Chapter 16

11.4K 474 133
                                    

FOURTWELVE

Chapter 16

Alas nueve na ng gabi nang magising siya. Madilim sa buong kabahayan at may palagay siyang hindi pa umuuwi ang asawa niya.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito. Nakahinga siya ng maluwag nang sumagot ito.

“Wife, nasaan ka?”

“Narito ako kay Lolo, I’ll sleep here.” Sabi nito.

“Pupunta ako r’yan.” Sabi niya.

“H’wag na. Dalawa kayong hindi makakapahinga dahil mag uusap lang kayo magdamag.” Sabi ng asawa niya at pinigil niyang matawa.

“Susunduin na lang kita bukas ng umaga.” Sabi niya rito.

“Sige. Mga nine o’clock ka pumunta para di masyadong maaga at makatulog ka ng marami then mag breakfast tayo.” Sabi nito.

“Okay, I’ll pick you up tomorrow.” Sabi niya sa asawa at narinig niyang tinatawag ito ng Lolo nito kaya’t nagpaalam na silang dalawa sa isa’t isa.

-

Nang pumunta siya sa bahay ng mga ito kinabukasan ay walang tao roon. Napakunot siya at tinawagan niya ito. Akala ba niya ay susunduin niya ito dahil nag aalmusal pa silang dalawa ng magkasama.

Tinawagan niya ito pero hindi na sumasagot ang asawa niya. Imposibleng nasa opisina ito dahil araw ng Linggo. Pinili niyang pumunta sa café.

Binati siya kaagad ng mga staff na naroon nang pumasok siya.

“Nasaan ang boss niyo?” Agad na tanong niya.

“Po?” Parang gulat na tanong ng mga ito.

“Nasaan ang boss niyo?” Ulit niya. Iba ang pakiramdam niya, parang may hindi tama sa nangyayari. Mayroon siyang hindi naiintindihan.

“Ang alam po namin nag babakasyon, ang sabi po sa amin ay sa inyo na raw po muna kami mag report.” Sabi nito sa kanya.

May mali talaga.

Sinubukan niyang tawagan ulit ang asawa niya pero hindi na naman ito sumasagot. Saan naman magbabakasyon? Akala ba niya ay ayaw nga nitong magbakasyon? Tinanggihan nga nito ang pagyayaya niya rito ss Singapore tapos ngayon ay nagbakasyon at ibinilin sa kanya ang café?

Sinubukan niyang tawagan si Jessica pero hindi rin ito sumasagot. May alam ang sekretarya nito sa nangyayari sa asawa niya. Tiyak siya.

-

Umagang umaga ng Lunes ay nakaabang siya sa labas ng opisina ng asawa niya. Nang makita niya si Jessica na papasok ay bumaba na siya ng sasakyan at sumunod dito.

Kabababa lamang nito ng bag sa lamesa nang batiin niya ito.

“Jessica.” Banggit niya sa pangalan nito at muntik na itong mapalundag.

“Sir! Ginulat niyo naman po ako!” Sabi nito pero agad niyang napansin na naging malikot ang mga mata nito.

“Nasaan ang boss mo?” Tanong niya rito.

“Hindi ko alam, Sir.” Mabilis na sagot nito.

“She’s gone into hiding again at alam kong alam mo kung nasaan siya.”

“Hindi ko nga po alam.”

“Alright, hindi mo alam kung nasaan siya pero alam mo kung bakit siya wala ngayon.” Sabi niya.

“Hindi ko rin po alam, Sir. Wala po akong alam.” Sabi ni Jessica at umiling pa. .

“You’re terrible at lying, Jessica.” Sabi niya rito.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon