Chapter 3

12.7K 502 120
                                    

FOURTWELVE

Chapter 3

Nasa may counter siya at iniinom ang beer na hawak niya. Sa harap niya ay ang mga singsing na bigay niya sa asawa na ngayon ay ibinalik na sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya inaasahan ang mga pangyayari, akala niya ay hindi naman gaanong galit sa kanya ito. Mukhang mali siya ng tantsa.

“Ano ‘yan?” Usisa ng kapatid niya. Agad niya ipinangtakip sa mga singsing ang palad niya para hindi na nito makita iyon.

“Wala.” Sagot niya at muling tumungga sa bote niya.

“Singsing ni Lauren? Ibinalik na sa’yo?” Sabi nito at halatang nagpipigil itong tumawa.

“Matakot ka na kapag ibibalik na ang singsing sa’yo. N’ung ginawa ni Sophia sa akin ‘yan kabado na ako.” Sabi nito at naupo sa tabi niya. Hindi siya kumibo.

“Ano bang kasalanan mo?” Tanong nito.

“I sold her company.” Sabi niya rito. Nang hindi ito sumagot ay tumingin siya rito. Mukhang nasa malalim na pag iisip ito.

“Nang ibenta mo ang company niya ay nagalit siya?” Tanong nito at tumango siya.

“Teka, bakit mo nga naman ibinenta ang company niya?” Tanong nito at sumimangot sa kanya.

“Lugi na, may buyer kaya binenta ko na. Siya rin naman ang mag b-benefit n’on.” Sagot niya.

“Kahit pa, hindi naman sa’yo ‘yon, bakit ikaw ang nagbenta?” Tanong nito.

“Lugi na nga kasi, bukod pa r’on ay may isa pa naman kaming negosyo, we couldn’t save Cosiarelli and the best thing to do is to let it go.” Paliwanag niya rito.

“Hindi nga sa’yo ‘yung kompanya, kahit pa ba iyon ang best thing to do ay hindi pa rin sa’yo ‘yon. Teka, kung ganyan na lamang ang galit niya sa’yo ibig sabihin ay binenta mo iyon ng lingid sa kaalaman niya?”

“Sasabihin ko rin naman sa kanya, hindi ko lang isinabay dahil aa nangyari sa Lolo niya.” Sabi niya rito.

“Parang lumalabas kasi na plinano mo ‘yan nang hindi talaga sinasabi sa kanya.” Sabi nito at pinaningkitan siya.

“Alright, I’m guilty.” Sabi niya rito. “Hindi ko sinabi dahil alam kong tututol siya.”

“Edi ‘yon, magagalit nga sa’yo ‘yon, tarantado ka pala eh.” Sabi ni Esso sa kanya at tinatawanan siya. Tinapik siya nito sa balikat at tumayo na. Binigyan siya nito nang isa pang bote ng beer.

Alam na niya ‘yon. Base sa mga singsing na nasa harap niya ay alam na alam na niya iyon. Muli niyang tinungga ang bote na binigay ni Esso sa kanya.

-

Ipinarada niya sa may tapat ng hotel ang sasakyan niya at muling naghintay sa asawa niya roon. Napahikab siya dahil wala pa siyang maayos na tulog.

Naramdaman niya ang pag iinit sa dibdib niya nang makita ang asawa na lumabas ng hotel. Muling pumara taxi ito at pinaandar niya ang sasakyan kasunod ng taxi.

May pinuntahan ulit na bakanteng espasyo ng isang gusali. Hindi niya alam kung anong gagawin ng asawa niya.

Gusto niyang malaman kung anong plano nito. 

Dinial niya ang number nito at nag ring iyon. Nakita niya kinuha nito ang cellphone sa bag nito at sumimangot ito nang tingnan ang screen. Siya naman ang napasimangot nang ibalik nito sa bag nito ang cellphone nang hindi sinasagot ang tawag niya.

Four TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon