FOURTWELVE
Chapter 2
Nakatayo siya sa harap ng pintuan ng kwarto ng Lolo ng asawa niya. Nang tanungin niya ang personal nurse ay hindi pa raw pumupunta roon ang asawa niya.
Bababa na sana siya para manigarilyo nang makasalubong niya ang sekretarya ng asawa niya na si Jessica.
Nang makasalubong naman siya nito ay mabilis itong tumalikod.
“Jessica!” Tawag niya rito at hinawakan ito sa balikat.
“Po?” Alanganing tanong nito.
“Nasaan ang boss mo? Alam kong alam mo.” Sabi niya rito.
“Po? Hindi ko po alam.” Sabi nito sa kanya at naging malikot ang mga mata nito.
“You’re not a good liar, Jessica.” Sabi niya rito nagbago ang ekspresyon nito.
“Hindi ko nga po alam.” Sabi pa nito sa kanya.
“Come on, just a clue.” Sabi niya rito.
“Clue? Ayaw ko, Sir. Wala naman akong mapapala sa inyo tapos sinaktan niyo lang naman si Ma’am.”
“Jessica, kaya ko nga hinahanap kasi aayusin ko.” Sabi niya at napabuntong hininga siya.
“Sorry na lang kayo, Sir pero nakay Ma’am ang loyalty ko, wala ho kayong mapapala sa akin. Kabilin bilinan niyang h’wag na h’wag kong sasabihin sa kahit kanino kung nasaan siya.” Sabi nito at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya.
Parang bigla ay gusto niyang pagbuhulin ang makulit na si Jessica at ang maganda nitong amo.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang malamang ayos lamang ang asawa niya. At least naman pala ay kasama nito si Jessica.
Nang lumabas si Jessica ay mukhang hindi na siya nito napansin. Pakubli siyang sumunod dito, nang makalabas ito at pumara ng taxi ay pumara na rin siya. Hindi niya masusundan ito kung dadalhin niya ang sasakyan, sa likod ng ospital siya naka park.
Tumigil ang sinasakyang taxi nito sa isang hotel di kalayuan sa ospital. Pasimple pa rin siyang sumunod kay Jessica sa loob pero hanggang sa may lobby na lang siya. Tinanaw niya kung anong floor ang pipindutin nito sa buton ng elevator.
Seventeenth floor iyon. May palagay siyang naroon ang asawa niya.
Naupo siya sa may lobby at doon naghintay, sigurado siyang hindi lilipas ang ilang oras ay lalabas din ito.
-
Naka ubos na siya ng limang stick ng sigarilyo nang lumabas ang asawa niya sa building.
Pinigil niyang mapangiti ng makita ito. She’s so beautiful wearing her casual clothing. Kasama nito si Jessica at sumakay ulit ng taxi ang dalawa. Pumara rin siya at pinasundan ulit ang dalawa.
Bumaba ang dalawa sa isang bakanteng maliit na gusali na may nakalagay na “for lease” sa pintuan.
Napaisip siya kung anong ginagawa roon ng asawa niya.
May kinausap itong tao at binuksan nito ang pintuan at pinapasok ang asawa niya at si Jessica.
Makailang sandali ay lumabas na ang mga ito muli at nag usap ulit.
She’s doing some negotiations without him.
Napailing siya. Mamaya ay kakausapin na lamang niya ang asawa niya. Ngayong alam na niya kung nasaan ang asawa ay madali na itong puntahan. Umuwi muna siya at naligo.
-
Nakaabang siya sa lobby at kita na niya kaagad ang asawa niyang pumasok ng hotel. Ngumiti ito sa receptionist at agad na naglaho ang ngiti nito nang mamataan siya nito.
BINABASA MO ANG
Four Twelve
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 5.2 Chino Arvesu, a ruthless man turning into a vanilla marshmallow.