Chapter 13

11.3K 525 65
                                    

FOURTWELVE

Chapter 13

“Wife, pupunta ako ng Poblacion, mag aani na ulit ng mga pananim doon.” Sabi niya rito.

“Kailan ka pupunta?” Tanong nito sa kanya at kumunot ang noo nito habang patuloy na kumakain.

“Mamayang gabi para kasama na ako bukas ng umaga.” Sabi niya at sumimangot ito.

“Pinag uusapan lang natin kahapon ang pagpunta sa Poblacion tapos ngayon pupunta ka na?”

“Tumawag na sila sa akin kaya kailangan ko ng pumunta.” Paliwanag niya rito.

“Okay.” Sagot nito.

“Babalik din naman ako kaagad.”

“Narinig ko na ‘yan pero ilang araw na hindi ka pa rin bumalik.” Sabi nito at tinaasan siya ng kilay.

“Babalik na ako kaagad. Maaga naman kaming magsisimula, i-monitor ko lang tapos babalik na rin ako kaagad.” Dagdag pa niya.

“Bahala ka.” Sabi nito at nagpatuloy lang sa pagkain. Napabuntong hininga na lamang naman siya.

-

Nagpahatid ito sa opisina nang matapos silang kumain.

Nasa tapat na sila ng opisina ay hindi pa ito bumababa.

“Nakapaghanda ka na ba ng gamit mo?” Tanong nito sa kanya.

“Gamit? Para saan?”

“Sa pag uwi mo sa Poblacion.”

“Isang araw lang naman ako r’on, hindi ako magtatagal.” Sabi niya rito.

“Sabi mo lang ‘yan, pero once naman nakita mo na marami pang gagawin ay hindi ka rin aalis. Tutulong at tutulong ka rin naman sa kanila.” Sabi ng asawa at humalukipkip.

“I -ah.”

“See, hindi mo rin matitiis ang mga taong naroon.” Sabi nito at bumaba na ng sasakyan at walang lingon na dumeretso papasok sa loob ng building.

Kinuha naman niya ang cellphone at nag type ng message para rito.

“I’ll pick you up later, let’s have dinner.” 

“Okay, papunta ako ng café ng four o’clock.” Bahagya siyang nagulat nang magreply ito kaagad sa kanya.

“Ihahatid na rin kita sa café mamaya.”

“Okay.”

Nagtatampo pero parang naglalambing din ang asawa niya. Naninibago siya, noon naman ay medyo nahuhulaan niya ang mga kilos nito pero ngayon ay hindi. Talagang may kakaiba rito.

-

Binabasa niya ang reports ng mga nakaraang buwan para sa business nilang nag asawa. Tumawag na rin ang mga taga Singapore, ini-refer sila nito sa iba pang café na naroon at humihingi ng presentation ang mga ito sa kanya kaya’t inihahanda na rin niya iyon.

So far ay maganda naman ang itinatakbo niyon. Kinakailangan na rin niyang kumuha ng dagdag pang empleyado para sa opisina.

Gusto na rin niyang lumipat sa building ng asawa, sigurado naman siyang may mga bakanteng opisina roon.

Nag ring ang cellphone niya at sinagot niya iyon kaagad nang makitang ang asawa ang tumatawag.

“Yes, love?” Sagot niya rito.

“Sunduin mo na ako.” Sabi nito at napatingin siya sa relo niya. Alas tres pa lamang, ang sabi nito kanina ay alas quatro.

“Now?”

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon