BABALA: MEDYO RATED SPG
.........................................
Friday ngayon at wala na namang pasok bukas. Maaga pa akong dinalaw ni Frank dito sa opisina kanina para yayaing lumbas mamayang gabi. Napansin kong busangot siya kanina. Malamang ay may pinagdadaanan na naman.
Inayos ko ang mga gamit ko para makauwi na. Hindi ako masusundo ni Sandro ngayon dahil may importanteng meeting daw ito at baka matagalan daw siya doon. Hindi man ako nasundo ay hindi pumalya ang pagpapadala niya ng bullaklak. Pinagsabihan ko na dahil hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay lahat ng pinapadala niya. nag mumukhang flower shop na ang unit ko at ang office ko.
Tuluyan akong lumbas ng office nandoon pa si Kaye sa table niya at napansin ang paglabas ko.
"Uuwi na po kayo Ma'am?" magalang na tanong niya.
Tumango ako. "Wala na din naman akong ginagawa."
Diretso ang lakad ko patungo sa basement kung saan nakaparking ang sasakyan ko hindi na nakaalis ito doon, simula ng ihatid sundo ako ni Sandro.
Medyo maaga pa sa uwian kaya hindi masyadong traffic. Mabilis kongnarating ang condo ko. Magpapahinga lang ako saglit at pagkatapos ay mag-aayos na para sa lakad namin ni Frank.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Madilim na sa labas pag gising ko. I check my phone at biglang kinahaban dahil sa napakaraming missed calls mula kay Frank. Meron din kay Sandro.
Ala syete na at usapan namin ni Frank ay alas otso. Mabilis akong kumilos at nag-ayos. Magdidrive pa ako at sana ay hindi traffic gayong sa tingin ko ay malabo naman iyon dahil sa rush hour ng mga ganitong oras.
Hawak ko ang dibdib ng marating ang lugar na pagkikitaan namin ni Frank nandoon na siya nag-aantay at busangot pa rin ang mukha.
"Sorry, I'm late nakatulog kasi ako." paliwanag ko, pero parang wala lang siyang narinig.
Tinalikuran lang niya ako at diresto ng pumasok sa loob ng bar. Konti pa lang ang tao dahil hindi pa lumalalim ang gabi.
"Ano bang problema mo at nagyaya kang lumabas?" tanong ko sa kanya.
Parang hangin lang ako sa harap niya, hindi niya ako pinapasansin at sumimsim lang siya ng alak na inorder.
"Hoy! Aveno! Hindi mo ba ako sasagutin sa mga tanong ko sayo? Kanina pa ako nag sasalita hanbang ikaw wala namang imik jan. Anong rason na niyaya mo ako dito at hindi lang din pala kakausapin." I ranted
Huminga siya ng malalim at tiningnan ako ng masama ngunit unti-unti itong nagbago at nakita ang pamumula ang mga mata niya habang namumuo ang nagbabadyang luha.
Lumambot ang puso ko sa nakita. Nagsisi ako kung bakit ko pa siya pinagalitan ng hindi niya ako kinakausap sana pala hindi ko na lang siya pinilit. Marahan kong hinaplos ang balikat niya para pagagaanin ang loob niya pero tuluyan na siyang umiyak.
"Niloko niya ako!" iyak niya. Kumunot ang noo ko pero niyakap ko pa rin siya. "Alam ko naman na mas pipiliin niya ang babae kesa sa gaya ko pero ang sakit!" mas lalo ata mumalas ang iyak niya. ngayon ay pinagtitinginan na kami ng mga taong nakarinig.
"Ano ba kasi ang nangyari? Kaibigan mo ako pero wala ka man lang sinabi sakin tungkol diyan kaya hindi ko maintiindihan." Sabi ko. hinarap ko siya sa akin.
BINABASA MO ANG
CHANCES OF FATE: Sandro Marcos (COMPLETED)
FanfictionA one night mistake, Khloe Andrada woke up in unfamiliar bedroom with a man so strange to her. A man that million miles away from her. A man that is too much and near to be perfect; Sandro Marcos. They agreed in some terms before turning each others...