28

8K 230 80
                                    







Pinaglalaruan ko ang ballpen sa kamay as I turn my swivel chair around. Frank and I didn't see each other because of the hectic schedule we have. We are lucky if we can take our lunch in the right time. Madaming hinahabol and kailangan tapusin, also today we're schedule for a meeting with the Marcoses and their team.

Ilang araw ko na rin na inaabala ang sarili sa trabaho pero hindi pa din mawala sa isipan ko ang eksena noong nakaraang linggo. The image of him asking for forgiveness didn't left my thoughts. Merkules ngayon, pagkatapos noon ay hindi na siya nagparamdam muli. I'm not expecting him to persue me but the idea that he confessed what he felt and the last sentence he said that sound so possessive made me thought that he might do something after but I was surprise that I didn't see nor felt his presence, after. Siguro ay sobrang lasing lang nya talaga at paggising niya pinagsisihan na niya na sinabi na niya iyon.

Nalaglag ang hawak kong ballpen ng narining ang sunod-sunod na katok sa pinto. Inayos ko ang pagkakaupo ng sumilip ang secretarya ko sa loob.

"You may come in." I commanded

Mahinhin naman siyang pumasok. Dala ang isang paper bag. Kumunot ang noo kong napatingin doon.

"Ito po yung lunch niyo Ma'am." she said sabay lagay ng paper bag sa isang coffee table malapit sa bintana.

"Kanino galing?" curious kong tanong since hindi naman usually nagdadala nhg lunch yung secretary ko kung hindi ko sasabihan. It's either I go out for lunch or magpapabili ako o ako na mismo ang bibili.

"Kay Mr. Marcos po Ma'am, dumaan po siya dito kanina at sinilip kayo." Sabi nito sabay turo sa glass window. "inabot niya po ito at sinabing ibigay sa inyo at hindi na siya papasok kasi mukhang busy daw po kayo. Dumiretso po siya sa office ni Sir Frank." Paliwanag pa nito.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng sekretarya. Kanina lang iniisip kong hindi na siya nagpaparamdam tapos bigla-bigla nagparamdam nga.

"Nasa labas lang po ako kung may kailangan kayo." Paalam nito

"Wait Kaye, alam mo ba kung ano ang sadya ni Sandro, I mean ni Mr. Marcos? may meeting din naman kami mamaya." Wala sa sarili kong tanong.

"Hindi ko din po alam Ma'am. Gusto niyo po ba na itanong ko sa secretary ni Sir Frank?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kaye. Pag ginawa ko yun mabubuko naman ako.

"No, it's okay. It's not that important. You can go."

Mabigat ang mga hakbang kong tinungo ang lamesang pinaglagyan ng nasabing lunch galing kay Sandro.

Kung kanina naiisip ko na ang gutom ngayon ata biglang umatras ito. wala sa sarili kong binuksan ang paper bag. Mabilis kong nalanghap ang laman nito. Hindi ko din naman maintindihan ngunit nanlambot ang aking mga tuhod.

Biglang sumapi ang kaninang gutom na bertud sa aking sistema! Kainis. Nilabas ko na lang lahat ng laman ng paper bag. Kompleto ito, may drinks at dessert. Inferness effort.

Hindi ko din naman naubos lahat ng pagkain pero natikaman ko lahat. Muli akong bumalik sa trabaho at hindi ko na alam kung nakaalis na ba si Sandro sa building o nandoon pa rin siya sa office ni Frank. Mahigit isang oras na rin ang lumipas kaya malamang nakaalis nay un.

Iilang katok ulit ang nagpatigil ng ginagawa ko. Sumilip si Kaye mula doon.

"Ma'am inaantay na po kayo ni Sir Frank sa basement, para sa meeting nyo sa mga Marcoses." Announcement nito.

Napatingin ako sa relo ko. alas tres na ng hapon. Nawili na naman ako at muntik ng makalimutan iyon. Niligpit ko ang gamit at sumunod at tinungo ang basement na kinaroonan ni Frank. Hindi na sumama ang sekretarya kong si Kaye dahil may kasamang secretary din naman si Frank.

CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon