FOURTWELVE
Chapter 14
“I’m sorry.” Pinanhik niya ito sa itaas nang matapos siyang kumain.
Umismid ito sa kanya at tinalikuran siya. Lumapit naman siya rito para yakapin ito.
“Maligo ka, amoy pawis ka.” Sabi nito sa kanya at inalis ang braso niyang nakapaikot rito.
“Are you pregnant?” Tanong niya rito. “You’re acting weird, you eat pretty well, may mood swings ka rin. You must be pregnant.” Sabi niya at marahas siyang nilingon nito.
“I’m not pregnant! Amoy pawis ka lang talaga.” Sabi nito at itinulak na siya papasok ng banyo.
“Alright, I’ll take a shower. Hindi mo ako kailangang itulak.” Sabi niya at tumalikod na naman ito, napangiti na lamang naman siya nang nasa ilalim na siya smng dutsa.
It’ll be good if she’s pregnant. Magkakaroon na rin silang dalawa ng maliit. He want many children kagulo man sila ay gusto pa rin niya ng maraming anak.
-
Nang matapos siyang maligo ay bumaba siya at nakita niya ang asawa na nilalaro si Kaldi. Sa tabi nito ay si Latte at si Pia. Sa hagdan pa lamang ay naririnig na niya ang tawanan ng mga ito na mukhang tuwang tuwa sa bawat reaksyon ng pamangkin.
“Madali ng patawanin ngayon si Kaldi.” Sabi niya at naupo siya sa tabi ng mga ito.
“Sobrang cute mo, baby.” Sabi ni Latte at humalik sa pisngi ni Kaldi.
“Kailan ang dating ni Frappe?” Tanong niya saa mga ito.
“Nagpapasundo na kay Esso, baka parating na rin sila.” Sagot ni Pia.
“Ah, okay.”
Nagpaalam si Pia na aakyat muna para bihisan si Kaldi at naiwan silang mag asawa sa sala.
Pasimple siyang umakbay kay Lauren habang si Latte naman ay may kausap na sa cellphone at lumabas ng bahay.
“If you’re not pregnant how about I make you pregnant?” Bulong niya sa asawa at humalukipkip ito.
“Naiinggit ka lang yata kay Esso kaya sinasabi mo sa akin ‘yan.”
“Sort of pero I think it will make your Lolo happy. Gusto na niya ng mga apo sa tuhod.”
Nagkibit balikat ito.
“Alam ko na kung anong gagawin.” Sabi niya at tumayo siya para umakyat sa kwarto niya sa itaas.
Nang bumaba siya ay dala na niya ang mga gamit ng asawa.
“Hijo, saan kayo pupunta?” Tanong ng mama niya sa kanya.
“Uuwi na muna kami sa bahay, ‘Ma.”
“Akala ko ba ay gusto ni Lauren na dito na muna kayo?”
“Uuwi lang kami sa’min. Doon lang kami tutulog.” Sagot niya sa ina at isinakay na niya ang mga gamit sa sasakyan.
“Uuwi tayo?” Tanong ng asawa niya na sumunod na sa kanya.
“Yes, gagawa ng baby.” Sagot niya rito at ngumisi. Nakita naman niyang namula ang mga pisngi nito at nanlaki ang mga mata nito.
Nahampas naman siya nito sa braso.
“Come on, hop in.” Sabi lang niya at sumakay sa sasskyan.
“Loko! Mamaya na tayo umuwi, darating pa ang kapatid mo.” Sabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.