Chapter 10

11.1K 440 43
                                    

FOURTWELVE

Chapter 10

Nang nasa simbahan na sila ay hindi siya tumabi sa asawa. Sumulyap siya rito at mukhang ini-enjoy naman nito ang sarili. Naroon lamang siya sa gilid at nakatingin sa mga ito.

Inabutan siya ng kandila ni Esso at ganoon din sila Julian. Pinalapit sila nito sa unahan kaya tumabi sila rito at nasa pamangkin ang atensyon nilang lahat.

Umiyak ng malakas si Kaldi nang buhusan ito ng holy water.

“Ayaw yatang maging Katoliko ng anak mo, Esso.” Sabi niya rito at sinamaan siya ng tingin ng lahat ng nakarinig sa kanya. Maging ang asawa niya ay nakita niyang umirap sa kanya.

Umatras na lamang siya at nanatili roon.

“Hindi ko na pala pwedeng kuhaning Ninong si Esso.” Sabi ni Jacob.

“Ang huling magkakaanak kawawa naman, wala ng makukuhang Ninong at Ninang.” Sabi ni Pipo.

“Hindi ako ‘yon, magiging tatay na ako.” Sabi ni Jacob at parang biglang nag isip si Pipo at si Julian.

“P’re, si Chino talaga ‘yon. Huling magkakaanak ‘yan.” Sabi ni Julian. Mukhang pinagkakatuwaan na naman siya ng mga ito. Hindi naman siya kumibo at pinabayaan lamang ang mga ito.

“Bakit di mo pala lapitan si Lauren?” Tanong ni Pipo sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Wala siyang ganang makipag usap kaya’t nagkibit balikat na lamang siya.

Palalamigin na lang muna niya ang ulo nito. Ni hindi ito tumitingin sa gawi niya at napabuntong hininga na lamang siya.

-

Nang natapos ang binyagan ay dumeretso na ang mga ito sa bahay ng mga magulang nila. Habang nagpaalam naman siya kay Esso na mauuna na siyang umalis. Sinulyapan niya muna ang asawa niyang buhat buhat ang pamangkin niya bago sumakay sa sasakyan at umalis sa lugar.

-

Pagkagaling sa bahay ay dumeretso siya sa bahay niya para mag impake ng mga gamit niya. Nag book siya ng flight papuntang Singapore dahil may kakausapin siyang tao roon. Una pa lamang naman ay plano na niyang mag export ng kape sa mga kalapit bansa.

-

Dalawang araw na siyang nasa Singapore at pagod na siya. Pakiramdam niya ay isang linggo na siyang naroon. Naghihintay na lamang siya sa pagpirma ng kontrata at kasado na ang idinayo niya roon.

May message sa kanya si Esso, tinatanong kung kailan siya uuwi.

Kasabay ng tanong ni Esso ay ang updates din sa kanya ng mga katulong niya sa Cosiarelli – Arvesu. Tinatawagan na rin siya ng Tatay ni Lauren dahil nalaman na nito ang ginawa niyang pagbawi sa Cosiarelli.

That old man must be furious.

Nag tatype siya ng reply dito nang pumasok ng conference room ang kausap niya dala ang kontrata. Ibinulsa na niya ang cellphone ang nagkapirmahan na sila.

-

Sa restaurant siya unang nagpunta nang makauwi siya.

“Almusal, isang mabilis na almusal.” Sabi niya sa kapatid.

He’s exhausted. Pagod siya pero hindi siya pwedebg tumigil. Ang dami niyang pinasok na hindi niya pwedeng basta basta labasan.

“Hindi mo sinasagot ang mga message ko sa’yo.” Sabi nito.

“Nakalimutan kong sagutin ang message mo, gusto ko ng almusal.”

“Ito na nga, gagawa na. Kumusta pala ang lakad mo?” Tanong nito sa kanya at inabutan siya ng kape.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon