Chapter 12

11.7K 519 124
                                    

FOURTWELVE

Chapter 12

Gabi na ng dumating siya sa café. Nakaupo sa gilid ang asawa niya at kausap nito ang isa sa nga staff nito. Mukhang tinuturuan nito iyon ng mga gagawin.

Tumingin ito sa direksyon niya pero isang sulyap lang iyon. Dumeretso na lang siya sa likod at mula na lang doon niya pinanuod ang asawa.

Lumapit siya rito nang tapos na nitong kausapin ang isa sa mga staff.

“What’s that about? Mukhang seryoso.” Sabi niya rito at naupo sa tabi nito.

“Just explaining the things they must do when I’m away. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay narito ako.” Sagot nito at tiniklop ang laptop. Pumormal ito sa kanya. Pero ayos lamang iyon, ang mahalaga ay kinakausap naman siya nito kahit papaano.

“Ah. Let’s have dinner.” Yaya niya rito. Tumaas naman ang kilay nito sa kanya.

“Busy ako, lalabas ako.” Sabi nito.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya.

“I’ll meet my lawyer.” Awtomatikong nagdilim ang paningin niya nang banggitin nito ang lawyer.

“Bakit? Para saan?”

“Gusto ko siyang makausap.” Sabi nito.

“Tungkol saan?”

“None of your business.” Sabi nito at tumayo at tinalikuran na siya. Mabilis naman siyang sumunod dito.

“Sasama ako.” Sabi niya.

“Hindi pwede.” Sagot nito.

“Sasama ako. Let’s go. Gabing gabi na nakikipagkita ka pa r’on.” Sabi niya.

“Fine, let’s have dinner, I’ll just reschedule my meeting with him.”

“Anong pag uusapan niyo ba?” Pangungulit niya rito. Hindi yata siya natatahimik nang hindi ito nagsasabi kung anong pakay ng lawyer dito.

Huninga ito ng malalim at muling naupo.

“He’s apologizing to me and I think I should meet him.” Sabi nito.

“Bakit nag aapologize? May ginawa bang masama sa’yo ‘yung lokong ‘yon?”

Muli naaman itong napahinga ng malalim.

“Come on, let’s have dinner na lang. Bukas ko na lang siya kakausapin.” Sabi nito. Tumayo ito at nagpaalam sa ibang staff na lalabas.

Nang humawak ito sa braso niya nang palabas na sila ay napatingin siya rito. Lihim siyang napangiti sa ginawa nito.

“Saan tayo kakain?” Tanong niya rito.

“Saan mo ba gusto? Anong gusto mong kainin?” Balik tanong nito. Nakakapit pa rin ito sa braso niya habang naglalakad sila at naghahanap ng makakainan sa paligid ng café.

Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi na lamang niya isinatinig ang pagkakahawak nito sa kanya dahil baka alisin pa nito, gayundin kung hahawakan niya ang kamay nito.

“Ikaw? May gusto ka bang kainin?” Ibinalik niya lang ulit ang tanong dito at umikot na naman ang mga mata nito.

“I’m craving for sinigang.” Sabi nito.

“Sinigang? Maraming meron n’on.”

“Gusto ko ng sinigang na bangus.”

“Okay.”

Pumasok sila sa isang Filipino restaurant at agad na nag order ng sinigang na bangus, nag order din sila ng sisig at inihaw na pusit.

Nang maupo siya sa tabi nito ay hindi ito umangal o nagsungit man lang sa kanya. Mukhang kahit papaano ay talagang nagiging maayos na silang dalawa.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon