Chapter 11

11.9K 485 48
                                    

FOURTWELVE

Chapter 11

“I’m going to hire them all back.”

Napangiti siya sa message ng asawa sa kanya. Hindi ito nagtatanong o nagpapaalam, sinasabi nito kung ano ang gagawin nito.

“Sure, no problem.” Sagot niya rito. Mukha naman kasing maski hindi siya sumangayon ay gagawin nito ang gusto nitong gawin.

“Lalabas na pala si Lolo later, drive for him. Ikaw ang gusto niyang mag drive para sa kanya.”

“Okay, pupunta ako ng ospital mamaya. Where are you? Susunduin na rin kita.”

“Pupunta rin ako sa ospital mamaya so there’s no need to pick me up.”

Muli siyang napangiti. Sinusupladahan siya nito at alam niyang nakataas ang kilay nito habang nag rereply sa kanya, pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay sinasagot na nito ang nga message niya.

“Susunduin na rin kita para sabay na tayo papunta ng ospital. Where are you?”

“Nasa office ako ngayon then pupunta ako ng café pagkatapos ko rito.”

“I’ll call you later.”

Hindi na ito sumagot pero natutuwa pa rin siya. Unti unti ay nagiging maayos sila.

-

“Tito Chino!” Si Esso na buhat si Kaldi. Pumunta siya sa bahay nito para nakipaligo.

“Hello, little guy.” Sabi niya sa pamangkin na nakatingin sa kanya. Iniabot ito sa kanya ni Esso at marahan naman niyang kinuha ang pamangkin.

“Hindi ka na natulong sa restaurant.” Sabi nito

“Busy lang ako.”

“Marami ka ng huhugasan na pinggan doon.”

“Ikaw na ang nag hugas, alangan namang iaasa mo pa sa akin ‘yon.”

“Gusto ko’y taga hugas pa rin kita ng pinggan, brad.” Sabi nito at ngumisi.

“Gago.”

Tinawanan lamang siya nito.

“Nasaan pala si Pia?” Tanong niya rito.

“Nasa supermarket lang, may binibili lang.” Sabi nito.

“Bakit di mo sinamahan?”

“Ayaw magpasa eh, magtatagal pa raw kami kung sasama kami ni Kaldi eh kaunti lang naman ang bibilhin niya.”

“Ah. Teka, kuhanin mo muna itong anak mo at maliligo ako, susunduin ko pa si Lauren.” Sabi niya at ibinibigay ang anak dito.

“Ihiga mo na muna r’yan sa latag si Kaldi at hindi pa naman mananakbo ‘yan.” Sabi nito at sinunod niya naman ito. “Mukhang ayos na kayo ni Lauren.”

“Medyo.” Sagot lang niya rito at ngumiti rito.

Nang lumabas siya ng banyo ay naroon na si Sophia at nangungusina na ang mag asawa habang tulog na sa sala ang pamangkin niya.

Nagpaalam lamang siya sa mga ito at lumakad na.

-

Nang tawagan niya ang asawa ay ang sabi nito ay nasa café ito.

Nang iparada niya ang sasakyan sa labas ng café ay lumabas na ito kaagad at sumakay sa unahan ng sasakyan.

“Bilisan natin, gusto ng lumabas ni Lolo kahapon pa.” Sabi nito sa kanya at tumango siya rito.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon