Chapter 19

20.9K 745 187
                                    

FOURTWELVE

Chapter 19

“Anak, h’wag naman muna malikot, please.” Pakisuyo niya sa anak na malapit ng magdalawang taon. Kasalukuyan niya itong binibihisan para sa napaka importanteng araw. Kung may award lamang sigurong ibibigay sa palikutan ng anak ay baka panalo na silang mag asawa.

“Da, da.” Bigkas ng anak niya kasabay ng pagbibigay nito sa kanya ng uppercut.

“Brenn, please naman. Baka mauna pa ang Mimi mo sa simbahan lagot si Dada.” Pakisuyo niyang muli kahit hindi siya sigurado kung naiintindihan ba siya ng anak. Imbes na magpabihis ito sa kanya ay bumaba ito sa kama at nagtatatakbo sa loob ng silid.

Bumukas ang silid ng kwarto at iniluwa niyon ni Esso na hawak ang ikalawang anak nitong babae na si Machi. Kasing edad ito ng anak nila ni Lauren.

“Bakit di ka pa nagbibihis?” Tanong ni Esso.

“Malikot itong anak ko, ayaw magpabihis.” Sabi niya at napakamot na lang siya ng ulo.

“Chino, ako ng bahala kay Brenn, magbihis ka na.” Si Esso.

“Sige, salamat.” Sagot niya sa kapatid at kinuha ang damit na naka hanger sa closet.

Isinuot niya ang barong tagalog at ang itim niyang pantalon.

Nang lumabas siya ang hindi niya napigilan ang matawa dahil nag papambuno na sa sahig si Esso at ang anak niya habang si Machi ay nakaupo na sa sahig na nilalaro ang sintas ng sapatos niya.

“Chino, pinalunok mo ba ng asukal itong si Brenn? Bakit ganito ka-hyper?”  Tanong ni Esso at hindi nito masuotan ng pantalon ang anak niyang mukhang tuwang tuwa na nahihirapan sila.

“Brennivín Arvesu.” Tawag niya sa anak niya at tinapik ang tabi ng kama pero tiningnan lamang siya nito.

Iyon ang naging pangalan ng anak niya dahil nanalo siya sa pustahan nilang mag asawa. Nagpustahan sila sa isang tennis match na napanuod lamang nila sa TV, ni hindi nga nila parehong kilala ang mga manlalaro. Base sa usapan nila, kung mananalo siya ay siya ang magpapangalan, kung ito ang mananalo ay ito naman ang magpapangalan at gaya ng plano niya ay ipinangalan niya sa alak ang anak niya. Payag naman ang asawa niya, siguraduhin lamang daw niyang matino iyon.

“Anak, tatawagan ko na ang Nanay mo, malikot ka masyado. Magsusumbong na talaga ako.” Sabi niya at tumigil sa paglilikot ang anak niya at sumandal sa pader.

“Tangina, dapat kanina mo pa sinabi ‘yan. Iyan pala ang magic word sa anak mo.”

“H’wag kang magmura, gago!”

“Go, go, go! Tay, go!” Sabi ni Machi at naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

“Ayan, si Machi ang gumaya sa ‘yo.” Sabi ni Esso.

“Halika rito, Brenn.” Tawag niya sa anak at lumapit ito sa kanya ng dahan dahan pero nakangiti itong pilyo at alam na niya iyon. Mananakbo na naman ito kaya inagapan niya at hinuli niya kaagad ito.

“Pupunta tayo kay Mimi kaya behave ka na.” Sabi niya rito at madali niyanh sinuotan ng barong ang anak. Nang matapos ay isinuot niya ang sapatos nito.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon