"My gosh! Nanay mo ba talaga iyon? Bakit magkaiba ang ugali ninyo? Saka ano ba problema niya?"
Umiinom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili habang si Frank naman ay nanatili na sa loob ng opisina ko at nagpatuloy sa walang katapusang rant niya.
Hindi naman talaga ganun si Mama, she's a good mother to us. Yun nga lang simula ng mamatay si Papa nawalan na rin siya ng oras sa amin dahil sa trahabo. She need to provide us financially lalo at wala na siyang katuwang sa buhay. And for that reason I can say na naging mabuti siyang ina dahil hindi nya kami pinabayaan. She work hard to provide for us.
But everything change when she knew my relationship with Sandro and his family. Kahit kailan ay hindi niya na banggit ang tungkol sa pamilyang iyon. Kahit noong nasa Cebu pa kami. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sinugod dito sa Manila noong nasa ospital ako. From that day nalaman ko na lang na magkakilala sila. Pero hindi ako nagkaroon ng lakas magtanong kung ano ang galit na meron sila until nakalimutan ko na lang iyon. Sa araw ng pagpapakasal niya kay Tito Antonuis at nakita ko din doon ang mga Marcoses ay akala ko ayos na sila, ngunit mali pa rin pala ako.
"You should tell Sandro about this." Si Frank ulit. "Mas mabuti na makausap niya talaga yong Mama mo."
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Mama is close for this Frank. Tinaboy na nga ako eh." Sagot ko.
Umiling si Frank. Sa narinig, he patted my shoulder. "Ayusin mo na yung gamit mo. Get some rest. What happened is so exhausting." Malumanay niyang sinabi.
I look at my watch at maglulunch break pa lang. I was on leave for one week. Masyado naman atang nakakahiya kung liliban ulit ako ngayon. Kaibigan ko siya pero sa kanya pa rin ako nag tatrabaho.
"No, Frank." Protesta ko.
Pinagtaas niya ako ng kilay na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko. " Pinapa-uwi na nga kita, ayaw mo pa. Baka sugudin ako ng asawa mo at sakalin." Tumawa na naman siya na parang baliw.
Inirapan ko lang siya. Bumalik ako sa mesa ko para gawin ang naiwang trabaho pero nagsalita na naman siya.
"Jusmiyo! You're working on his profile. Mas maganda pa nga kung trabahuhin mo yan sa bahay." hirit na naman niya at muling tumawa.
Umiling na lang ako at sinubukang huwag pansinin ang presensya niya.
"Khloe Mikhail! Uwmuwi ka na kasi!" saway niya. "I'm your boss here!"
I rolled my eyes at padabog na niligpit ang mga gamit ko. Fine he wants me to go home. Edi! Uuwi. Kaso wala namang tao doon. Mas lalo lang ata akong malulungkot.
Wala akong nagawa kundi ang umuwi dahil iyon ang gusto ni Frank. Pinilit kong huwag isipin ang nangyari sa pagitan namin ni Mama habang nagdidrive. Yes, finally Sandro let me use my car. Medyo matagal na rin na hindi ko nagamit yung sasakyan ko. Simula noong nanligaw siya hanggang sa naging ganito na.
I parked my car sa basement bago tuluyang pumasok sa unit niya. Naabutan ko si Nana Belen na naglilinis ang ilang gamit sa sala.
"Oh Khloe? Ang aga mo ah? Magkasama kayo ni Sandro?" bungad niya sa akin
"Hindi po, maaga lang po talaga ako ngayon." sabi sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Tuluyan na akong pumasok at dumiretso sa kwarto.
Mag-aayos na lang ako ng ilang gamit na dinala ko mula sa condo ko. Hindi ko pa kasi lubusang nalalagay iyon sa closet niya.
Nagbihis lang ako at inayos na ang mga gamit na naiwan. Napagdiskitahan ko ring ibahin ang ilang bagay sa kwarto. Pinalitan ko ang mga kurtina pati na yung bedsheet na kulay itim at puti lang. Masyadong panlalaki. I also clean the bathroom.
BINABASA MO ANG
CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)
FanfictionA one night mistake, Khloe Andrada woke up in unfamiliar bedroom with a man so strange to her. A man that million miles away from her. A man that is too much and near to be perfect; Sandro Marcos. They agreed in some terms before turning each others...