FOURTWELVE
Chapter 7
Tumawag sa kanya si Mr. Alivia at napatayo siyang bigla mula sa kinauupuan. Gusto raw siyang makausap nito tungkol sa pagbili niya ulit ng Cosiarelli. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at madaling nagpunta sa opisina nito.
Nang dumating siya roon ay agad niyang binati ang matanda.
“Ang sabi mo ay pwede akong magdagdag ng presyo.” Tanong nito at uminom ng kape.
“Yes.” Sagot niya.
“Hmm, papaano kung gusto kong triplehin ang presyo?” Tanong nito at napalunok siya. Masyadong malaki ang ilalabas niyang pero kung triple ang hihingin nito.
Hindi pa man siya tumatawa ay humalakhak na ang matanda.
“For Miss Cosiarelli, I’ll give it back to you. Magsaulian na lamang tayo.” Sabi nito.
Napakurap siya sa sinabi nito.
“Really?” Tanong niya.
“The truth is I don’t want to do this but my wife wants me to return it to you. Women, they’re all suckers for romance.” Sabi ng matanda.
Nag usap pa sila kung ano ang gagawin nila at nagpunitan na lamang sila ng deed of sale.
Napangiti na lamang siya at nagkamay silang dalawa.
-
Dumating siya sa may café at sinilip ang asawa roon. Napasimangot siya dahil nakita niyang kausap ng asawa niya ang lawyer nito. Nakaupo ang dalawa at nagkakape. Tumayo na naman ang lawyer nito at lumabas na ng café. Mabuti naman, dahil kung magtatagal pa ito roon ay baka kung ano ang gawin niya.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay may staff na lumabas sa café at naglakad papunta sa direksyon niya.
Napalunok siya nang tumigil iyon sa tapat niya at kinatok ang bintana niya.
Ibinaba niya ang bintana at tumingin dito.
“Bumaba raw po kayo sabi ni Ms. Lauren.” Sabi nito sa kanya at tumango siya. Bumaba na siya ng sasakyan at sumunod dito.
-
Nakataas ang kilay sa kanya ng maganda niyang asawa nang pumasok siya sa loob ng café. Nakatingin naman sa kanilang dalawa ang mga staff doon.
“You ditched me the other night, you left me alone in bed.” Bungad niya rito at mukhang hindi nito inaasan ang sinabi niya. Namula ang mukha ng asawa niya.
Agad itong nagpalinga linga at pinandilatan siya. Nag iwas naman ng tingin ang mga staff na nakatingin sa kanila.
“Shut up!” Singhal nito sa kanya at hinikit siya papunta sa may sulok.
“You’re watching me.” Sabi nito at humalukipkip.
“Yeah.” Amin niya.
“Why?”
“Gusto ko, I missed you. Gusto kitang makita and I enjoy watching you. You did great here.” Sabi niya at inilibot ang mga mata sa paligid.
Hindi ito umimik at nagbuntong hininga.
“Anyway, iniwan mo ako n’ung nakaraan. Pag gising ko ay wala ka na at nag iisa na ako sa kama.” Sabi niya rito.
“So? Pwede naman akong umalis kung kailan ko gusto.” Irap nito sa kanya.
“Oo nga, pero nagpaalam ka man lang sana.”
“Bakit pa? We only had sex lang naman.”
Siya naman ang napaamang dito. She kept on surprising him sa mga sagot nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.