Chapter 18

13.4K 421 71
                                    

FOURTWELVE

Chapter 18

“May balita rin ako, ‘Ma.” Sabi ni Esso sa kanila habang kumakain sila ng pananghalian sa bahay nila sa Poblacion.

“Ano namang balita mo?” Siya na ang nagtanong sa kapatid.

“Baka sabay si Pia at si Lauren manganak.” Sabi ni Esso at muntik na siyang masamid sa sinabi nito.

“Buntis ulit si Pia.” Nakangising dagdag nito.

“Hindi ka talaga palalamang ‘no?” Sabi niya rito. Narinig naman niyang natawa ang asawa niya sa tabi niya.

“Ano pang magagawa ko kung nay nabuo? Edi dalawa na magiging anak ko, ‘yun lang ‘yon.” Sabi ni Esso. Para namang nahihiya ang hipag niya sa pinag sasasabi ng kapatid niya. Napailing na lang sila. Tiyak na pagtatawanan ng mga kaibigan nila itong si Esso na palaging paspasan.

-

Nakayapos sa kanya ang asawa habang nag tatrabaho siya sa office niya sa bahay. Nakakandong ito sa kanya habang nakaharap siya sa computer at nagbabasa ng files.

“Here’s the report for last month.” Sabi niya rito at tumingin naman ito sa screen ng computer.

“’Mas mataas ang kita natin last month kaysa sa nakaraang buwan.” Sabi nito.

“Yes. I think nakatulong d’yan ang café mo.” Sabi niya rito. “Good thing you opened it near a university, sa mga estudyante pa lang ay mabenta na tayo.”

“Let’s open another one soon.”

“Pwede. Nabawi naman agad ang ginastos sa café at kumikita na rin ng maganda. Maghanap lang tayo ulit ng area na accessible para sa marami.”

“Okay, let’s do that.”

“Pero kaya mo ba? You’re pregnant.” Sabi niya rito.

“Yes, kaya ko naman. Besides you’re here to help me. I also want to make Jessica a manager.”

“Right, speaking of Jessica I told her I’ll set her up with Latte.” Sabi niya.

“Oh, okay lang ba sa kanila?”

“Siguro. We’ll see about that.”

“Careful ha, ayokong in the end magkakasakitan lang sila.”

“Malalaki na sila, kaya na nila ang nga sarili nila.” Sabi niya at hinalikan ito sa sintido.

-

“Where have you been?” Pagalit na sabi ng asawa niya at pakiramdam niya ay umiinit din ang ulo niya. Palibhasa ay natalo siya sa pustahan sa sabong. Nahigit siya ng kaibigan niya noon at hindi siya nakapalag.

“Don’t start, Lauren.”

“Excuse me, anong kasalanan ko? Tinatanong ko lang kung saan ka galing.”

“Sa sabungan.”

“What?”

“You heard me.” Sabi niya at sumalampak sa sofa sa sala.

“Galing ka sa sabungan, pumusta ka ba at natalo ka kaya ganyan ka?” Tanong ng asawa at pinamaywangan siya.

“No, yes.” Sagot niya.

“You mean yes? Magkanong natalo mo?” Tanong nito at hindi siya sumagot.

“Chino, this is the last time na magsasabong ka. Baka nakakalimutan mong magkaka anak na tayo, baka ngayon ka pa maging sugarol.” Sabi nito sa kanya at umiwas siya ng tingin dito.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon