FOURTWELVE
Chapter 4
“No.”
Flat “no” ang sagot sa kanya ni Mr. Alivia nang sabihin niya ritong gusto niyang bawiin ang Cosiarelli. Napapikit siya sa sagot nito. Mukhang hindi rin nito nagustuhan ang nais niyang mangyari.
“Please consider it, I need it back for my wife.” Sabi niya rito.
“You sold it, you should’ve talked to your wife before you sold it to me.”
Tama naman ito. Oo na, tama na silang lahat at mali talaga siya.
“Sir, please, you may have some top up from the original price.”
Pinagtawanan siya nito at alam niya kung bakit, parang gago nga naman siya sa ginagawa niya. Hindi naman ganito dapat ang nangyayari.
Nakuha niya ang gusto niya, nawala nga lang ang Misis niya.
Putangina, hindi niya ibinaba ng ganito ang sarili kailanman.
“Miss Cosiarelli must be really pissed. I still wonder why she married you. She’s nice, warm and kind, she’s truly passionate and you’re the perfect opposite of her. You’re cunning and greedy, just like me. We’re the worst kind, using women to our disposal.” Tumatawang komento ng matanda sa kanya.
“Hindi ko siya ginamit. She’s my wife.”
“Still, you used her.”
“I’m just trying to win her back.”
“Buying back her company won’t be enough.” Sabi ng matanda. “But I’ll think about it. Ikaw ang may sabing pwede akong magpatong ng presyo.” Sabi ng matanda at tumango naman siya.
“We businessmen always think of our money first, letting our personal lives and true happiness suffer.” Sabi pa nito sa kanya.
“We maybe part of rival companies but I wish you and your wife the best, hijo.”
Nakipagkamay siya rito at tumayo na. Tatawagan daw siya nito kapag nakagawa na ito ng desisyon, palagay niya ay matagal tagal pa ang hihintayin niya para magbaba ito ng desisyon.
-
Matapos niyang makipag usap sa Le Café ay pinuntahan niya sa ospital ang Lolo ng asawa. Ayon sa Doktor ay mas maganda ang ipinapakita ng Lolo nito na mga senyales. Tiyak niyang matutuwa si Lauren.
Nag ring ang cellphone niya. Si Esso iyon.
"Bakit?" Tanong niya.
"I'm driving. Papunta r'yan sa ospital, manganganak na si Pia." Sabi nito.
"Akala ko ba sa katapusan pa ang due date?" Tanong niya.
"Aba, malay ko! Lalabas na raw ang panganay ko."
Sumasakit na raw kasi ang tiyan ni Pia at mukhang manganganak na talaga ito.
Nang bumaba siya ay sakto namang nakita niya si Martha r’on sa ospital. Agad niyang nilapitan ito at sinabihan na paparating nga si Esso at si Sophia. Madali namang nagpahanda si Martha nang mga gagamitin nila.
Ilang minuto lamang ay dumating na roon si Esso na buhat na si Sophia, mukhang manganganak na nga ang hipag niya.
Gusto niyang maawa sa kapatid niya dahil mukhang aligaga na ito, habang si Sophia ay mukhang kalmado pa rin.
“Kaldi is about to come out.” Sabi ni Sophia, nakukuha pa nitong ngumiti.
“Yes, babe. Our eldest is getting impatient.”
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.