Chapter 6

11.2K 504 110
                                    

FOURTWELVE

Chapter 6

Lumapit siya nang makita niyang umiinom na rin ang asawa niya. Inabutan kasi ito ng alak ng mga naroon at kinuha naman nito iyon.

"Hey, slow down." Sabi niya rito at inilayo na rito ang baso nito.

"May flavour 'yung lambanog." Sabi nito at suminok.

"Hinay hinay lang." Sabi nito at tumango naman ito.

"Sabi nila wala raw hangover 'to."

"Wala nga pero wag ka pa rin uminom ng marami." Sabi niya rito.

"Okay." Simpleng sagot nito habang nakatingin ito sa basong inilayo niya. "Hanggang anong oras ba tayo rito? Gusto ko ng umuwi." Sabi pa ng asawa niya.

"Hindi ko alam kung anong oras tayo paalisin ng mga narito, mukhang natutuwa pa sila na narito tayo."

Tumango ito. Nilapitan naman sila nang isa pang naroon at muling inabutan ang asawa niya ng alak.

"Tama na po, baka malasing si Lauren." Sabi niya at ngumiti rito.

"Teka, buntis ba itong si Ma'am Lauren?"

"Huh?" Nasambit niya.

"Hindi po ako buntis." Sagot ni Lauren at ngumiti rito.

"Naku, Ma'am magandang magbuntis na kayo dahil hindi na rin kayo bumabata, baka mahirapan kayo sa susunod." Sabi nito at pareho naman silang napatingin sa isa't isa at pareho ring napaiwas kaagad.

Dinampot niyang muli ang baso nito at dinala iyon sa bibig niya. Kinailangan niya ng maiinom.

-

Nagpasya na silang umalis makalipas ang isang oras. Wala na rin naman ang ibang mga tao r'on at nag alisan na rin.

"I'll drive you home." Sabi niya rito.

"Hindi naman ako lasing."

"Kahit pa, nakainom ka pa rin, delikado."

"Ikaw din naman." Sagot pa nito. Napataas ang kilay niya at isang gilid ng labi niya. Hindi na siya sumagot at tinungo na lamang niya ang ang sasakyan niya. Nakasunod naman ito sa kanya.

Ipinagbukas niya ito ng pinto at sumakay ito roon. Hindi pa man sila nakakalabas ng highway ay tulog na kaagad ito. Tumingin siya rito at napangiti na lamang siya.

Inabot niya ang kamay nito at nilapatan iyon ng halik bago bitiwang muli.

-

Malapit na sila sa bahay nito nang magising ito.

"Bababa na ako." Sabi nito.

"Doon ka na mag stay sa bahay." Sabi niya.

"Hindi na."

"Malapit na rin naman isa pa ay gabi na."

"Okay lang."

"Look, kung ayaw mo dahil naroon ako ay aalis ako, ako na lang ang aalis kaysa naman ikaw pa, narito na rin lang naman tayo sa bahay mo." Sabi niya at hindi na naman sumagot ito.

Inihinto niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada at binuksan ang gate ng bahay.

Pumasok ito at sumunod siya sa loob.

"Akala ko ba aalis ka?" Tanong nito.

"May kukunin lang ako, Misis. Hindi mo ako kailangang itaboy." Pagbibiro niya at nakita niyang sumimangot ito at bahagyang tumaas ang kilay.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon