FOURTWELVE
Chapter 1
Mukhang mainit pa rin ang ulo sa kanya ng maganda niyang asawa. Hindi pa naman niya magawang manuyo rito dahil abala pa siya sa lupa ni Isabel na binili nila. Alam din naman niyang pagod ito at maraming iniisip lalo pa at nasa ospital ang Lolo nito.
Plano naman niyang sabihin dito ang ginawa niya, sumabay nga lang ang pagkakasakit ng Lolo nito. Hahayaan niya munang lumamig ang ulo nito at kumalma bago niya ito suyuin. Ngayon kasi ay ipinagtatabuyan pa siya nito.
Sa totoo lang ay kinabahan siya nang sabihin siya nitong ayaw na siya nitong makita.
Iniisip niyang baka naman buntis ang asawa niya at pinaglilihian lang siya. Ganoon kasi ang sabi ng mga matatanda sa probinsya. Kapag laging galit ang asawa sa iyo ay malamang na ikaw ang pinaglilihian.
Nagpasya siyang umuwi muna sa bahay para ikuha ito ng gamit at para makapagbihis na rin siya. Ang bahay nito ang itinuturing na rin niyang bahay niya kapag nasa siyudad sila.
Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumaba na siya.
Napakunot ang noo niya nang may makitang maleta sa labas ng bahay nito. Pamilyar sa kanya ang dalawang malaking maleta.
Napatanga siya nang mapatunayan niyang kanya ang mga iyon. Mabils niyang binuksan ang mga ito at tumambad sa kanya ang mga damit at gamit niya sa loob.
Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. Inilabas ni Lauren lahat ng gamit niya. Mukhang talagang galit na galit ito sa kanya.
Pinapalayas siya nito.
Kinuha niya ang susi sa bulsa at binuksan ang pintuan ng bahay nito. Nakalimutan yata ng asawa niyang may susi siya ng bahay. Ipinasok niya sa loob ang mga gamit niya dahil hinding hindi naman siya lalayas. Kahit anong gawin nito ay hindi siya aalis. Hindi niya ito iiwan.
Umaasa naman kasi siyang lilipas din ang galit nito sa kanya. Mahal naman kasi siya nito.
Nagpasya na lamang siyang ayusin ang mga gamit niya pabalik sa cabinet at maglinis na rin ng bahay. Halos dalawang linggo na rin kasi itong hindi nalilinis.
Napangiti siya nang makita ang painting niyang nakasabit sa pader. Wala ng pag asa ang gago nitong lawyer.
-
“Hindi mo yata sinasama si Lauren dito nitong mga nakaraan?” Tanong ni Esso sa kanya. Kumuha siya ng beer mula sa ref ng restaurant at binuksan iyon.
“Abala sa pag aalaga sa Lolo niya saka galit sa akin.” Simpleng sabi niya.
Natawa naman ang kapatid niya.
“Ano namang ginawa mo at nagalit sa’yo?” Tanong ni Esso sa kanya.
“Basta. H’wag ka ng magtanong at hindi ka naman kasali. It’s between me and her.” Sagot niya at tinungga ang beer.
“Bahala ka.”
“Kailan manganganak si Pia?” Pagbabago niya sa usapan.
“Sa katapusan ang due date niya.”
“Saan ba manganganak? Dito ba o sa Poblacion?”
“Dito, narito ang Doktor niya, sa katapusan ay may pamangkin ka na.” Nakangising sabi nito sa kanya.
Napatango siya. Kitang kita niya sa kapatid niya na excited na ito. Kumikislap ang mga mata nito sa tuwing pag uusapan si Pia at ang magiging anak nila.
-
Bumalik siya sa ospital para puntahan ang asawa niya pero wala ito nang dumating siya. Tanging ang personal nurse lamang ang naroon.
![](https://img.wattpad.com/cover/163038821-288-k181133.jpg)
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.