FOURTWELVE
Chapter 15
Sa reception ng kasal ay napansin niyang parang inaantok na ang asawa niya. Maaga pa naman pero kanina pa ito humihikab.
Maingay sa paligid at marami pang tao sa dance floor, mga teenagers, bata at mga matatanda ay mukhang nag eenjoy sa sa kasiyahan.
Kanina pang lamang ng gitna ang Nanay ni Pipo at tinuturuan na yatang mag ball room si Martha. Gusto nilang matawa dahil halata sa mukha ng asawa ni Pipo na napasubo ito.
Nakita niyang napayukong bigla ang asawa niya. Mukhang babagsak na ito ng dahil sa antok anumang oras.
“You okay?” Tanong niya rito.
“Yes, inaantok lang ako. It’s been a long day. Ang daaming last minute preparation kaya feeling ko gustong mag rest ng katawan ko, but I’m fine.” Sabi nito.
“Gusto mo umuwi na tayo?” Tanong niya rito at hinaplos ang pisngi nito. Umakbay na rin siya rito at ihinilig ito sa balikat niya.
“No, enjoy yourself. Sige lang.” Sabi nito sa kanya at humalumbaba sa lamesa saka pumikit. Inalis niya ang pinggan at baso sa harap nito dahil baka bumagsak ang asawa roon. Madisgrasya pa.
“Are you sure? Pwede naman tayong umuwi na, aalis na rin naman ang mga ‘yan.” Sabi niya rito.
“No, it’s okay.” Sabi nito sa kanya at ngumiti pero hindi siya kumbinsido.
“No, let’s go home.” Yaya niya sa asawa at niyakap ito at isinandal sa dibdib niya.
“I’m okay.”
“Gusto mo mag check in na lang dito sa hotel para makapagpahinga ka?”
“Sige.”
Natutuwa naman siya dahil pumayag ang asawa niya. Tumayo siya at nakipag usap sa reception ng hotel para kumuha ng kwarto. Nang makakuha ay inihatid niya ito sa kwarto. Nahiga siya sa tabi nito pero bahagya siyang itinulak ng asawa.
“Mag enjoy ka lang sa party sa ibaba, I’m okay.” Sabi ng asawa sa kanya at humaplos sa batok niya.
“Tatabihan na muna kita.”
“Hindi na, sige na dahil makakapagpahinga na naman ako ng maayos ngayon since maganda na ang pwesto ko. Umakyat ka na lang dito mamaya pag tapos na ang party. They must be looking for you.”
“Alright, call me if you need anything.” Sabi niya.
“Oo na, sige na.” Pagtataboy pa nito sa kanya, may kasama pang muwestra.
Napabuntong hininga na lamang siya at hinalikan ito ng halik sa pisngi bago bumaba na muli sa party sa ibaba.
-
“Nasaan si Lauren?” Tanong ng mga kaibigan niya nang makababa siya.
“Kumuha na kami ng kwarto. Antok na antok na, masyadong napagod sa mga last minute na preparations para sa kasal ni brad.” Sagot niya.
“Buti na lang din walang naging problema ngayong araw mismo, kinakabahan ako na pagsalitain tayong isa -isa kanina. Maigi at pinigil ni Pipo.” Si Julian.
“Alam kasi ni brad na wala tayong sasabihing maganda tungkol sa kanya kaya may utang siya sa atin kung tutuusin.” Sabi ng kapatid niya kaya’t nagkatawanan sila.
“Pati tayo abalang abala rito eh.” Sabi ni Jacob.
“Oo nga, kaya talagang pinagpahinga ko na si Lauren, bumabagsak na ang talukap ng mga mata kanina.” Sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romantizm[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.