Chapter 5

11.6K 482 51
                                    

FOURTWELVE

Chapter 5

Nang pumasok siya sa restaurant ay naramdaman niya kaagad ang kakaibang klima. Hindi rin siya binabati ng mga partners ng mga kaibigan katulad ng pangkaraniwang ginagawa ng mga ito.

Dumeretso siya sa kusina dahil palagay niya ay naroon si Esso.

“Anong meron? Bakit parang sinusupladahan nila ako?” Tanong niya sa kapatid.

“Nino?” Sagot nito.

“Ng mga girls, sila Jules.” Sabi niya.

“Ah, nalaman yata nila kung bakit galit sa’yo si Lauren kaya ganyan sila ngayon.”

“Pati sila galit na rin sa ‘kin?” Maang na tanong niya.

“Alam mo naman ang mga iyan. Matindi kung magkampihan, kaya dapat hindi nakakagawa ng kalokohan ang isa man sa atin dahil yari tayong lahat kapag nagkataon.” Natatawang sabi pa ni Esso habang napailing naman siya. Hindi na nga siya pinapansin ng asawa niya ay hindi rin siya pinapansin ng mga kaibigan nila. Nagtungo na lamang siya sa sink at nagsimulang maghugas ng pinggan.

Nang matapos siya sa may sink ay umalis din siya kaagad sa Black Water.

Pumunta siya sa café ng asawa at palihim na pinanuod ito. Pumarada siya sa tapat, hindi kalayuan sa café para maiwasang mapansin nito. Mukhang kulang ito sa tauhan dahil maski ito ay nasa loob ng counter at kumukuha ng orders customers. Saan kaya nag oorder ng kape ang asawa niya? Sa farm ba nito kinukuha ang coffee beans? Hindi niya iyon naitanong sa staff noong nakaraang nagpunta siya.

Nakangiti ang asawa niya habang naroon ito. Mukhang nag eenjoy ito sa ginagawa nito.

God, how he missed her.

Gustung gusto na niyang lumapit dito at yakapin ito.

Namimiss din kaya siya nito?

Nasa ganoon siyang kaisipan nang tumunog ang cellphone niya.

Kailangan daw siya sa farm dahil nay kaunting problema. Sa farm ng asawa niya. Sumulyap muna ulit siya ng isa sa asawa bago umalis.

-

Nang dumating siya sa farm ay may mga matatandang naroon na ayaw mag trabaho. Nang tanungin niya ang nga ito kung ano ang dahilan ay dahil daw hindi na raw pala sa Cosiarelli nagtatrabaho ang mga ito.

Nag dedemand ng paliwanag ang mga ito mula sa kanya.

Kita niyang dismayado ang marami, lalung lalo na ang mga matatanda nang sabihin niyang siya na ang namamahala ngayon.

Tinanong siya ng mga ito kung sino ba siya at nang sabihin nang isa sa mga ito na asawa na niya si Lauren ay parang lalong nagalit sa kanya ang mga ito. Napahaplos siya sa  leeg niya dahil doon.

Halatang ayaw ng mga ito sa kanya. Noong una kasi siyang ipakilala ni Lauren sa mga ito ay ang sinabi lamang nila ay makakatulong siya roon. Mukhang ayaw ng mga ito na magtrabaho sa kanya, mga loyalista pala ng asawa niya ang mga naroon.

Nakikipag usap pa siya sa mga ito nang may sasakyang dumating, Lauren iyon. Napatitig siya nang bumaba ito sa driver’s seat. Nagmamaneho na rin ang asawa niya, noong huli ay hindi pa ito sanay pero ngayon ay mukhang nasasanay na itong magmaneho.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon