Chapter 8

10.6K 468 46
                                    

FOURTWELVE

Chapter 8

“Bihisan mo si Kaldi.” Utos ng asawa niya sa kanya. Lumungad kasi ang pamangkin niya matapos nitong uminom ng gatas.

Tumayo naman siya at mabilis na kumuha ng pamalit nito. Nang lumabas siya ay marahan nitong pinupunasan ng bimpo ang leeg ng pamangkin niya.

Lalo yata siyang tinatamaan dito.

Naupo siya sa tabi nito at tumigil naman ito sa ginagawa para hayaan siyang magbihis sa bata.

“Dahan dahan.” Bilin nito sa kanya at inayos ang pagkakahawak niya kay Kaldi. Ang lapit nito sa kanya at hindi niya mapigilang mapatitig dito.

“You smell so nice, Wife.” Sabi niya rito at tumingin naman ito sa kanya.

“Ayusin mo ang pag aalaga mo sa pamangkin mo at hindi kung ano ang sinasabi mo.” Sagot nito.

“Inaayos ko naman.”

“He’s fragile, ayusin mo ‘yang hawak mo sa likod niya.” Sabi pa nito sa kanya.

“Para tayong nag p-practice nito. Yaan mo, gagalingan ko rin kapag tayong dalawa na ang may baby.” Pilyong sabi niya at tinaasan lang siya nito ng kilay.

Nang mabihisan niya si Kaldi ay inayos niya ang comforter na nakalatag sa sala at inihiga niya ang pamangkin doon. Sobrang daming unan ang nakapalibot dito. Ayon kasi kay Esso at Sophia ay umiiyak daw ito kapag nasa kuna.

Nahiga siya sa tabi nito at nagbukas ng TV, habang ang asawa naman niya ay nakaupo sa may dining at may kausap ito sa cellphone.

Nakatitig siya rito at pinapanuod ito. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nito at ng kung sino mang kausap nito. Nang mapansin nitong nakatitig siya ay inirapan siya nito at tinalikuran siya. Lumabas ito saa may garden. Humarap naman siya kay Kaldi at marahang hinaplos ang pisngi nito.

“Iyang tiyahin mo napaka suplada.” Sabi niya rito. Tulad ng asawa niya ay hindi man lamang siya pinansin nito. Nakatitig lamang ito sa TV. Napabuntong hininga naman siya, ano nga bang inaasahan niya sa pamangkin, magtaka siya kung bigla itong umimik.

-

Nang magising siya ay napabalikwas siya nang makita niyang wala ang pamangkin sa tabi niya. Sinilip niya ang ila-ilalim ng sofa at ng ilang mga muwebles.

“Kaldi!” Sigaw niya. Nang pagtayo niya ay nakita niya sa garden ang asawa na buhat ng pamangkin niya. Noon niya napansing may kumot na siya.

“Geez.” Napahaplos siya sa leeg niya habang nakatingin dito.

Lumabas siya sa may garden at pinuntahan ito.

“You’re awake, nakatulog ka …” Sita nito sa kanya pero hindi niya ito pinatapos. Lumakad lamang siya ng deretso rito hinawakan ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito sa labi.

“You’re the best.” Bulong niya sa pagitan ng mumunting halik na iginagawad niya rito.

“Chino …”

Muli niya itong ginawaran ng halik sa labi. Nang umiyak si Kaldi ay agad itong lumayo sa kanya at sinamaan ng tingin.

“Wait, naiipit mo si Kaldi.” Sabi nito. “Careful naman, Chino!”

Napagalitan pa nga siya.

“I’m sorry.”

“Shh, tahan na, baby.” Sabi nito at pumasok na sa loob ng bahay at iniwanan siya roon sa garden.

Napailing naman siya, talaga nga namang palyado na naman ang diskarte niya. Wala ng umepekto sa lahat ng diskarte niya.

-

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon