FOURTWELVE
Chapter 9
Agad siyang nagpunta sa ospital nang makareceive ng tawag mula roon. Wari raw ng mga doktor ay gigising na ang Lolo ng asawa niya dahil kumilos daw ang mga daliri nito.
Nang dumating siya roon ay naroon na ang asawa niya at kausap ito ng Doktor. Lumapit siya sa mga ito para makinig sa mga sasabihin nito.
Ayon sa mga ito ay inaasahan nilang anumang oras ay magkakamalay na ang Lolo nito.
Nang umalis ang doktor ay narinig niyang humikbi ang asawa niya.
“It’s okay.” Sabi niya rito at niyakap ito. Sumubsob naman ito sa dibdib niya at doon humikbi. Inalo niya ito at marahan niyang tinapik ang likuran nito. Nang makatahan ito ay parang walang nangyari dahil basta na lamang itong tumalikod at lumayo sa kanya at naiwan siyang pamukat mukat doon.
-
“Chino, patulong nga rito sa kusina.” Tawag ni Esso sa kanya nang mamataan siyang pumasok ng restaurant. Kararating rating lang niya ay inuutusan na kaagad siya nito. Agad naman siyang pumunta rito para tumulong nang hindi na sila tumagal.
“Galing mong mag utos ha, mas matanda ako sa’yo.” Sabi niya rito.
“Edi ikaw na matanda, mauuna kang mamatay.” Sabi nito at agad naman niya itong nabatukan ng isa.
“Tarantado.”
“Ang dami mo pang sinasabi, bilisan mong ayusin iyang mga dadalhin dahil pauwi na tayo.” Utos nito at tumalima naman siya.
Uuwi na sila dahil pabibinyagan na nito aang panganay nito.
Nauna ng bumyahe sila Sophia kasabay ng nga ito si Julian at si Pipo. Sila namang magkapatid ang magkasabay habang susunod naman si Jacob at si Rachel. Habang ang asawa niya ay hindi na naman siya sinasagot. Hindi niya alam kung darating ba ito. Alam niyang inbitado ito dahil isa ito sa mga Ninang pero hindi naman niya makumpirma sa kapatid kung darating ba ito.
-
Nang dumating sila sa bahay ng mga magulang niya ay napatigil siya nang makita roon ang asawa. Napatigil siya sa may pintuan at tumitig dito. Kausap nito ang Mama niya at parehong nakangiti ang dalawa.
“Chino! Ibababa pa itong mga gamit, baka gusto mo namang tumulong.” Si Esso. Mukhang mainit na ang ulo nito kaya sumunod na lamang siyang muli rito.
-
“Akala ko hindi ka darating.” Sabi niya sa asawa habang kumakain sila ng meryenda sa kusina. Naupo siya sa tabi nito dahil magkakapareha na ang magkakatabi sa hapag.
“Nakakahiya kina Pia kung hindi ako pupunta.” Sagot nito at tinusok ng tinidor and prutas na nakahayin sa kanila.
“I see, papaano ang café? Sinong naroon?” Tanong niya pa.
“Problema ko na ‘yon, h’wag mo ng intindihin.” Sabi nito at nagpatuloy lang sa pagkain. Umalis ito sa tabi niya makailang saglit lang at lumapit kay Rachel at sa iba pa.
“Pare, magiging tatay na ako.” Pagyayabang ni Jacob sa kanila.
“Oo na, pang labing pito mo na yatang sinabi sa amin ‘yan.” Para namang tamad na tamad na sagot ni Pipo. Simula kasi nang dumating ito ay wala ng ibang ipinagyabang kundi ang pagbubuntis ni Rachel. Honeymoon baby ito, gaya ng sabi nila. Masaya naman sila para sa mga kaibigan pero kapag pala paulit ulit at parang gusto na lang nilang ilibing ng buhay si Jacob.
“Magpapakasal na rin kami kaya magiging tatay na rin ako, malapit na.” Sagot ni Julian. Yung tono nito ay alam mong sarkastiko at iritable na rin.

BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.