Chapter 17

13.4K 525 48
                                    

FOURTWELVE

Chapter 17

Lalabas na sana siya ng opisina ng asawa niya nang pigilan siya nito.

“Akin ‘yang bulaklak diba?” Sabi nito at tumango siya. “Leave it, it’s beautiful.” 

“Okay.”

Kinuha nito iyon sa kanya at inilagay sa vase roon. Nang mailagay nito iyon ay tumingin ito sa kanya, huminga ito ng malalim at bumalik lang sa trabaho.

Iniisip niya kung aalis ba siya o mananatili roon. Ang cellphone niya ang nag decide para sa kanya nang mag ring iyon at galing sa opisina niya ang tawag. Nagpaalam siya sa asawa maski galit ito sa kanya. Tumango naman ito sa kanya.

-

“Tinawagan ko si Lauren, may bago kaming recipe ni Esso, siya naman ang patitikimin namin.” Sabi ni Julian.

“Anong sabi?”

“Pupunta raw dito mamaya.”

“I see, hihintayin ko na lang siya rito.”

“Kagalit mo raw ulit.” Sabi ni Julian at nagtawa ito. Gusto niyang sapakin ng isa ang lokong ito.

“H’wag ka kasing babaero.” Sabi ni Julian at parang lalo lamang siyang napupundi sa mga ito.

“Hindi ako babaero.”

“E bakit nakita ka sa Singapore na kasama mo na naman iyong artista? Tsk tsk, isa lang kasi dapat, brad.”

“Hindi ko babae ‘yon at wala akong babae.” Sabi niya at sinamaan ng tingin ito.

“Biro lang p’re. ‘To naman.” Sabi nito bigla at tinapik ang balikat niya.

-

Napalunok siya nang makita niya ang asawa niyang pumasok sa restaurant. Hindi naman siya sinamaan ng tingin nito, hindi lang talaga siya binigyang pansin.

Naupo ito sa may malapit sa bintana kung nasaan naroon sila Jules at si Rachel at Pia.

Hinikit naman siya ni Esso papunta rito at isa isa namang nagtayuan sila Pia roon at naiwan silang mag asawa.

“You two should talk, walang aalis d’yan nang hangga’t hindi kayo nagkakasundo, kami na ang naiinip sa inyong dalawa, madalas kayong mag kaaway.” Sabi ni Esso at pareho silang napatingin dito.

Lumayo naman si Esso pero ang mga ito ay nakapanuod pa rin sa kanila. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.

“I’m sorry, but believe me or not wala akong babae, hindi ako nambababae noon at ngayon.”

Hindi ito umimik bagkus ay humalukipkip lang.

“Gaya ng sabi mo wala na tayong pakinabang sa isa’t isa kung negosyo lang din ang usapan. You’re right. I’m not doing this for our business, ginagawa ko ito dahil mahal kita.”

Nakita niyang naging malikot bigla ang mga mata ng asawa niya, naging uneasy ito sa upuan nito bigla.

“I’m in love with you so please don’t give up on me. H’wag mo akong layasan sa tuwing galit ka sa akin. Mag usap muna tayo but don’t run away from me.”

“Lauren, tikman mo muna itong cake na bago rito, si Esso ang magaling sa desserts pero sinubukan ko lang gumawa n’yan.” Si Julian at naglapag ng platito sa harap nilang mag asawa. Napaangat naman sila ng tingin dito dahil bigla na lamang itong sumulpot.

“Julian! Nag uusap sila!” Si Jules iyon na pinandilatan ng mata ang katipan.

“Oo nga, kaya nga binigyan ko ng makakain kasi ni wala man lang kahit ano sa harapan nila.” Sabi ng kaibigan niya.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon