbok kong tiyan, paano ba naman kasi biglang dumating si Tita Liza dito sa unit ko at may mga kasama pa ito para tulungan kaming mag-ayos ng nursery.

"Tita you don't need to do this, masyado pa pong maaga para sa mga ganito." I said

"Ano ka ba it's okay. Its better na paglabas ng apo ko, ayos na yung room nya." She replied excitedly. "Are you sure na ayaw mo doon sa bahay mag-stay? Baka nahihirapan ka dito, wala kang kasama lalo na pag may pasok yung kaibigan mo." She added

"I'm fine po Tita, maaga naman umuuwi si Jasmine saka madalas din naman akong lumabas kasama sila Ate Cara at Xandra kaya you have nothing to worry po."

"That's nice pero mas makakampanti kami kapag nasa bahay ka. Last night tumawag si Sandro and he asked me to convince you na sa bahay na lang mag stay para na rin hindi na mahirapan sa communication. You know he got limited time dahil sa studies nya and in that case pag nasa iisang bahay tayo he don't need to divide it to for us, kasi nasa iisang location lang tayo."

"I'm really fine here Tita. If yan yong reason, he don't need to call me often na man, the baby is fine and he have nothing to worry about."

"Hindi na ba kita mapipilit?" patuloy nya pa rin akong kinokombinse

"Tita, please wag nyo ako tingnan ng ganyan."

"If this is the only way to convince you. Hindi ako titigil."

Minsan na papaisip din ako kung kanino ba talaga nag mana ng kakulitan sila Sandro. Makulit din si Tito Bong pero ngayon napagtanto ko na mas sobra si Tita Liza.

"Tita okay lang po ako dito. Saka dinadalaw ko naman kayo doon every weekend at pwede nyo naman ako dalawin dito everytime na gusto nyo." I said.

"Sige pero pag-isipan mo, you're always welcome sa bahay. You're part of the family now. All we want is what's best and safe for you and the baby."

Halos kalahating araw din ang ginugol namin sa pag-aayos ng buong nursery and it turns out very nice. Mangiyak-ngiyak pa nga ako dahil sa tuwa. Para akong ewan.

"Isn't it beautiful?" Tita Liza's voice echoed in the room

Napatango lamang ako, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"I think I should go home, baka nandoon na rin ang Tito Bong mo."

Doon ako natauhan ng muling nagsalita si Tita Liza. Masyado talaga kasi akong na overwhelmed sa kinalabas ng set up ng nursery.

Hinatid ko si Tita Liza sa pinto ng unit ko. Nagpaalam sila at nagpasalamat ako sa kanya para sa araw na ito.

Muli akong pumasok sa loob ng mawala sa paningin ko si Tita. Napaupo na lamang ako sa malambot na sofa. Minutes later bigla na lamang tununog an cellphone ko dahilan para medyo mapatayo ako sa kina uupuan ko.

(Sandro calling)

Halos mapamura na lang ako ng makita kung sino ang tumatawag! Bakit siya tumatawag! Tiningnan ko ang orasan pasado 6:00 p.m. pa lang at kung bibilangin ay tanghali doon sa London. Malamang ay lunch break ng lalaking ito kaya tumawag siya, pero bakit sakin talaga? Hindi niya ba na contact si Tita Liza? O baka naman akala niya ay nandito pa ito sa unit ko.

"H-hello" nautal pa ako.

"So how's the nursery set up? Is it nice?" he asked immediately. Malamang may idea na ito sa ginawa ng Mama nya or baka nga mag kasundo pa sila sa ganito.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. " Yeah, it is really nice."

"Can you take a picture then send mo sakin." He said

Sasagot pa sana ako ng bigla nalamang nag karoon ng pag babago sa linya namin.

Sandro Marcos is requesting for a video call

Gusto kong tumalon sa pagkakaupo ng nakita iyon sa screen ng phone ko. Bakit kailangan nya pa mag request ng video call? Mukha akong timang at ang haggard ko ngayon. Hindi ba sya na kokontento sa pag-uusap namin? O baka gusto nya lang makita nag mukha ko na ganito para may ma good time. Tsk.

Naiiritang pinindot ko ang video botton, kasi ang bastos naman siguro kung hindi ko sasagutin yun.

Lumantad ang nakangiting mukha nya sa screen with a busy people as background.

"You're home?" he asked.

Malamang obvisious naman.

"Yes, you?" wala sa sarili kong tanong, hindi ko magawang magalit sa kanya kahit kumukolo na ang dugo ko dahil sa biglaang pagtawag nya.

"I'm here in the café lunch break namin." He explained. Sabay pakita ng pagkain na nasa harap nya. It was a sandwich, hindi ko alam kung anong sandwich and a cup of coffee.

"That's your lunch?" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. "Parang hindi ka naman mabubusog nyan?"

"It's fine I have one class this afternoon kaya I can go home early and cook for dinner. I want to cook sinigang so, I think that's my dish for dinner."

"Sus! Sinigang na naman. No doubt you brought a lot of sinigang mix ng bumalik ka." I murmured

"What?"

"Wala! Sabi ko enjoy your lunch and dinner later." I said

"I will, Tannika and the rest of our friends will be there later, since it's Friday night will be catching up." Sabi pa nito.

Bahagya akong ngumiti. Kahit naramdaman ko ang munting kurot sa puso ko. Alam ko naman na hindi ko mapipigilan ang pagkikita nila ni Tannika lalo na at nasa iisang lugar sila. Pero bakit ba kasi umaasa pa ako sa mga baka sakali ngayon alam ko naman na mahal nila ang isa't-isa. Sabi ko na sa sarili ko noon na tangap ko na ang sitwasyon ko at ano ako sa buhay nya. And now hearing him na magkikita sila ng babaeng mahal nya ay sobra sakit pala, the kind of pain, that may not be direct but once na maapektuhan ka sobrang sakit.

Tumango ako sa sinabi nya. I bid my good and he ended the call.

Tinabi ko ang cellphone ko.

At hindi ko namalayan ang pagtulo ng munti kong luha.





CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon